dirleyla19
"Happy birthday Leila" bati sa akin ni Lukas pagkalapit nito sa akin. "I don't have a gift because I don't have money" problemadong sambit pa nito pero naiintindihan ko naman iyon kaya niyakap ko na lang siya. Hindi kasi siya ini spoiled nina Daddy lalo na pagdating sa pera dahil masyado pa siyang bata.
"It's okay just call me Ate kahit ngayong araw lang and that's your gift" sabi ko na may halong pagmamakaawa dahil nabibilang sa mga daliri ko ang dami ng beses niya akong tinawag na ate. Samantala, umakto namang parang nag-iisip si Lukas sa harapan ko.
Ang cute niya pero hindi ko maiwasang mainis sa kanya minsan dahil hindi niya ako tinatawag na ate. Minsan pa nga kung magsalita at umakto siya ay feeling niya na mas matanda siya kesa sa akin.
"Okay Happy birthday again ate Leila" sabi ni Lukas at talagang diniionan pa ang pagkakasambit doon sa ate at dahil sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko ulit siya, nagreklamo na naman siya dahil sa higpit ng yakap ko.
"Happy birthday hija. Later ko na lang ibibigay 'yung gift ko for you" tita Maris said ng lumapit din ito sa akin. Actually kami talaga 'yung parang magkapatid dahil sobrang bata niyang tingnan. And fresh, ang swerte ni Daddy sa kanya.
Pinanood namin iyong maikling program na ginawa ng mga estudyante ko para sa akin. May mga kumanta, sumayaw at mayroon ding tumula. Pero ang pinaka nagustuhan ko ay iyong role play na ginawa nila kung saan ginaya nila iyong parati kong ginagawa sa classroom at pati estilo ng pagsasalita ko.
Tawa lang ako ng tawa habang pinapanood iyong mga estudyante ko at saka pumapalakpak pagkatapos.
"Iyan daw ang kanilang regalo sa iyo dahil wala silang pambili ng regalo" bulong sa akin ni Teacher Daisy habang pinapanood namin iyong mga bata. Lalong nadagdagan ang saya sa dibdib ko dahil sa sobrang tuwa.Never in my life na iniisip ko na maging isang guro. Dahil para sa akin it's just a profession na nakakapagod at nakakaubos ng pasensya pero ngayon kabaligtaran ang nangyayari at nararamdaman ko. Ang pagiging isang guro ay higit pa sa isang propesyon na kinakailangan kong gawin kundi parang isang prebelehiyo na maging parte ng bawat buhay ng mga batang natuturuan ko.
Pagkatapos ng palabas ay kumain na kaming lahat. Maraming naka handang pagkain kaya naman tuwang tuwa iyong mga bata, nagmukha tuloy children's party iyong birthday ko pero okay lang.
"Hey" rinig ko ang boses ni Daddy ng lumapit ito sa akin.
"Dad?"
"Happy Birthday!" bati sa akin ni Daddy at saka inaabot ang kulay pink na paper bag. "Open it that's my gift" sabi ni Daddy kaya naman binuksan ko na iyong paper bag gaya ng sabi niya. Ang my mouth formed an o when I saw kung anong laman niyon.
Susi.
"Dad are you sure?" naniniguradong tanong ko kay Daddy. The last time I checked ayaw niya akong mag drive simula noong naaksidente ako and now he's giving me a car though susi pa lang naman itong hawak ko.
"I think it's already time, you're not getting any younger" sabi ni Daddy at napatawa siya ng makitang napanguso ako dahil sa sinabi niya. "Parati kong sinasabi sayo na mag move on na sa lahat ng nangyari before, but I realized na dapat ako din pala. Kaya simula ngayon I'll let you drive but please please please always be careful okay? Ayoko ng maulit ulit 'yung nangyari dati" pakiusap ni Daddy sa akin and I nodded. Lumapit ako sa kanya para yakapin siya at inakap niya rin ako pabalik.
"I love you Dad" I sincerely said habang magkayakap kami.
"I love you more my Princess" Dad answered at namalayan ko na lang na tumulo ang mga luha ko. Pinunasan ko kaagad ang mga iyon ng maghiwalay kami ni Daddy sa yakap para hindi niya mapansin. "Are you happy?"
"Of course Dad, I'm happy, it's my birthday--"
"With your life, are you happy?" paglilinaw ni Daddy sa tanong niya and that makes me stopped and think.
