CHAPTER 16

7 2 0
                                    

dirleyla16

"Leila,  praise God! Gising ka na!"

Rinig ko ang malakas na boses ni Daddy habang unti-unti kong iminumulat ang aking mga mata. At ng tuluyan ng magmulat ay sumalubong sa akin ang isang kwarto na kulay puti. Sinusubukan kong magsalita ngunit hindi ko ito magawa dahil may kung anong nakalagay sa bibig ko. Inilibot ko ang aking paningin at doon ko lang napagtanto na nasa loob pala ako ng ospital.

Anong nangyari?

Paanong napunta ako dito?

"Stay awake hija, Maris is just calling the doctor" rinig kong sabi ulit ni Daddy.  Nakatayo siya roon sa kanan ko at nakahawak ang dalawang kamay niya sa  kamay ko at bahagyang pinipisil iyon. 

I looked at him.

At naramdaman ko ang pagtulo ng aking mga luha.

I missed him so much.

Nag-angat ng tingin si Daddy sa akin and then he panicked when he saw me crying. Kaagad niyang pinahid ang mga luha ko gamit ang isa niyang kamay. 

"What's wrong Baby?  May masakit ba sa'yo?" magkasunod na tanong nito sa'kin and I shook my head. Magsasalita pa sana siya ng biglang dumating na iyong doctor at dalawang nurse nasa likod nila si Maris.

"We'll check her....." iyon lang ang naintindihan ko sa mga sinabi ng Doctor bago nila sinimulan ang pagcheck sa akin.  Gulong gulo ako sa mga nangyayari habang busy sila sa pagchecheck ng halos lahat ng parte ng katawan ko. Hinayaan ko lang sila sa ginagawa nila at ilang minuto rin ang tinagal niyon bago sila natapos at saka kinausap sina Daddy. 

"She's in a good condition, now, but it's better if she will rest here for a while" iyon ang huling sinabi ng Doctor bago sila umalis at iwan kami. I am just looking at the white ceiling, figuring what the hell is happening?
Nasa Mindoro pa ako kagabi, paanong napunta ako dito? 

Wala akong maalalang masamang nangyari sa'kin para mapunta ako sa ospital, paanong nagising ako ng nandidito na? 

Kasama ko  si Lucas, paanong nangyari na narito ako at kasama sina Daddy?

Napapikit ako ng bigla kong maramdaman ang bahagyang pagkirot sa kaliwang parte ng ulo ko. Ilang segundo itong tumagal bago mawala. Maybe I should stop thinking for now pero paano?  Gulong gulo ako sa mga nangyayari!

"Do you need something?" tanong sa'kin ni Daddy and I nodded. Lumapit siya sa akin at naghila ng isang upuan doon sa gilid ko at saka umupo roon. "What do you need baby? Food? Water? Fruit?-"

"Answers. I need answers Dad" seryosong sambit ko. Nakita ko kung paano napaawang ang labi niya dahil doon. "Why I am here? What happened?" magkasunod na tanong ko, I saw him looking at Maris first, before looking at me again, looking confused. 

"I don't think it is the right time to discuss it. Can I explain it to you some other time--"

"No" I didn't  let him finished.  "Please tell it now Dad" pagmamaka awa ko.  At aaminin kong may namumuong takot sa dibdib ko. Hindi ako sigurado pero may iba sa pakiramdam ko ngayon. Gusto kong malaman kung anong nangyayari pero natatakot ako sa kung anong pwede kong marinig. 

"Eight months ago, we............ we had a fight" pagsisimula ni Daddy.  Pero kaagad na kumunot ang noo ko. Seven months ago? Wala akong maalala na nag-away kami nun.  "We're supposed to have a dinner that time and I introduced Maris to you as my fiance, but you disagreed"

What? Namali ba ako ng rinig o baka si Daddy ang namali ng pagkakasabi?

"You left our house,  natakot ako kaya sinundan kita but you drove so fast like you didn't want me to catch you.  Sinubukan kong abutan ka pero hindi ko nagawa. Wala akong alam na lugar na pwede mong puntahan.  But I continued driving.  I ask for help. Inabot kami ng madaling araw kakahanap sa'yo. Pero bago pa man sumikat ang araw,  someone reported na mayroon daw babaeng naaksidente"

Dear Leila | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon