3

193 26 3
                                    

-






Nasa loyola heights ako ngayon at nakaupo mag-isa dahil di pa tapos yung ibang klase nila jaydee, Tamang gawa lang ako ng plates dito at nastress na ako dahil umulit ako, nagkamali kasi ako at hindi gumagana yung liquid eraser halata kasi.






Ilang minuto lang at nasa kalahati na ako, Dumaan kanina si jaydee pero sabi niya may practice pa daw siya pero iniwanan niya ako ng Iced coffee.






"Hi Miss Secret" Nagulat ako nang may magsalita sa likod ko kaya napahawak ako sa dibdib.






Daha dahan akong lumingon and it's her again, this annoying girl pero matulungin pero nakakainis.





"It's you again" Tinuloy ko na ang plates na ginagawa ko, tumabi siya sakin at tinignan ang ginagawa ko.






"Naks naman, Architecture" Cole, she's smiling habang tinitignan ang ginagawa ko.




"wala ka bang klase? bakit nang gugulo ka nanaman" Nakatingin padin ako sa ginagawa ko habang kausap siya.




"Grabe naman sa nang-gugulo, pero yon naman talaga ginagawa ko" Tumawa siya at mukang amaze na amaze sa ginagawa ko, Umirap nalang ako at tumuloy na sa ginagawa ko.





"Wala akong klase, kakatapos lang namin" Cole, Ha? Kakatapos lang?




"Senior?" Di halata sa muka ko yung gulat pero nagulat talaga ako.





"Yup di ba halata? Gusto mo panindigan ko yung pagtawag ko sayo ng miss secret? ayaw mo sabihin pangalan mo eh" Nakatingin lang siya sa ginagawa ko kanina pa. ang daldal nito.





"Ayoko, sabihin" Sagot ko.





"Sige miss secret" Pangaasar niya.




"Sige ituloy mo yang miss secret na yan ipapakain ko sayo itong ruler" Pagbabanta ko at tinutok sa bunganga niya yung ruler, Tumawa lang siya at kinuwa yung ruler sabay ibinaba kung saan ko ito kinuwa.






"Just tell me your name, That's it" Nakangiti niyang sabi.




"Ayoko" Pagtanggi ko habang ginagawa ang gawain ko.




"Ayoko" Pang gagaya niya sa tono ko, nangaasar nanaman siya.




Bumuntong hininga nalang ako habang nakatingin sa ginagawa ko.





"pwede kayang maglagay ng Breakfast sa lunch box?" Tanong niya, seryoso ba siya sa tanong na yan?



"Bakit di mo ipukpok sa ulo mo yon"



"Nagtatanong lang e" Cole.




"Yung tanong mo parang tanga eh"




"May Pentel pen ka?" Tumango lang ako.




"Pukpok mo sa ulo mo" Nakakunot noo akong tumingin sakanya at sinulatan ang kamay niya.




"Luh, gumanti lang ako eh" Cole.





"Nangaasar ka nanaman eh!" Naiinis na sabi ko.




"Ang init ng ulo mo bakit di mo tanggalin" Cole, napipikon na ako.





"Oh wag ka sumimangot, muka kang natatae, ayos muka" tinuro niya ang muka ko at tumawa.




"Alam mo konti nalang ipapakain ko na sayo tong lapis na hawak ko" Nakangiti kong sabi pero yung totoo naiinis na ako.





Eternal Strings | MNL48Where stories live. Discover now