dirleyla08
"O heto ang basket, magdali kayo ha at baka abutan kayo ng dilim" ani Mang Mario pagka abot niya nung isang basket kay Bino. Nagpresinta kasi ito na kukuha daw ng gulayin na pang hapunan namin doon sa kalapit na lupa nina Mang Mario.
"Arat na mga erp, at tayo'y makuha na ng gulayin, 'wag laang kayong maingay at baka tayo ay makita ng may ari, yari tayo niyan hahhahaha" ani Bino dahilan para bahagya siyang batukan ni Isay. Hindi ko alam kung doon ba ako matatawa o sa punto niya ng pagsasalita.
Hindi pa man kami nagtatagal sa lugar na ito ay napansin ko na kaagad ang kakaibang punto nila sa pagsasalita.
Nauna na ulit umuwi ang matandang mag asawa habang kaming apat naman ay heto at kanina pa naglalakad sa damuhan, 'di ko alam kung saan ba kami dadalhin nitong si Bino. Hanggang sa lumusot kami sa isang bakod na gawa sa mga kawayan. Para tuloy kaming mga magnanakaw neto.
"O Isay hawaki ireng basket at mapitas ako nireng sili" utos ni Bino sa kanyang pinsan na kaagad naman nitong sinunod. Malawak ang lupain na iyon dahil hindi na maabot ng aking panigin ang dulo ng bakod. Marami ring mga tanim doon at karamihan ay mga gulay. Siguradong hindi magugutom kung sino man ang may-ari ng lupang ito.
"Pogi, tulungi nga ako dini , makuha tayo ng kalabasa" utos ulit ni Bino, ngayon ay kay Lucas naman na feel na feel ang pagtawag sa kanya nito ng Pogi. Nakakabwisit.
Naiwan tuloy kaming dalawa ni Isay doon dahil nasa kabilang banda pa ang taniman ng kalabasa. Hindi ko masasabing tahimik kaming dalawa dahil sa mga huni ng mga ibon sa paligid namin.
"Uhmm, makuha ako ng sitaw sa banda doon, masama ka?" kapagkuway tanong ni Isay sa akin. At wala akong choice kung hindi ang sumama sa kanya dahil nakakatakot maiwan mag isa dito baka bigla na lang may tumuklaw sa akin na kung ano.
"Okay" sambit ko at saka sumunod sa kanya sa paglalakad. Hindi naman kalayuan ang pinuntahan namin at natanaw ko na kaagad ang tanim na mga sitaw. Dere deretso lang si Isay hanggang sa mamitas na siya ng mga sitaw habang ako naman ay nakasunod at nakapanood lang sa kanya.
"Baka gusto mong bitbitin ireng basket, wala ka rin laang namang inagawa diyan" sambit ni Isay hindi ko alam kung sarkastiko ba iyon o ano dahil wala namang ekspresiyon ang mukha niya.Nakanguso kong kinuha sa kanya ang basket na may laman ng sili at ilang sitaw at saka muling naglakad kasunod niya. Habang patagal ng patagal ay pabigat ng pabigat 'yung basket dahil hindi lang sitaw ang pinitas at inilagay niya roon nadagdagan na ng ampalaya at talong.
What the heck ang sakit na ng kamay ko!Hindi pa nakontento si Isay at balak talaga yata nitong pahirapan ako dahil pumitas pa ito ng dalawang malalaking upo. The heck?!
Parang gusto kong ihampas sa kanya lahat ng gulay na nilagay niya sa basket! Nakakainis.
Ilang minuto pa ang lumipas bago siya nakontento sa mga napitas niyang gulay. Saka kami bumalik ulit sa pinanggalingan namin kanina. At hinayaan na niya akong mag isa na magdala nung basket na punong puno ng gulay.
Kung nasa normal na buhay ko ako ngayon baka pinagbabato ko na si Isay ng mga gulay sa sobrang inis ko sa kanya. Kaya lang syempre kailangan kong magtimpi. Tulad nga ng sabi ni Lucas , kailangan kong matutong mag adjust. The heck?!

BINABASA MO ANG
Dear Leila | COMPLETED
Ficción GeneralKaya bang talunin ng pag-ibig ang reyalidad? Halika takas tayo!