dirleyla11
"Good morning!" masayang bati ko kay Lucas pagpasok niya ng kusina at nagulat siya ng makita ako roon.
Nauna kasi akong nagising sa kanya and nag volunteer na rin para magluto ng breakfast namin.
"Hoy ano tatayo ka na lang ba diyan?" tanong ko sa kanya dahil hindi pa rin umaalis si Lucas doon sa kinatatayuan niya, tapos yung mukha niya parang hindi makapaniwala sa nakikita niya.
Nananaginip pa yata siya.
"May sakit ka ba?" maya maya pa ay tanong ni Lucas. Lumapit pa siya sa akin at marahang ipinatong ang likod ng kanyang palad sa aking noo tapos sa leeg ko. "Hindi ka naman nilalagnat" sabi niya pagkaalis niya ng kamay at nakakunot ang noo.
"E sino ba may sabing nilalagnat ako?" tanong ko sa kanya.
"Ngayon ka lang kasi maagang nagising tas nagluto ka pa, kaya naisip ko baka may sakit ka" paliwanag niya na naging dahilan para magsalubong ang mga kilay ko sa gitna.
Ngayon na nga lang ako mag eeffort tapos napagkamalan pang may sakit ako. Nakakainis.
"Whatever bahala ka sa buhay mo" galit na sambit ko at akmang aalis na ng kusina pero napahinto ako ng hawakan niya ang kamay ko ng mapatapat ako sa kanya.
"Galit ka?" tanong niya sa akin at nag-iwas lang ako ng tingin sa kanya. Kaya hinawakan niya iyong mukha ko para iharap sa kanya. Lalo lang akong nainis ng makita kong nagpipigil siya sa pagtawa. Bwiset na lalaki 'to nagagawa pang tumawa. "Sorry na. Hindi lang kasi ako makapaniwala"
"Na ano? Na kaya kong gumising ng maaga at magluto?" sigaw ko sa kanya. "Alam mo nakakinis ka! Nag effort pa ako tapos yan lang sasabihin mo--"
Napatigil ako sa pagsasalita ng bigla akong yakapin ni Lucas. Maluwag pa iyon noong una pero habang tumatagal ay pahigpit iyon ng pahigpit.
"Mahal kita Leila, 'wag ka ng magalit please, nagulat lang talaga ako" mahinahon niyang paliwanag habang hinahagod ng isa niyang kamay iyong likod ko. At sapat na iyon para mawala lahat ng inis ko sa kanya.
Sabay kaming kumain ng umagahan. Sina Mang Mario at Lola Claret ay nasa bukid na dahil kailangan daw sila roon para tingnan ang paggawa ng mga nagtatrabaho sa lupa nila. Ngayon ko rin nalaman na isang beses sa isang linggo lang pala ang duty ni Mang Mario sa pagtotour sa mga tao sa lumang bahay kung saan namin siya nakilala.
Naisip ko tuloy siguro nakaplano na talagang mangyari lahat ng 'to. Iyong magkita kami ni Lucas at pagkupkop samin nina Mang Mario at Lola Claret. Pakiramdam ko dininig ng langit ang hiling ko nung gabing umalis ako sa bahay.
Ito yung gusto kong buhay! 'Yung masaya!
"Tulog ka muna, gigisingin na lang kita kapag nandun na tayo" malambing na sabi sa akin ni Lucas, iniakbay niya sa akin ang isa niyang braso at dahan dahang inihilig ang ulo sa balikat niya. Nakasakay kami ngayon sa tricycle para puntahan ang mama niya.
Hindi ko alam kung gaano katagal ang naging biyahe namin dahil tulog all habang biyahe. At tulad ng sinabi ni Lucas ginising niya ako pagkarating namin. Nakahinto na ang tricycle ng magmulat ako ng mata. Inalalayan naman ako ni Lucas sa pagbaba at siya ang nagbayad ng pamasahe naming dalawa.
Pagkatapos ay lumapit si Lucas sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Tara" nakangiting aya niya sa akin at tumango ako sa kanya bilang sagot. Pataas iyong kalsadang dinaanan namin kaya medyo nakakapagod. Makitid rin lang ito at hindi kasya ang mga sasakyan. Kaya siguro ibinababa na kami nung tricycle driver kanina dahil hindi talaga kakayanin ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
Dear Leila | COMPLETED
General FictionKaya bang talunin ng pag-ibig ang reyalidad? Halika takas tayo!