dirleyla20
Doc. Perez POV
Para sa marami umiikot ang mundo nila sa pagmamahal. I mean kasama sa pangarap nila iyong matagpuan ang taong makakasama nila habang buhay at kasamang bubuo ng masayang pamilya. Pero ewan ko ba dahil hindi ako kabilang sa mga taong iyon.
Dahil masaya na ako sa buhay ko.
Masaya na akong mag-isa.
Naabot ko na ang pangarap ko, may magandang trabaho, natutulungan ko na rin ang aking pamilya at higit sa lahat nakakakain ako ng tatlong beses sa isang araw. That's why I am contented. Hindi ko na kailangan ng lalaki para sumaya.From: Mars Jen
Mars, we're here at Mindoro already sunod ka na lang.I felt adrenaline after reading the text message of Jen, she's one of my best friends. At bago ko pa makalimutan ngayon nga pala ang huling araw ng lamay ng isa pa sa aking kaibigan. At dahil tapos naman na ang shift ko ay dali dali akong lumabas ng ospital at nagdrive patungo sa Mindoro.
After what? Ten years I think, sa wakas ay makakabalik na rin ako sa probinsya kung saan ako lumaki at kung saan nabuo ang pagkakaibigan namin. But sadly, babalik ako para umattend ng lamay ng kaibigan ko.
Loren and I were childhood best friend, kaming dalawa talaga ang unang naging magkaibigan bago pa namin nakilala sina Jen at Sally. And we shared promises with each other, at iyon ay ang hindi namin pababayaan ang isa't isa.But then she died.
She left me.
"Wala pa ring balita kay Danny, hindi pa rin macontact kaya kami na ang nag-ayos ng mga kailangan para sa burol at libing--" hindi ko magawang intindihin ang sinasabi sa akin ni ni Jen dahil hindi ko maalis ang paningin ko doon sa tatlong bata na nasa harapan ng kabaong, umiiyak ang dalawang babae habang iyong lalaki naman ay pinatatahan sila.
I can see pain and sadness on them.
And that's the reason why I don't want to have a family. Dahil paano kung katulad ni Mars ay mamatay din ako ng maaga? Paano ang mga anak ko? Sigurado akong magiging ganito rin ang sitwasyon nila, umiiyak at nakakawa. Ayokong mangyari iyon sa mga magiging anak ko kung nagkataon.Dahil hindi na kinaya ng dibdib ko ng makita ang mga anak ni Loren na umiiyak ay lumabas muna ako sandali para magpahangin. Tahimik lang akong nakatayo sa labas ng bahay nila ng biglang dumating sa tabi ko 'yong dalawa.
"Paano iyong mga bata? Sino na ang mag-aalaga sa kanila?" tanong ni Jen matapos ang sandaling katahimikan.
"Mars, gustuhin ko man but I can't. Alam niyo naman sobrang hirap ko na kay Leila, I don't think mabibigyan ko ng sapat na guidance iyong mga bata if sa bahay sila" paliwanag ni Sally at naiintindihan ko naman kung ano ang pinanggagalingan niya. Naranasan ko ng alagaan iyong anak niya na si Leila, that kid was irresistible.
"I'm going to America in two weeks, mahirap magprocess ng papers kung isasama ko iyong mga bata. And I don't think sasama sila sa akin" saad naman ni Jen. At mukhang alam ko na ang patutunguhan ng pag-uusap naming ito. Well, wala namang problema sa akin 'yun. I'm doing this for my best friend. I already lost her but not her children.
"Okay, ako nang bahala sa mga bata" sambit ko ng maluwag sa aking kalooban. Sabay na napatingin sa akin iyong dalawa at parehong mukhang nagugulat.
"I thought you don't want to have--"
"Mas lalong ayaw ko na mapunta sila sa ampunan" sambit ko at hindi na hinayaang patapusin pa si Jen sa sinasabi nito. Dahil doon ay pareho silang lumapit sa akin para yakapin ako. Hanggang sa nag-iyakan na kaming tatlo.
"Mamimiss ko kayo" umiiyak na sambit ni Jen.
"Ang daya naman ni Loren, iniwan tayo kaagad" and then Sally added at umiiyak din. Bigla tuloy ay parang nagkaroon ng drama dito sa labas. "Promise wala munang susunod sa kanya ha! Hindi ko na alam ang gagawin ko kung isa sa inyo ay mawala din" dagdag pa nito. Pati tuloy ako naiyak na. Ganun pala kasi 'yung pakiramdam na kapag mayroon ng nawala, nakaka trauma dahil baka maulit muli. Maulit muli iyong sakit.

BINABASA MO ANG
Dear Leila | COMPLETED
General FictionKaya bang talunin ng pag-ibig ang reyalidad? Halika takas tayo!