CHAPTER 3

18 2 0
                                    

dirleyla03

"Sigurado ka bang 'di ka na uuwi?" tanong nung lalaki sa akin habang naglalakad kami sa tabing kalsada. Hindi ko alam kung saan niya kami balak pumunta dahil kanina pa kami naglalakad dito. Sa waiting area sa port kami natulog kagabi pero pagkagising ay sinabi ko sa kanya na hindi na muna ako uuwi.

"Yeah I'm sure" I said while looking around the place. Ang laki ng pagkakaiba ng lugar na ito sa kung saan ako nanggaling. Sobrang sariwa ng hangin kaya naman kahit medyo tumitingkad na ang sikat ng araw ay hindi gaanong masakit sa balat. Hindi rin ganoon karami ang mga sasakyan sakto lang para hindi magkaroon ng traffic. Maingay man ang paligid pero hindi iyon masakit sa tenga. Sobrang payapa lang talaga ng lugar na ito.

"Bakit? Hindi ka ba hinahanap sa inyo? Mamaya mapagkamalan pa akong kidnapper dahil ako ang kasama mo" animo'y natatakot na sambit niya dahilan para tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya.

"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan sa'yo? Hindi ka ba hinahanap sa inyo?" balik na tanong ko sa kanya pero umiling lang siya bilang sagot.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko.

"Eh kasi nagpaalam naman ako, sabi ko sa kanila seven days akong mawawala kaya hindi na nila ako hahanapin" aniya at saka nakapamewang na humarap sa akin na para bang hindi big deal sa kanya na umalis siya sa kanila, samantalang ako ay heto at iniisip kung tama ba ang naging desisyon ko na hindi umuwi sa amin.

Bahala na.  Feeling ko kailangan ko munang lumayo at pagpahingahin ang isip ko. Sobrang nakakapagod kasi ng buhay ko.  I think I need a break.

"So saan ka dapat pupunta?" I ask out of curiosity. Syempre medyo nakonsensya din ako dahil baka importante 'yung gagawin niya dapat tapos hindi niya naituloy dahil lang sa akin.

"Pola" maikling sagot niya. Napakunot na lang ang noo ko dahil hindi ko nagets ang sinabi niya, kung lugar ba iyon o ano? "Isang bayan 'yun dito sa Mindoro" pagpapaliwanag niya ng mahalatang hindi ko maintindihan kung ano iyong Pola na sinasabi niya kanina.

"Then? Anong gagawin mo dun?" I asked again, naisip ko kasi na samahan na lang siya para kahit papaano ay makabawi ako sa lahat ng nagawa niya para sa akin tutal wala rin naman akong gagawin dito sa lugar na'to.

"Gusto ko kasing bisitahin 'yung mama ko" nakangiting aniya pero kasalungat niyon ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Umiwas tuloy siya ng tingin sa akin para hindi ko iyon mahalata. Hindi ko na siya tinanong at kinulit pa bagkus ay nauna na akong maglakad ulit sa kanya. "Oy teka saan ka pupunta?" sigaw niya sa akin, dahilan para tumigil akong muli sa paglalakad at nilingon siya.

"Sa Pola, bibisitahin natin mama mo" sagot ko. At mula sa maikling pagitan naming dalawa ay nakita ko kung paano umawang ang bibig niya "Oh? ano pang tinatayo tayo mo diyan, tara na" pag aya ko sa kanya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umaalis roon sa kinatatayuan niya.

"Eh kasi--" sinusubukan niya pang magpaliwanag pero pinutol ko ulit ang pagsasalita niya.

"Ang arte naman neto, ano ba? Tara na, sige ka kapag ako nagbago ng isip" pananakot ko pa para pilitin siyang maglakad na, gusto ko na rin kasing makarating doon sa sinasabi niyang lugar eh.

"Luh, nasabihan pa nga ng maarte" rinig kong ungot niya dahilan para mapairap ang mga mata ko.

"Totoo naman ah, tingnan mo hanggang ngayon 'di ka pa rin umaalis diyan" asik ko sa kanya. Parang pinapa init na naman ng lalaking ito ang ulo ko ang aga aga.

"Eh kasi po hindi naman po diyan ang daan papunta 'dun dito po o dito hindi po diyan" giit niya habang itinuturo iyong daan na kasalungat ng sa akin.

"Okay" iyon na lang ang nasabi ko at saka naglakad patungo sa direksiyon na itinuro niya, narinig ko pa ang pagtawa niya ng lagpasan ko siya.

Dear Leila | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon