CHAPTER 13

7 2 0
                                    

dirleyla13

"Leila!"

Napatakbo ako sa may pintuan ng bahay nina Lola Claret ng marinig ko ang pagsigaw ni Isay sa pangalan ko. Ng nasa pinatuan na ako ay nakita ko si Isay na kakapasok lang ng bakuran nina Lola Claret at may dala dala siyang isang plastic na kulay pula.

"Oh Isay bakit?" tanong ko sa sa kanya ng makalapit na siya sa akin. Hindi kaagad nakasagot si Isay sa tanong ko dahil sobrang hingal niya. Ng maging nirmal na ang kanyang oaghinga ay saka lamang niya ako sinagot.

"Heto, bistida binili ng Mama kanina sa bayan" sabi niya sabay abot sa akin noong kukay pulang plastic. Bago buksan iyon ay pinapasok ko muna siya sa loob bahay. Kami lang ang tao ni Lola Claret sa bahay dahil may pinuntahan sina Lucas at Mang Mario.

"Bakit ako binilhan ng Mama mo?" nagtatakang tanong ko kay Isay habang nilalabas iyong bistida sa plastic. Kulay pula iyon at bulaklakin ang disenyo. I never wear this kind of dress pero dahil binili iyon ng mama ni Isay para sa akin ay susuotin ko iyon.

"Awan ko kay Mama basta ang sabi ay ibigay ko daw sa iyo yaan. Meron nga din ako e" sagot sa akin ni Isay. Parang may kumiliti sa dibdib ko. Masarap pala sa pakiramdam na may taong nakaka alala sayo 'yung kahit hindi mo pinipilit. "Sakto may asuotin na tayo mamaya!" excited n sabi ni Isay kaya naoatingin ako sa kanya.

"Bakit? Anong meron mamaya?" tanong ko sa kanya.

"Kasalan doon kayna Tiyo Odeng tapos mamaya ang pahapunan. Inimbitahan tayo sa sayawan" sagot ni Isay.

"Ay nakalimutan ko palang sabihin sa iyo Ineng, ikaw nga pala ay pinagpaalam sa akin ni Pareng Odeng para sa sayawan mamaya" pagsali ni Lola Claret sa usapan namin.

"Mamaya na? Eh anong sasayawin natin? Kailangan magpractice na tayo" sabi ko at hindi ko alam kung bakit napakunot ang noo ni Isay.

"Ala naman. Hindi naman gay-on Leila hindi na natin kailangan magpractice. Mamaya maupo lamang tayo doon tapos magahintay lamang tayo ng lalaki na malapit sa atin para isayaw tayo" paliwanag sa akin ni Isay at unti unti ko ng naiintindihan ang gusto niyang sabihin.

"Eh pano kung walang lumapit sa atin?" tanong ko ulit. Parang nakakahiya kasi kung magdamag na akong nakaupo doon tapos walang lumalapit na lalaki.

"Naku Leila baka kamo pumila pa sa iyo ang mga lalaki pag ika'y nandoon" sagot ni Isay.

"Basta kayo'y maga ingat doon at siguradong may mga naka inom na doon" bilin sa amin ni Lola Claret. Pagaktapos ng usapan namin ay nag-ayos na kami ni Isay ng aming sarili. Pinuyuran ko siya habang ang aking buhok naman ay hinayaan ko na nakalugay.

Suot naming pareho ang bestida na binili ng mama niya para sa amin. Kulay pula ang sa akin at kulay dilaw naman ang sa kanya. Pagdating ng hapon ay dumating ang mama ni Isay para siyang makasama ni Lola Claret habang wala kami. Siya na rin ang kumuha ng tricycle na sasakyan namin ni Isay papunta sa sayawan.

"Isay nakakakahiya ang daming tao" bulong ko kay Isay pagakbaba namin ng tricycle. Nasa labas pa alang kami pero tanaw ko na ang maraming tao. Dumagdag pa sa kaba ko ang malakas na dagundong ng tugtugin.

"Ayos laang yan. Tayo na doon sa bulwagan" sabi sa akin ni Isya saka niya ako hinawakan sa aking braso at sabay kaming naglakad papasok sa loob ng tinatawag niyang bulwagan.

Ang bulwagan na sinasabi ni Isay ay gawa sa manta ang bubong, may mga kawayan at dahon ng niyog sa palibot niyon. Umupo kami sa bakanteng mga upuan na nakahanda sa bulawagan dahil may ilang mga babae na rin na naka upo doon.

Tipid lang ang mga kilos ko dahil maraming mga matang nakatingin sa akin. Halos lahat ng mapadaan sa harapan nmain ni Isay ay napapatingin sa amin.

"Ganyan talaga dito kpaag may taga Maynila" sabi sa akin ni Isay. Halos hindi ko marinig ang boses niya dahil sa lakas ng tugtog.

Dear Leila | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon