dirleyla07
"GOOD MORNING WORLD,GOOD MORNING UNIVERSE STARS AND MOON AND GOOD MORNING SUNSHINE!"
Naalimpungatan ako sa pagkakatulog ng biglang may marinig na sumisigaw malapit sa akin. At ng tuluyan ko ng imulat ang aking mga mata ay tumambad sa akin ang nakatalikod na si Lucas na nasa tapat ng bintana ng kwarto at parehong nakaangat ang dalawang bisig na animo ay ninanamnam ang sariwang hangin na pumapasok roon.
"Aray!" daing nito ng tumama sa likod niya ang unan na ibinato ko. Bwiset kasi panira ng tulog. "Problema mo?"nakakunot ang mga noo niya akong binalingan ng tingin.
"Panira ka kasi ng tulog!" asik ko sa kanya at saka siya inirapan.
"Wow, wow ako pa 'tong panira ng tulog huh!" 'di makapaniwalang aniya. "Kahit ako naman talaga ang 'di mo pinatulog kagabi" at sinisi pa nga ako.
"Duh! Bakit nasa 'kin ba mata mo para 'di ka makatulog?" pamimilosopo ko at saka bumangon paalis doon sa higaan. Medyo napadaing pa ako dahil naramdaman ko ang pagsakit ng likod ko. Banig lang kasi ang hinigaan ko!
"Masakit?" parang tangang tanong ni Lucas sa akin, malamang masakit iyon, dadaing ba ako kung hindi? Binato ko ulit siya ng unan dahil sa inis ng pagtawanan niya ako. Ang aga aga gusot na kaagad ang mukha ko dahil sa lalaking ito. "Mukha kang zombie, haha 'yung humihilik na zombie" pang aasar pa nito.
"Excuse me 'di ako humihilik, like duh! Never akong humilik sa tanang buhay ko!" pagdepensa ko sa aking sarili though hindi ako talaga sure kung totoo ba 'yung sinabi ko. Malamang hindi ko naman malalaman kung humihilik ba ako o hindi dahil tulog ako.
"Oyy 'di ka sure, akala ko nga may palanding na eroplano dito sa bahay nina Mang Mario eh hilik mo lang pala buwahahahhahaha"
Hindi na ako nakapagpigil at dinalawang hakbang ko lang ang pagitan naming dalawa at saka pinulot iyong unan na nasa sahig at pinaghahampas siya nito habang siya naman ay patuloy lang sa pagsalag dito.
"Hoy, Leila luh masakit kaya" angal niya ng hindi ako tumigil sa paghampas sa kanya. Umilag siya kaya nagkapalit kmai ng pwesto. Patuloy lang siya sa pag atras hanggang sa tumama ang likod ng tuhod niya roon sa higaan dahilan para mawalan siya ng balanse at mapahiga roon....ang tanga kumapit sa akin kaya pati ako ay nadala sa pagkahiga niya.
And I just found myself on top of him, magdikit ang katawan naming pareho ganun din ang aming mga mukha. Ng bigla kong maramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko ay napahigpit ang pagkakakapit ko doon sa unan na nasa gilid naming dalawa.
Lalo pang bumilis iyon na parang naguunahan sa pagtibok ng tumitig siya sa akin habang ang mga mata ay punong puno ng emosyon at tila sinasaulo ang bawat parte ng aking mukha. Hanggang sa ang paningin niya ay unti unting nagbaba sa aking labi na tila naging magnet naman dahil kusa itong lumalapit sa kanya.
"Kuya Lucas-- ay jusmiyo maawain!" pareho kaming nagulat ni Chollo ng biglang may humawi ng kurtina na nagsisilbing pinto ng kwarto at bumungad ang gulat na gulat na mukha ni Isay. Napako ang paningin niya sa posisyon namin ngayon ni Lucas kaya naman kaagad akong umalis mula sa pagkakapatong dito, at nahihiyang tumingin kay Isay na hanggang ngayon ay tulala pa rin.
"Ano 'yun Isay?" si Lucas ang pumutol sa katahimikan na bumalot sa amin ng bumangon siya roon sa higaan at bahagyang inaayos pa ang suot na damit.
"P-pinapasunod na lang tayo n-nina Lolo doon sa sakahan nauna na sila doon" ani Isay at mukhang hindi pa rin nakakabawi mula sa nakita niya kanina. Habang ako naman ay parang gusto na lang magpalamon sa lupa. Lalo pa ng maglakad si Lucas palabas ng kwarto at tumigil sandali ng mapatapat siya kay Isay na tulala pa rin hanggang ngayon.

BINABASA MO ANG
Dear Leila | COMPLETED
General FictionKaya bang talunin ng pag-ibig ang reyalidad? Halika takas tayo!