CHAPTER 10

16 2 0
                                    

dirleyla10

"O sige ganito na lang, isigaw mo muna yang takot mo bago tayo tumalon" sabi ni Lucas dahilan para mag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Pwede rin yung mga sama ng loob mo" dagdag pa niya, sa pagkakataong ito ay nag-iwas na ako ng tingin dahil hindi ko kayang makipag titigan sa kanya ng matagal dahil nakakalunod.

Napansin ko na lang ng tumalikod siya sa akin at naglakad. Teka tatalon na ba siya? Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko at nakatitig lang sa nakatalikod na si Lucas. Ano ang gagawin ng lalaking yun?

"BAKIT ANG HIRAP MAGING MASAYA?!"

Laking gulat ko ng biglang sumigaw ng malakas si Lucas. Sa sobrang lakas niyon ay pati ang isang grupo ng mga ibon ay nagulat at magkakasamang lumipad papalayo.

"BAKIT HINDI NA LANG AKO MAGING KATULAD NG IBA?!" sigaw ulit ni Lucas at ramdam na ramdam ko ang bawat mabibigat na emosyon na pinakawalan niya. At para bang umaasa at naghihintay siya na may sasagot sa mga tanong niya.

Kung kaya ko lang na ibigay sa kanya ang mga sagot sa kanyang mga tanong ay ginawa ko na. Because I don't want to see him in pain. Pero hindi ko kaya, ni hindi ko nga alam na may mabigat din pala siyang pinagdadaanan dahil parati siyang nakangiti.

That's when I realized na kahit pala mga masayahin at palangiti na tao ay mayroon ding pinagdadaanang sakit, hindi lang nila pinapahalata. Minsan nga magugulat ka na lang dahil mas mabigat pa pala yung pinagdadaanan nila.

Hindi lang pala ako 'yung nasasaktan at hindi lang pala ako 'yung nahihirapan.

And now that I found someone na alam kong makakaintindi sa'kin at sa nararamdaman ko, hindi ko na sasayangin pa ang pagkakataon na mailabas lahat ng bigat sa loob ko. Siguro tama nga si Lucas , kailangan kong ilabas lahat ng nagpapabigat puso ko para hindi ako matakot at para tuluyan akong makalaya mula sa sakit.

"BAKIT LAHAT SILA INIIWAN AKO?" pagsigaw ko dahilan para gulat na mapatingin sa akin si Lucas.

Nanatiling nakatitig lang siya sa akin habang naglalakad ako palapit sa tabi niya. Ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko ng makita ko kung gaano kataas ang talon. Pero kailangan kong gawin 'to. "MAHIRAP BA KONG MAHALIN?!"

"BAKIT BA HINDI PWEDE? BAKIT BA HINDI NA LANG HAYAAN AKONG MAGING MASAYA?!" sigaw muli ni Lucas. Ilang beses ko na ring naitanong yan sa sarili ko. Bakit nga ba paulit ulit yung sakit? Hindi pa ba sapat yung isa o dalawang beses akong masaktan? Bakit mas lamang ang sakit kaysa saya?

"BAKIT PATI SI MOMMY, KAILANGAN MAWALA? HINDI KO BA DESERVE NA MARAMDAMAN ANG PAGMAMAHAL NG ISANG INA?" pagkasigaw ko nito ay nagsimula ng pumatak ang mga luhang kanina pa nagbabadyang lumabas. Walong taon na simula ng mawala si Mommy pero yung sakit ay para bang kahapon lang nangyari lahat.

Hanggang ngayon kasi iniisip ko pa rin kung bakit ba sa'kin pa nangyari lahat ng 'to? Anak din naman ako ah, anak na kailangan ng pagmamahal at pag-aaruga ng isang ina pero bakit ipinagkait sa akin yun?

Kahit sa panaginip lang baka pwedeng maramdaman ko ulit kung paano magkaroon ng nanay.

"OO MATAPANG AKO! PERO NAKAKATAKOT! KASI ALAM KO NA BUKAS O BAKA SA SUSUNOD NA ARAW HINDI NA KAKAYANIN NUNG TAPANG KO NA HARAPIN ANG KATOTOHANAN" sigaw ulit ni Lucas. I looked at him straight to his eyes and there I saw his fear. Natatakot siya sa kung anong pwedeng mangyari sa mga susunod na bukas. Sa kung saan kami dadalhin ng sakit na nararamdaman namin.

Saan nga ba 'to patungo?

"DADDY HINDI PA BA AKO SAPAT? BAKIT KAILANGAN PANG MAGHANAP NG IBA?" I hope Daddy could hear it. He knows how much I love him and my Mom. At ayokong tuluyang masira ang pamilya namin. Siya na lang ang meron ako kaya natatakot ako na baka kunin pa siya sa'kin ng Maris na yun.

Dear Leila | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon