Special Chapter

24 3 0
                                    

Dear Leila,

Hi. Sabi ni Mama noon kapag daw mayroon akong hindi masabi sa isang tao ay maaari ko daw itong isulat na lamang. (Kaya heto ako ngayon nagsusulat) Kaya naisipan ko na magsulat ngayon. Kasi meron akong nararamdaman na hindi ko masabi at hindi ko rin maintindihan. Nagsimula ito kanina nung nakita kita. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na parang may magtatambol sa loob niyon. Parang magic dahil biglang bumagal ang lahat ng nasa paligid ko tapos parang walang ibang nakikita ang mga mata ko kundi ikaw. Para akong nakakita ng anghel (malungkot nga lang).

Gusto sana kitang lapitan kanina. Gusto kitang yakapin. Gusto kitang patahanin. (Gusto kitang halikan) Gusto kita. Kaso natakot ako baka itulak mo ako palayo kaya tiningnan na lang kita mula sa malayo.

At hanggang ngayong gabi pinagsisisihan ko na hindi kita nilapitan kanina. Sana pala niyakap kita. Sana pala pinatahan kita. Hindi lang dahil gusto kita kundi dahil alam ko kung gaano kabigat ang nararamdaman mo ngayon. Kasi ganyan din 'yung nararamdaman ko. At gusto ko na mabawasan iyon kahit konti lang. 

Nakatingin ka rin ba sa mga sky ngayon? Kasi ako oo. Kaso buwan lang ang nakikita ko. Sobrang liwanag niya. Alam mo ba kung bakit Lucas ang ipinangalan sa akin nina Mama? Kasi daw simula noong dumating ako sa buhay nila para daw lumiwanag lahat. I am their light.

At gusto ko rin na maging ganun ako sa'yo. Alam ko malungkot ka ngayon at malungkot ka sa mga sunod na bukas. And I want to be your light. At kung nababasa mo ito (na parang imposibleng mangyari) tingin ka lang sa buwan, dahil minsan 'yung liwanag niya ang makakapag alis ng sakit at lungkot na nararamdaman natin. Maaaring mawala lahat ng mga tala sa gitna ng kadiliman pero hindi ang buwan. Lagi lang siyang andyan para sa'yo.

Nakakatakot magpatuloy kapag merong kulang sa buhay no? Mabigat ang bawat hakbang na gagawin natin. At ang bawat kilos ay tila isang sugal na hindi mo alam kung mananalo ka o hindi. Pero alam mo kinakaya ko at alam ko na kakayanin mo rin.
Sana kayanin natin at sana sa huling hakbang ng ating mga paa ay ang direksyon patungo sa isa't isa ang tahakin natin.

Hindi pa pwede ngayon kasi mga bata pa tayo.

Hindi pa pwede dahil pareho pa tayong hindi buo.

Nagmamahal,
Lucas

Dear Leila | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon