CHAPTER 6

18 2 0
                                    

dirleyla06

"Leila gising na!" naalimpungatan ako sa pagtulog ng may biglang sumigaw sa loob ng kwarto. Pagkamulat ko ng aking mga mata ay bumungad sa akin ang nakangising mukha ni Lucas.

Sa halip na bumangon ay nag saklob ulit ako ng kumot para ituloy ang naudlot kong pagtulog. Pero ilang segundo lang ang nakalipas ng pilit na alisin iyon ni Lucas.

"Inaantok pa ako!" ungot ko.

"Gising na! Alas diyes na!" ayaw paawat na sigaw ni Lucas. Hinawi niya naman ang kurtina sa mga bintana dahilan para pumasok ang nakakasilaw na sikat ng araw sa loob ng kwarto. Napilitan tiloy akong bumangon na pero bago pa man ako tuluyang makalabas ng kwarto ay binato ko muna si lucas ng unan sa likod niya. Nakakainis kasi!

Nadatnan ko si Lola Claret doon sa sala na nakikinig sa radyo. Pero kahit na medyo maingay iyon ay nararamdaman pa rin yata niya ang presensya ko dahil binati niya ako.

"Magandang umaga hija!" nakangiti si Lola Claret ng sabihin niya iyon kahit na ang mga mata niya ay salungat sa direksyon ko.

"Good morning" bati ko rin sa kanya. Pagkatapos ay dumeretso ako sa kusina para maghilamos. Pero pagdating ko roon ay walang tulo ang gripo at wala na ring stock na tubig.

"Tamang tama ang gising mo Ms. Excitement , may katulong na ako mag-igib" napalingon ako sa aking likod ng biglang magsalita roon si Lucas. Nakangisi niyang ipinakita sa akin ang dalawang timba.

"I washed the dishes last night–" pangangatwiran ko. Aba hindi naman ako katulong dito para utus utusan niya lang. "And besides may sugat ang kamay ko remember?" dagdag ko pa. Lumapit sa akin si Lucas kinuha niya ang kanang kamay ko at isinabit 'yung isang timba sa braso ko.

"'Yung kaliwa naman ang may sugat…… And besides malayo naman sa bituka yan…… wala pang lalabas na pari dyan" sambit niya at sinadya pang gayahin ang tono ng boses ko. Pagkatapos ay tinalikuran na niya ako at naglakad na palabas ng bahay.
Tiningnan ko ang timba na nasa braso ko saka huminga ng malalim.

"Leila tara na!" rinig kong sigaw ni Lucas mula sa labas. Kaya wala akong nagawa kundi ang lumabas habang bitbit iyong kulay asul na timba. Nadaanan ko ulit si Lola Claret na nagtatahi na ngayon.

Hindi pa man kami nagtatagal dito sa kanila pero sobrang napahanga na ako ni Lola Claret sa mga kaya niyang gawin. Imagine hindi siya nakakakita pero nagaggawa niya pa ring magtahi. She's a living proof na hindi talaga hadlang ang mga kapansanan sa mga bagay na gusto nating gawin.

Gusto ko pa sanang panoorin si Lola Claret sa ginagawa niya but Lucas kept on shouting my name outside. Para siyang nawawala.

"Bilis! Ang bagal naman!" puna sa akin ni Lucas ng naabutan ko siya sa may gate ng bahay nina Lola Claret. Nakasandal siya roon sa kahoy habang hinihintay ako. Ang sarap ibato sa kanya nung dala kong timba.
Sabay kaming dalawa na naglakad palabas. Ilang beses na akong muntik na madapa dahil medyo malaki ang suot kong tsinelas na pinahiram sa akin ni Lola Claret tapos hindi pa sementado ang daan. Kailangan pa naming iwasan iyong maputik at pusali. Para kaming kasali sa amazing race nito. 

"Ano kaya pa?" nakangising tanong sa akin ni Lucas. Malayo na ang agwat naming dalawa dahil ang bilis niyang maglakad. Mukhang sanay na sanay na siyang dumaan sa ganito.

"Oh shocks–!" pagtili ko ng mapayapak ako sa madulas na parte ng daan. Akala ko ay tuluyan na akong babagsak sa lupa ng biglang may sumalo sa akin.

And suddenly my heart beats faster than usual.

It's cringey but hell yeah it feels like everything went in slow motion.

What's happening?

"Accident prone ka no?" bumalik lahat sa normal ng magsalita si Lucas. Inalalayan niya ako hanggang sa makaayos ako ng tayo. "Siguro pinaglihi ka sa aksidente– aray!" daing niya ng hampasin ko siya noong timba na dala ko. Kanina ko pa gustong gawin 'yun sa kanya.

Dear Leila | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon