dirleyla05
"Kung gayon ay wala kayong matutuluyan dito?" tanong sa amin nung matandang lalaki na nag totour sa amin sa loob ng bahay kanina.
Naabutan niya kasi kami ni Lucas na nagbabangayan kung saan kami magpapalipas ng gabi. Pambihira naman kasi akala ko may kakilala siya dito na pwede naming matuluyan tapos wala pala."Ahhh opo manong eh, wala ho kasi kaming kakilala" nahihiyang sagot ni Lucas doon sa matanda.
"Aba ay kung ganon ay pwede naman kayong sumama sa akin, kaya lang maliit ang bahay namin--"
"Okay lang ho manong ang mahalaga po mayroon kaming matuluyan" pagputol ni Lucas sa dapat ay sasabihin ng matanda, na nagbaling naman sa akin ng tingin.
"Eh ikaw ba hija, ayos laang baga sa iyo kahit maliit ang aming bahay?" nahihiyang tanong nito sa akin. Dahilan para lumipat rin ang tingin ni Lucas sa akin, parehas na silang naghihintay ng isasagot ko.
Malamang hindi. "Okay lang" pagsisinungaling ko, pero mas mabuti na rin siguro na iyon ang sinagot ko dahil kung hindi baka sa kalsada kami matulog nito, ayoko namang pagkatapos naming matulog sa waiting area sa port kagabi eh sunod naman ay sa kalye.
Dahil doon ay sumunod kami kay Manong sa paglalakad dahil ayon sa kanya ay kailangan daw naming magtricycle patungo sa kanilang bahay. Magkatabi ulit kami ni Lucas sa loob ng tricycle habang si Manong naman ay naroon sa likod ng driver. Mas tahimik ang tunog ng sinakyan namin ngayon kumpara doon sa kanina.
Dahil doon ay akala ko ay magiging payapa ang biyahe namin hanggang sa maging lubak lubak na ang daan. Bigla tuloy ay para kaming nakasakay sa roller coaster. Ilang kanto pa ang nilukuan namin bago ko naramdaman ang pagbagal ng takbo ng tricycle hanggang sa tuluyan na itong huminto.
Unang bumaba si Lucas at sumunod naman ako sa kanya. Muntikan pa akong matumba ng may bata na tumakbo sa harapan ko at bumangga sa akin. I was about to shout but the kid didn't bother to stop, and just continue to run. Kaya wala akong magawa kundi ang samaan na lang siya ng tingin though hindi naman na niya iyon nakikita. Nalipat lang ang tingin ko kay Lucas ng marinig ko ang bahagyang pagtawa nito.
"What's funny?" I asked, getting irritated now.
"Attitude ka na naman ah" reklamo nito sa akin dahilan para irapan ko siya. Pero hindi niya iyon pinansin at sa halip ay nilagpasan ako at lumapit doon kay Manong. Sumunod na rin ako roon ng makaalis na iyong tricycle na sinakyan namin.
"Isay!!" kapagkuwan ay sigaw ni Manong pagpasok namin sa isang gate na gawa sa mga kawayan. Bumungad sa amin ang isang maliit na bahay na may maliit na hardin sa harapan nito.
"Lo...mano po" maya maya pa ay may lumabas na isang dalagang babae na siya yatang tinawag ni Manong. Matapos niyang magmano sa matanda ay kami naman ang binalingan niya ng tingin. Nakangiti niya akong tiningnan pero mas lalong tumamis at lumawak ang pagkakangiti niya ng tumingin siya kay Lucas.
"Maghanda ka ng makakain may mga bisita tayo" utos ni Manong kay Isay na kaagad naman nitong sinunod at nagtungo na sa loob ng bahay. "Hali kayo pasok"aya sa amin ni Manong kaya sumunod kami sa kanya papasok ng bahay.
Pagkapasok namin ay hindi ko inaasahan ang itsura ng loob ng bahay nila. Napakalinis kasi nito at lahat ng gamit ay nakaayos. Kahit maliit itong tingnan kanina sa labas ay hindi masikip ang loob nito bagkus ay napaka aliwalas pa nga doon. May sala set pero lahat ng iyon ay gawa sa kahoy at mayroon ding maliit na tv na nakapatong sa divider.
"Mario, meron ka yatang mga bisita?" kapagkuwan ay rinig ko mula sa isang boses ng babae. At tama nga ako ng makita ko ito, nakaupo siya sa isang upuan na umuuga uga, nakangiti siya pero wala sa amin ang kanyang paningin.
BINABASA MO ANG
Dear Leila | COMPLETED
General FictionKaya bang talunin ng pag-ibig ang reyalidad? Halika takas tayo!