dirleyla14
Dahil late na akong nakatulog kagabi, late na rin akong nagising. At paglabas ko ng kwarto ay dumeretso ako sa kusina at nakita ko na naroroon na ulit silang lahat para kumain ng agahan si Mang Mario, Lola Claret at Lucas at ako na lang ang hinihintay nila.
"Good morning" nakangiting bati ko sa kanilang lahat. They greeted me back at nagsimula na rin kaming kumain. Ayon kina Lola Claret at Mang Mario ay magsisimba daw kami ngayong araw. Napaisip tuloy ako kung kelan ba 'yung huling beses na pumasok ako sa simbahan?
Matagal na.
Sobra.
Pagkatapos naming kumain ay naligo at nag-ayos na rin kami. Pinahiram ako ni Isay ng isang puting bistida na siyang susuotin ko ngayon. Ako ulit ang nahuling mag-ayos kaya pagkalabas ko ng bahay ay naroroon na silang lahat at katulad ko ay nakabihis na rin.
Kaagad hinanap ng mga mata ko si Lucas and I automatically smiled when I saw him. He's wearing a white polo shirt partnered with jeans. Pinahiram siguro sa kanya ni Bino.
"Ganda naman" bulong sa akin ni Lucas pagkalapit ko sa tabi niya. I just rolled my eyes on him at bahagyang kinagat ang labi ko para pigilan ang pagngiti ko at ng hindi niya mahalata na kinikilig ako.
Magkakasabay kaming naglakad papuntang simbahan kasama ang mga kapitbahay nina Lola Claret. May mga bata at matatanda kaming kasama. Medyo malayo daw iyong simbahan pero sanay na ang mga tao rito na nilalakad lang iyon kaya hindi ako pwedeng mag-inarte. At tsaka masaya namang maglakad lalo na pag marami kayong magkakasabay.
Magkahawak ang kamay namin ni Lucas kaya naman tinutukso kami ni Bino na nasa unahan namin. Ume-effort pa siya na lingunin kami para lang maka pang-asar.
"Pwede na kayong dalawa sa commercial" anito habang nakatingin sa aming dalawa ni Lucas.
"Anong commercial?" curios tanong ko medyo naexcite ako sa topic na 'yun dahil noong bata pa ako ay naging pangarap ko rin na makita sa TV.
"'Yung sa sabon! Mas puti ito mas puti ito mas puti itoooo" pagkanta ni Bino at talagang sinabayan pa niya ng pagsayaw. Lucas bumped him on his shoulder noong lagpasan namin siya. Tawa pa rin ng tawa si Bino doon sa likuran namin.
"Bino, magtigil ka nga at para kang inaupahan sa pagtawa diyan" saway noong isang matandang babae na kasabay namin sa paglalakad dahilan para tumigil na sa pagtawa si Bino at naglakad na ulit kasunod namin. Habang si Isay naman ay inaalalayan iyong isang matandang babae sa paglalakad dahil mukhang hirap na itong ihakbang ang mga binti.
Lumapit sa kanila si Bino at siya naman ang umalalay doon sa matanda."Ka Rosa bakit baga ho hindi ninyo ipagsama si Ka Narding para siyang mag-akay sa inyo at para mabawas bawasan din ho ang kasalanan noong matandang iyon?" tanong ni Bino kay Lola Rosa dahilan para bahagya siyang hampasin nito sa braso. Napatingin din sa kanila ang iba pa naming kasabay at ang ilan ay natatawa pa.
"Likat kang bata ka! Bakit pati asawa ko'y inadamay mo? Hayaan mo't matanda na iyon may sarili na iyong desisyon sa buhay" sagot ni Lola Rosa dito at rinig na rinig ang usapan nilang dalawa sa kalsada.
"Ako laang naman ho'y naga-alala sa inyo. Hindi ga ho kayo naiingit dini kayna Lola Claret at Lolo Mario? Tingni ho ninyo at anong sweet nilang dalawa. Ay diga'y kong inasama ninyo si Ka Narding ay 'di sanay ganyan din kayo magkahawak ang kamay" ani Bino at halatang inaasar lang si Lola Rosa. Pati matanda hindi pinapalagpas ng kakulitan niya.
"Ayy mas gusto pa niyon na kahawak ay alak kaysa sa akin. Alam mo gang hindi ako inatabihan ng likat na iyon sa pagtulog. Paano'y doon na lagi sa labas nakakatulog sa sobrang kalasingan. Ako'y iyamot na iyamot na" reklamo ni Lola Rosa kay Bino.

BINABASA MO ANG
Dear Leila | COMPLETED
General FictionKaya bang talunin ng pag-ibig ang reyalidad? Halika takas tayo!