Dear Leila,
Congratulations! Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na sabihin iyon sa iyo kanina kasi inunahan na naman ako ng hiya at kaba sa dibdib ko.
(Napakaganda mo kanina sa suot mong kulay pula na dress) Gusto ko lang sabihin na bagay sayo ang suot mo kanina. Sobrang ganda mo. Sa lahat ng mga contestant kanina sa iyo lang ako napa titig ng ganun katagal. (hindi ko nga naalis 'yung tingin ko sa'yo e).
Alam mo ba napangiti ako kanina nung nasilayan ko ang mga ngiti mo habang nilalagay nila sa ulo mo 'yung korona. 'Yung mga ngiti mo parang virus no? Nakakahawa. Sinabihan nga ako ni Feeli kanina na mukha daw akong tanga kasi sobrang tagal kong nakatitig sa iyo. Sino ba naman kasing hindi?
Kapag tinitingnan kita para akong nakatingin sa isang (diwata)(prinsesa)(reyna) ah basta sobrang ganda mo kanina at hindi ako magsasawa na tingnan ka. Kaso parang may kulang.... pakiramdam ko hindi 'yun 'yung tunay mo na ngiti. May mas gaganda pa iyon.
Sana balang araw makita ko 'yung mga ngiti mo, 'yung hindi peke at hindi pinipilit.
At kung maari ay sana ako ang maging dahilan nun. Dahil handa akong gawin ang lahat para mapasaya ka. Sabay mating lilibutin ang buong mundo ng magkahawak ang ating mga kamay.
Magkasama nating haharapin lahat ng ibabatosa atin ng mundo ng may pagmamahal.
Ako ang magiging balikat na masasandalan mo sa tuwing malulungkot ka.
Ako ang magiging buwan na siyang masisilbing tanglaw mo sa dilim.
Ako ang hangin na yayakap sa iyo sa tuwing nag-iisa ka.
Ako si Lucas. Handang mag-alay sa iyo ng pag-ibig na wagas, hindi makasarili at mapagpalaya.
Sana mabigyan ako ng pagkakataon na sabihin sa iyo kung gaano kita kamahal. Sana mabigyan ako ng panahon na maiparamdam sa iyon iyo.
Iyon ang aking nag-iisang pangarap.
Pangarap kita Leila.
Nagmamahal,
Lucas

BINABASA MO ANG
Dear Leila | COMPLETED
Ficción GeneralKaya bang talunin ng pag-ibig ang reyalidad? Halika takas tayo!