dirleyla09
"Pogi, hanguin mo na iyan at baka masunog" narinig ko ang boses ni Mang Mario paglabas ko ng kwarto. As usual ako na naman ang huling nagising sa amin. Sobrang tagal ko kasi bago nakatulog kagabi dahil sa kaiiisip.
Kung maaalis na ba itong hapdi at pantal sa braso ko? At tsaka yung sinabi ni Lucas kagabi bago niya ako iwan doon sa kubo.
"Eto Manong, okay na po ba ito?" napabalik ang isip ko ng marinig ko naman ang boses ni Lucas. Ano bang ginagawa nila?
Dumeretso ako sa kusina dahil doon ko naririnig ang mga boses nila. At tama nga ako dahil nadatnan ko sila roon. Si Lola Claret ay nakaupo lang habang sina Lucas at Mang Mario ay busy sa pagluluto. Hindi sila magkaintindihan sa ginagawa nila dahil para silang may hinahabol na deadline.
"Leila!"
Pare pereho kaming nagulat ng isigaw ni Lucas ang pangalan ko ng makita niya ako. 'Yung mukha niya ay para siyang nakakita ng multo, pati si Mang Mario.
"Bakit nagising ka pa?" gulat na tanong ni Lucas sakin. Kaagad nag-init ang ulo ko dahil sa tanong niya. Bakit ayaw niya ba akong magising? "Ah hindi pala, ah bakit nagising ka na? 'Yun! 'Yun 'yung dapat na tanong ko" kaagad na bawi nito pero hindi na naalis ang inis ko sa kanya. Ang aga aga!
"Paki mo!" singhal ko sa kanya at saka ako umupo sa tabi ni Lola Claret.
"Magkape ka muna hija, maaga pa para uminom ng sabaw ng buko" sabi ni Lola Claret pagka upo ko sa tabi niya. Kailan ba ako nito titigilan sa kabubuko niya?Hindi na lang ako nagsalita at humalukipkip na lang roon sa inuupuan ko habang pinapanood sina Lucas at Mang Mario na nagluluto.
Teka bakit nga pala sila ang nagluluto? Nasaan si Isay?
Ilang minuto pa ang lumipas bago matapos sina Mang Mario at Lucas sa ginagawa nila. Sabay sabay kaming kumain ng agahan pero hindi ako makapag pokus sa aking pagkain dahil kanina pa pasulyap sulyap sakin si Lucas. Parang binibilang niya kung naka ilang subo na ako.Pagkatapos namin kumain ay nagprisinta si Lucas para maghugas ng pinagkainan. Yung mag-asawa naman ay nasa labas ng bahay at nakikipag kwentuhan sa mga kapitbahay nila. Habang ako ay heto hangang hanga na pinapanood si Lucas sa ginagawa nito. Bakit parang ang dali lang sa kanya na maghugas ng pinggan? Bakit kapag ako ang gagawa parang mababasag lahat?
"Kumusta yung braso mo? Mahapdi pa?" napaiwas ako kaagad ng tingin ng biglang humarap si Lucas. Tapos na siyang maghugas at pinupunasan na lang ng towel ang kamay niya, pero pakiramdam ko ay nasa akin ang paningin niya.
"O-okay na" sagot ko. Pagkatapos ay muli na naman kaming binalot ng katahimikan. Ewan ko ba pero parang mas nakakailang sa tuwing walang nagsasalita sa aming dalawa.
Umalis si Lucas sa kusina pero maya maya pa ay bumalik ulit ito at nakatitig sa akin. Tapos naglakad ulit paalis at wala pang isang minuto ay bumalik ulit at nakatitig na naman sa akin. Para siyang kinakabahan na hindi ko maintindihan. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi bumubukas ang bibig niya. Kaya naman ng akmang aalis ulit siya ay nagsalita na ako.
"Alam mo ako ang nahihilo sa ginagawa mo" sambit ko dahilan para mapahinto siya sa paglalakad at saka tumitig na naman sa akin na pilit ko namang nilalabanan dahil kanina pang kumakabog ng mabilis ang dibdib ko sa tuwing tatama ang mga mata niya sa akin.
"S-sorry" sabi ni Lucas.
"Bakit ba kasi hindi ka mapakali ha?" mataray kong tanong sa kanya.
"Kaw kasi bakit kanina pang nakataas yang kilay mo? Natatakot tuloy ako" nakangusong sagot ni Lucas sakin. At ang kilay ko pa pala ang may kasalanan nakakahiya naman sa lalaking 'to. "At tsaka meron akong sasabihin sayo kaso galit ka yata kaya 'wag na lang" nangongonsensya pang sambit nito.

BINABASA MO ANG
Dear Leila | COMPLETED
General FictionKaya bang talunin ng pag-ibig ang reyalidad? Halika takas tayo!