Special Chapter

23 3 0
                                    

Dear Leila,

Happy Valentines Day! Okay ka lang ba? Nag aalala ako kasi hindi ka umattend ng prom natin kagabi. Gusto pa naman sana kitang isayaw. Sa totoo lang ikaw lang ang rason kung bakit ako umattend kagabi.

Sayang kasi wala ka roon.

Pangarap ko na maisayaw ka Leila. Hindi lang kagabi kundi sa araw araw hanggang sa hindi na kaya ng mga tuhod natin. Sasayawin natin hindi lang isang kanta kundi lahat ng awitin sa buong mundo. Ang iyong maliit na bewang lang ang gustong hawakan ng mga kamay ko at ang iyong mga kamay lang ang gusto kong kumapit sa aking balikat. Ang mga paa mo lang ang nais na makasabay ng aking mga paa sa bawat paghakbang nito. Ang mga mata mo lang ang gustong titigan ng mga mata ko habang ginagawa natin ang lahat ng iyon.

Hindi mabilis hindi rin sobrang bagal.

Hindi man nangyari kagabi pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na balang araw maisasayaw din kita. Kasabay ng pinaka magandang awitin na hindi pa naririnig ng ating mga tenga. Ipagdarasal ko iyon sa Panginoon, Leila.

At kung pagbibigyan niya ako, ipinapangako ko na ikaw ang magiging una at huling kasayaw ko. Sana mapagbigyan ako ng tadhana.

Nagmamahal
Lucas

Dear Leila | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon