dirleyla04
"Wow!" namamanghang saad ko ng mapatapat kami sa isang malaking bahay. Napagkasunduan kasi naming dalawa na magliwaliw muna bago namin bisitahin ang mama niya.
Sa totoo lang ngayon lang ako nakakita ng ganitong disenyo ng bahay sa personal. Kadalasan ay sa mga larawan sa internet o libro sa history subject namin ko lang iyon nakikita eh.
Tradisyunal na disenyo ang unang mapapansin sa bahay na ito, ang kalahati ay gawa sa semento habang ang itaas naman ay gawa sa kahoy at kakaibang klase ng kagamitan na makaluma. Habang ang bubong naman nito ay gawa sa pawid at sawali, maliit iyon kung ikukumpara sa bahay namin pero iyon na ang pinakamalaking bahay na nakikita ko mula sa kinaroroonan namin.
Kapansin pansin din ang pagkaka ukit sa mga kahoy nito, hindi ko iyon maintindihan sa umpisa pero kung titingnan ng mabuti ay doon lang makikita na may kwento ang bawat nakaukit roon. Katulad na lamang ng pangunahing pinto kung saan sa malayo ay mukhang magulo at basta basta lamang ang pagkaka ukit ngunit ng lumapit kami ay saka ko lamang nakita ang tunay nitong diseniyo, larawan ng isang pamilyang masayang nagkakantahan sa gitna ng isang malawak na lupain.
"Ang ganda 'no?" bumalik ako sa reyalidad ng biglang sumulpot sa tabi ko si Lucas, minsan nawiwirduhan ako kapag binabanggit ko ang pangalan niya dahil kusang napapangiti ang mga labi ko. What the heck?
"Feeling ko bumalik ako sa nakaraan" nakangiting sabi ko sa kanya. Tumango lang siya at muling ibinalik ang paningin doon sa bahay. Mas buo siguro ang experience na ito kung makakapasok kami sa loob niyon.
"Mamaya pa tayo makakapasok sa loob, may limit kasi ang bilang ng tao na pinapapasok nila dahil baka hindi kayanin ng bahay kapag sobrang dami" maya maya pa ay sambit ni Lucas dahilan para magtaas ako ng tingin sa kanya. Para kasing napapakinggan niya ang iniisip ko o baka naman parehas lang ang tumatakbo sa isip naming dalawa.
Sino ba naman kasing hindi magugustuhan ang makapasok sa ganitong kagandang bahay? Kahit yata buong buhay akong patirahin doon ay papayag ako. Sana lang malakas internet connection.
Bahagya kaming napatabi ng biglang bumukas ang pinto at lumabas ang bilang ng mga tao, pinangungunahan sila ng isang matandang lalaki na nakakulay pula na uniform, siya siguro ang nagsisilbing tour guide, dahil iyon ang salitang nababasa ko sa suot niyang damit.
"Oh 'yung mga susunod pwede na kayong pumasok kapag nakalabas na lahat ng mga nasa loob" anunsyo noong matandang lalaki, bigla tuloy akong nakaramdam ng excitement dahil hindi na ako makapaghintay na makapasok sa loob. Curious kasi ako kung anong meron doon.
Ng maubos na ang mga taong lumalabas ay isa isa na kaming pumasok sa loob. Inaasahan ko na mainit sa loob noon pero pagakapasok namin ay malamig na simoy ang sumalubong sa amin kahit wala namang aircon.
"Oyy saan ka?" nagtatakang tanong ni Lucas sa akin ng akma akong susunod sa kanya papasok sa isang silid na malapit sa may pintuan.
"Huh?" naguguluhang tanong ko sa kaniya.
"Doon ang mga babae, for boys only 'to" singhal niya sa akin at saka ako bahagyang itinulak patungo sa kung saan dapat ang mga babae. Hindi naman kasi ako nainform na may paganun pa pala.
Ako ang huling pumasok doon sa kwarto para sa mga babae. At nadatnan ko na nagbibihis na sila roon. Halos mapatalon ako sa gulat ng lumapit sa akin ang isang babae at saka inabot sa akin ang ilang piraso ng tela. Sinabi niya lang na iyon daw ang susuotin ko. Hindi na ako umangal pa at sinuot na ang mga damit na iyon dahil halos lahat ng babaeng kasama ko ay nakabihis na.
"Wow hija bagay na bagay sa'yo ang suot mo" papuri sa akin ng isa sa mga babae roon pagkalabas ko suot suot na ang damit.
Kulay puting kimona ang pang itaas at bulaklaking saya naman na kulay rosas ang pang ibaba. Habang bakya naman ang sapin ko sa paa.

BINABASA MO ANG
Dear Leila | COMPLETED
General FictionKaya bang talunin ng pag-ibig ang reyalidad? Halika takas tayo!