dirleyla15
"Kami na pong maghahatid kina Bino sa pier" pag presinta ni Lucas. Nasa ospital pa rin kami ngayon at narito na rin sina Mang Mario, Lola Claret at Isay. Bumisita sila bago dalhin si Ica sa Manila para doon ito mapagamot.
"Mayron na akong nirentahan na sasakyan niyo papunta doon, kayo Bino'y maga-ingat doon ha. Kapag nagkaproblema magtawag agad dito sa amin para magawan kaagad ng paraan" paghahabilin ni Mang Mario kay Bino. Hinihintay na lang namin iyong go signal ng doctor bago kami umalis.
"Nandoon na ang mama ninyo nagahintay sa Batangas, nagpaalam daw siya sa kanyang amo kahit isang araw laang para masundo kayo at maihatid sa ospital" dagdag naman ni Tita Lorena habang inaayos niya ang mga gamit nung magkapatid. "Wala na baga kayong naiwanan na gamit? Baka may maiwan pa kayo naku malayo iyong Maynila, damihan mo ng dala ng plastik at baka magsuka kayo sa biyahe" pagpapatuloy nito.
"Kainaman naman si Tiya. relax laang ikaw diyan. Ayos na ho ang mga gamit namin akong bahala" sambit naman ni Bino.
Isang oras pa ang lumipas bago dumating iyong doktor at payagan kaming lumabas na. At gaya ng sabi ni Mamg Mario ay may naghihintay na na itim na van sa labas noong ospital.
"Maga ingat kayo ha" pagpapaalala ni Lola Claret bago kami tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan. Magkatabi iyong magkapatid at nasa likuran nila kami ni Lucas nakaupo. At mag-isa naman ang driver sa unahan.
Inabot kami ng tatlong oras sa pagbiyahe kaya naman pare pareho kaming nakatulog maliban doon sa driver. Nagising lang kami ng maramdamang huminto na ang sasakyan. Pagkababa namin ay umalis na rin ito at naiwan kaming apat. Sinamahan namin sina Bino sa loob ng seaport sa kung hanggang saan lang kami pwede.
"Ahh salamat sa paghatid, Poge at Leila" nakangiting sabi ni Bino sa amin habang hawak niya iyong kapatid niya.
Lumuhod ako saglit para magpantay kami ni Ica at saka ko siya niyakap. "Pagaling ka ha, kailangan ka pa ng kuya mo" sabi ko sa bata. At naramdaman kong niyakap niya rin ako pabalik. Sobrang higpit.
"S-salamat po" malumanay na sagot sa akin ni Ica. Pagkatapos ay kumawala na ako sa yakap at tumayo dahil kailangan na nilang umalis.
"Ahh sige na maalis na kami at baka maiwanan pa kami ng barko" pagpapaalam sa amin ni Bino. Binuhat niya si Ica hababg sakbit naman niya sa likod ang kulay itim na bag kung saan nakalagay ang mga gamit nila.
Nakangiti namin silang tinanaw habang naglalakad sila palayo. Kumaway pa si Ica sa amin at ng hindi na namin sila matanaw ay nararamdaman ko ang paghawak ni Lucas sa aking kamay kaya napa-angat ako ng tingin sa kanya.
"Kain tayo" sabi ni Lucas at hindi na ako nakatanggi pa ng tumunog na ang tiyan ko dahil sa gutom. Magkahawak pa rin ang mga kamay namin habang naglalakad palabas ng port at hanggang sa pumasok kami sa isang fast food chain.
"Dito tayo kakain?" tanong ko sa kanya.
"Oo bakit ayaw mo ba?"
"Hindi naman , akala ko kasi sa karenderya tayo pupunta" sagot ko. Naalala ko lang iyong unang gabi namin na inaya niya akong kumain sa karenderya iyon. Nginitian lang ako ni Lucas at saka bahagyang ginulo ang buhok ko at saka naglakad para umorder na ng pagkain.
Samantala, ako naman ay humanap na mg pwede naming pwestuhan. Habang inililibot ko ang aking paningin ay hindi ko mapigilan na mapangiti ng maalala ko na dito nga pala kami unang nagkita. Sayang lang dahil may nakapwesto na doon sa kung saan kami nakapwesto dati.
"Bakit?" napatingin ako kay Lucas ng bigla itong magsalita sa tabi ko. Dala na niya iyong inorder niyang pagkain para sa aming dalawa.
"Wala, wala, tara doon tayo" yaya ko sa kanya at saka naunang naglakad papunta doon sa table na itinuro ko at nakasunod sa akin si Lucas.
BINABASA MO ANG
Dear Leila | COMPLETED
General FictionKaya bang talunin ng pag-ibig ang reyalidad? Halika takas tayo!