CHAPTER 18

17 3 0
                                    

dirleyla18

"Teacher Eyla"

Napahinto ako sa paglalakad ng biglang may estudyanteng tumawag sa akin. . Papunta na sana ako sa faculty habang bitbit ang mga projects na ginawa ng mga estudyante ko. 

"Pasensya na po teacher, wala po akong krayola, nanghiram laang po ako sa katabi ko, kaya nahuli po akong magpasa" pagpapaliwanag ng bata sa akin ng humarap ako dito.  Halata sa boses niya na kinakabahan siya kaya naman inabot ko iyong gawa niya at saka bahagyang lumuhod para magpantay kaming dalawa. 

"Okay lang 'yun 'wag kang mag-alala okay? Sige na punta ka na sa mga kaibigan mo" nakangiti kong sambit at saka bahagyang ginulo ang kanyang buhok. Ngumiti ito sa akin at parang biglang tumalon ang puso ko ng yakapin ako nito ng mahigpit. 

"Salamat po Teacher Eyla" malambing na sambit noong bata at naramdaman ko ang paghihigpit ng yakap niya.  Pagkatapos niyon ay nagpaalam na rin ito at tumatakbong lumapit sa mga kaibigan niya na naroon sa ilalim ng puno ng mangga at nagbabasa ng libro.

Nakangiti ko silang pinagmamasdan mula sa malayo. Tapos na ang klase ngayong araw pero ayun sila at nag-aaral pa rin.  Nakakahanga ang sipag ng mga estudyante dito.  At iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi ko pinagsisihan ang naging desisyon ko na maging isang teacher dahil nakikita ko kung gaano sila kadeterminado na makapagtapos ng pag-aaral. At napakalaking achievement para sa akin na makita kong marami silang natututunan mula sa akin. 

"Leila" napaayos ako ng tayo ng may biglang tumawag sa pangalan ko.  Sa loob mahabang panahon ay ngayon lang ulit may tumawag sa akin ng Leila dahil Eyla ang tawag sa akin ng aking mga estudyante at mga co-teachers ko sa school.

"Lukas!" gulat na sagot ko ng makita ko siya na  naglalakad papalapit sa akin.  Hindi na nawala ang ngiti sa aking mukha habang papalapit siya ng papalapit. Para tuloy biglang nawala lahat ng pagod ko mula sa maghapong pagtuturo.

Ipinatong ko muna iyong mga hawak ko doon sa may pasamano at ng tuluyan ng makalapit sa akin si Lukas ay kaagad ko siyang niyakap ng mahigpit. 

I missed him so much!

"Miss me?" tanong ni Lukas ng kumawala kaming pareho sa yakap.

"Of course! Lalo na 'yung kakulitan mo"I said at saka ginulo ang buhok niya at susubukan ko pa sana siyang kilitiin tulad ng ginagawa ko sa kanya dati pero kaagad niya rin akong napigilan.

"Leila Stop!" reklamo niya sa akin at saka inayos ang buhok pati ang suot niya.  Ang arte naman! Akala mo naman hindi siya tuwang tuwa dati kapag ginagawa ko iyon sa kanya. "What?" tanong ni Lukas ng makita ang ekspresyon ng mukha ko.

"Ikaw kasi nakakainis ka,  hindi ka naman ganyan dati ah" pagmamaktol ko sa kanya dahilan para mapakunot ang kanyang noo. 

"Yeah because I'm a big boy na" nagyayabang na sagot sa akin nito. I looked at him and I realized that he's right, big boy na nga siya.  Parang dati lang ako pa ang nagpapalit ng diaper niya kapag late na nakauwi sina Daddy at Tita Maris galing sa work.  Tapos ngayon malapit na niya maabutan ang height ko, ang tangkad na niya. 

"Okay,  but you're still my baby boy, okay?" I said with a little voice.  I hugged him again at pinakawalan ko lang siya ng magreklamo siya na hindi na daw siya makahinga.

Bakit kasi ang bilis lumaki ng batang ito?!

"Let's go to your house" yaya sa'kin akin ni Lukas pero kinailangan ko pang  pumunta sa faculty room para dalhin iyong mga projects ng estudyante ko sa aking table at para din kunin ang mga gamit ko.

May kasamang driver si Lukas at saka sasakyan kaya madali kaming nakaalis hindi tulad ng sa normal kong ginagawa na naghihintay pa ako ng tricycle na dadaan para doon sumakay pauwi.

Dear Leila | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon