dirleyla01
"Miss, Miss"
Naalimpungatan ako ng may marinig na boses mula sa labas ng sasakyan ko. Pagkamulat ng aking mga mata ay sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ng isang lalaki na nakasuot ng guard uniform na kumakatok sa bintana ng kotse ko.
Teka nasaan ba ako? Hindi pamilyar ang lugar na ito sa akin. Siguro sobrang layo na ng narating ko.
"Yes?" salubong ang kilay kong tanong doon sa guard pagkabukas ko ng bintana ng aking kotse. Masama ang gising ko dahil ayoko sa lahat ay 'yung inaabala ako sa pagtulog, ewan ko ba pero naiinis ako kapag ganun.
"Eh Ma'am nakaka abala ho kasi kayo sa pila ng mga pasahero kaya kung pwede po sana ay alisin nyo muna itong sasakyan niyo" malumanay na sagot sa akin ni Manong guard. And when I looked outside nakita ko ang napakahabang pila ng mga tao na may kanya kanyang mga bagaheng dala dala. Noon ko lang na realize na nasa seaport pala ako.
"Uhhmm, Manong anong lugar ito?" naguguluhan na tanong ko doon sa guard. Hindi ko na kasi naalala kung saan ako dinala ng aking sasakyan kagabi, basta nag drive nalang ako ng nag drive.
"Nasa Mindoro po kayo Ma'am" nakangiting sagot sa akin ni Manong at bahagyang kumunot ang noo ko dahil hindi ako pamilyar sa lugar na sinabi niya. "Hindi niyo ho alam?" dagdag na tanong sa akin ni Manong guard.
"Hindi ba obvious Manong? Tatanungin ba kita kung alam ko na kung nasaan ako?" inis na singhal ko sa kanya dahilan para mapakamot na lang siya sa kanyang batok. I don't want to be mean pero sinira niya iyong tulog ko kaya magdusa siya sa kasungitan ko.
"Pasensya na ho Ma'am" paghingi niya ng paumanhin. Matapos noon ay nagdrive na rin ako papalabas ng port pero ganun na lang ang paglaglag ng balikat ko ng marealize na hindi ako pamilyar sa lugar na tinatahak ko. Ngayon lang kasi ako nakarating sa lugar na'to.
Kulang na lang ay batukan ko ang aking sarili ng makitang wala akong dala kahit isang gamit maliban sa wallet ko, I even forgot to bring my phone. Nanatili ako sa loob ng aking sasakyan para mag-isip kung paano ang gagawin ko ngayon. Hindi ko alam ang lugar na ito kaya siguradong mahihirapan akong kumilos. But first thing first! Nagugutom na ako! Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling kumain.
That's why I decided to park my car somewhere, at saka naghanap ng atm machine na malapit sa kinaroroonan ko. I have my card with me sana lang hindi pa iyon naclosed ni Daddy, dahil kung hindi, ewan ko na lang kung saan ako pupulutin nito.
Good thing I found one, and luckily my card wasn't closed, kaya nakakuha ako ng pera. Pagkatapos sa atm machine ay ang sunod ko namang hinanap ay restaurant kung saan ako pwedeng kumain. Naglakad lang ako ng naglakad and I ended up ordering on a fastfood restaurant.
Marami akong inorder na pagkain because I was too hungry. It was a late lunch, dahil mag aalas dos na ng hapon. Kaunti lang ang tao na kumakain sa loob kaya hindi gaanong maingay at magulo. I was enjoying my food when a guy suddenly appeared in front of me, handling the food he ordered.
My brows immediately raised when he placed his food on my table and he even pulled the chair in front of me and he sat there without asking for my permission.
"Bakit?" nagtataka niyang tanong ng napansin niya na nakatingin ako sa kanya. He even looked at the glass wall to check if he has some dirt on his face before turning his gaze on me again.
"Did I gave you a permission to sit there?" I asked while still raising my brows to him. I thought matatakot siya sa ginawa ko but he smiled at me instead. "What's funny?" naiinis ng tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ba lagi na lang akong naiinis ngayong araw. Siguro kasi puro nakakainis na tao ang kinakausap ko.

BINABASA MO ANG
Dear Leila | COMPLETED
General FictionKaya bang talunin ng pag-ibig ang reyalidad? Halika takas tayo!