Masaya nga ba ako?
I honestly don't know. Pero anim na taon na rin akong hindi nakakakita ng mga bituin. At hanggang ngayon ay iyon pa rin ang laman ng panalangin ko. Iyon pa rin ang gusto ko. Iyon pa rin ang pangarap ko.
Ang makitang muli ang mga bituin sa langit
Ang muling maging masaya.
"They say it's okay not to be okay, but not all the time anak. This is just an advice, so please listen to me" Dad seriously said and I purposely listened to him dahil pakiramdam ko kailangan kong marinig kung ano man ang sasabihin niya. "It's been six years anak and you're still there, I mean still living on that life. Sabi mo tanggap mo na lahat, pero alam mo kung anong nakikita ko? Pinipilit mo lang na gawing totoo ang mundong 'yun. You chose to live here in Mindoro, you named your brother Lukas and your chosen profession. Anak hindi naman masamang alalahanin mo sila pero mayroon kang sariling buhay at ito 'yun, ikaw 'yun, hindi sila. At ikaw rin lang ang may kakayahan na iparamdam ang saya sa sarili mo. Dahil ikaw ang may hawak ng panulat ng kwento mo"
Realization hit me after hearing those words from Dad. Akala ko rin tanggap ko na, pero hindi ko namalayan na ganun pala ang ginagawa ko. Sinusubukan kong umusad pero hinahayaan kong kontrolin ako ng aking mga karanasan noon. Kasi baka kaya ko, baka kaya kong gawing totoo lahat ng iyon. Kaya sinubukan ko. At sa kakasubok ko nakalimutan ko na harapin ang totoong buhay.
Ang totoong ako.
Kung ano talaga ang gusto ko.
"Do you want your story to have an happy ending?" tanong ni Daddy sa akin at tanging pag tango lang ang naisagot ko sa kanya. I really want that. "Be a happy writer, then" Dad answered before hugging me again. Kung kanina ay naitago ko pa ang aking mga luha ngayon ay hinahayaan ko na lang ang mga ito na bumagsak.
Okay lang naman na umiyak.
"By the way there's someone who wants to greet you" sabi ni Daddy habang pinapahiran ko ang aking mukha na basang basa dahil sa pag-iyak.
"Sino Dad?" tumingin ko sa kanya. Lumagpas ang tingin sa likuran ko saka ngumiti. At ng lumingon ako ay nakita ko si Doc Perez sa na naglalakad palapit sa amin.
"I invited her" sabi sa akin ni Daddy.
"Hi Leila" bati sa akin ni Doc Perez pagkalapit nito sa amin. "Happy Birthday"
"Thank you po Doc–"
"Anong sabi ko na dapat mong itawag sa akin?" nakataas ang kilay niyang sambit at napangiti ako dahil doon. Lumapit ako sa kanya para yakapin siya.
"Thank you Tita" sambit ko at naramdaman ko rin ang pagyakap niya sa akin.
"Diba mas magandang pakinggan kesa sa Doc" aniya kaya natawa ako.
Tita Elly is the sweetest person I know kaya hindi ako nagtataka kung bakit naging magkaibigan sila ni Mommy. They're both sweet. Everytime we meet she always has something to give me, chocolates, cookies and very random gifts. Katulad ngayon meron ulit siyang dala na birthday gift para sa akin."For you" sabi sa akin ni Tita Elly sabay abot sa akin nung dala niya na paper bag. Maliit lang iyon na kulay blue.
"Ang dami niyo na pong naibigay sa akin na gifts Tita" sambit ko and I saw Tita Elly smiling.
"Do you want to know why?" tanong niya sa akin at bahagyang nagsalubong ang kilay ko. "Kung bakit parati kitang binibigyan ng regalo noon?" dagdag pa niya.
"Bakit po Tita?"
"Because someone wants me to" sagot sa akin ni Tita Elly. Ngumiti ulit siya sa akin pero napansin ko na may halo iyong lungkot.
"Si Mommy po?" tanong ko sa kanya. Si Mommy lang kasi ang naiisip ko na magpapagawa sa kanya ng ganung bagay.
"Si Lucas"
|dumppen|
BINABASA MO ANG
Dear Leila | COMPLETED
General FictionKaya bang talunin ng pag-ibig ang reyalidad? Halika takas tayo!