dirleylawakas
"Happy birthday kuya Lucas!" malakas na sigaw naming tatlo nina Lala at Lelay pagkabukas ni Lucas ng pinto ng bahay. Kakuwi niya lang galing school at naisipan namin ng mga kapatid niya na sorpresahin siya ngayon dahil birthday niya.
Lucas smiled at us. Isa isa niya rin kaming nilapitan para yakapin at mag thank you. It's supposed to be a happy moment pero iba ang pakiramdam ko when I saw Lucas face. Parang malungkot siya.
"Wish ka muna kuya" masayang sabi ni Lala habang kapit naman ni Lelay 'yung cake. Lahat kami ay naghihintay na hipan ni Lucas 'yung kandila pero nakatitig lang siya doon sa kandila. "Kuya bilis mauubos na 'yung kandila"sabi ni Lala at doon lamang hinipan ni Lucas ang kandila.
"Happy birthday kuya!" bati ulit ng dalawang bata sa kuya Lucas nila.
"Thank you…… thank you Doc" pagpapasalamat ni Lucas sa amin. Pagkatapos ay kinain na naman ang mga inihanda kong pagkain. Sobrang ingay ng dalawang bata habang kumakain kami at ang dami nilang tanong sa akin at sa kuya nila. Hindi ko sila sinuway dahil para sa akin mas mabuti na ganito sila. Nagkukwento at nagtatanong para alam ko kung anong nararamdaman nila.
"Hey are you okay?" tanong ko kay Lucas ng lapitan ko ito sa sala. Tapos na kaming kumain at naghuhugas ng pinggan ang dalawa niyang kapatid. Hindi ako kumuha ng katulong sa bahay para matuto sila ng mga gawaing bahay habang bata pa sila.
"Oo naman Doc! Birthday ko e syempre masaya ako!" sagot sa akin ni Lucas. He even smiled at me but I know that it was a fake one.
"Okay sabi mo e. How about your birthday gift to Leila nabigay mo ba?" tanong at doon nawala ang pekeng ngiti sa mukha ni Lucas. Sabi na nga ba may problema 'to e at malakas din ang kutob ko na tungkol kay Leila 'yun.
"Hindi nga Doc e …… nagkaproblema kasi" sagot sa akin ni Lucas. My forehead creased. Naririnig ko pa lang 'yung salitang problema na iistress na ako kaagad.
"Why? What happened?" tanong ko. I sat on the single sofa adjacent to him.
"K-kasi Doc bago dumating si Leila…… dumating 'yung boyfriend niya na may kasamang babae tapos Doc bigla silang nag a-ano….."
"Ano?"
"Naghalikan sila" sambit ni Lucas dahilan para mapasinghap ako. Napakagago pala ng boyfriend ni Leila na 'yun. "Tapos Doc naabutan sila ni Leila ……. feeling ko Doc kasalanan ko"
"Paano mo naman naging kasalanan e hindi naman ikaw 'yung nakipaghalikan—?"
"Pero Doc ako 'yung nagpapunta kay Leila doon sa rooftop"
"Lucas…. wala kang kasalanan doon dahil hindi mo naman alam na mangyayari 'yun. And besides napabuti pa nga kasi at least nalaman ni Leila ang kalokohan ng boyfriend niya" sabi ko kay Lucas pero parang hindi niyon napagaan ang pakiramdam niya.
"Pero Doc nasaktan naman si Leila" aniya.
"Naiintindihan kita. But it's better to endure the pain than to enjoy what's fake. Don't worry kukumustahin ko si Leila para sa iyo" pagpapagaan ko sa loob ni Lucas. He smiled at me at pinatong ko ang aking kanang kamay sa uko niya saka ginulo ang kanyang buhok. "Iwan mo na sa akin 'yung gift mo sana kay Leila ako na magbibigay sa kanya" sabi ko saka tinuunan ng pansin ang hawak ni Lucas na kulay asul na paper bag.
"Eto po Doc. Kayo na pong bahala na magbigay niyan kay Leila" sagot sa akin ni Lucas saka niya iniabot sa akin 'yung paper bag. Pagkatapos ay aakyat na sana ako sa aking kwarto ng biglang nagsalita ulit si Lucas. "Aahh Doc, magpapaalam sana ako bibisitahin ko muna si Mama sa Mindoro"
"Ngayon na?" tanong ko sa kanya. Wala namang problema sa akin kung bibisitahin niya ang kanyang nanay pero gabi na. Delikado kung aalis siya ngayon.
Tumango si Lucas sa akin saka nagsalita. "Napanaginipan ko kasi siya kagabi Doc, tapos wala lang parang bigla ko lang naisip na bisitahin siya. E may pasok naman 'itong dalawa kaya hindi makakasama" paliwanag sa akin ni Lucas.

BINABASA MO ANG
Dear Leila | COMPLETED
General FictionKaya bang talunin ng pag-ibig ang reyalidad? Halika takas tayo!