29

197 19 2
                                    

-





habang naka upo ako sa sofa nakacrossarm at nakasimangot, may nakita ako sa twitter na nakakabwisit. May kasama si cole sa isang dinner at dalawa lang sila na parang date sa fancy restaurant with violin pa, the way they look at each other parang may something.


Yun siguro yung co-singer niya, sino ba yon parang bago lang ata sa industry di ko naman kilala.


Tapos na akong kumain, i cooked nuggets at yun lang kinain ko dahil wala ako sa mood, nagtext kanina si cole na pauwi na siya, wala siya buong araw dahil may schedule siya.

naisipan ko munang maligo bago makarating si cole, pagtapos ko may natanggap akong email sa laptop lagi nakabukas yon dahil nagaabang ako ng email or bagong client.


maya maya lang ay may nagdoorbell na kaya nagmamadali akong magayos bago bukasan yung pinto. Bumungad sakin si cole na nakangiti at tagong tago, iba ito sa suot niya kanina talagang nagpalit pa siya, Black cap and black mask literal na all black.



"Hi, how's your day?" Tanong niya at niyakap ako. di ko siya sinagot at pinapasok nalang, kinuwa ko yung laptop ko dahil saktong narinig kong may nag email.


"Kumain ka na? Sorry na late ako ng dating galing pa kasi ako sa-"

"sa date?" i cut her off at bumuntong hininga habang nakatingin sa laptop na nasa lap ko.


"Yes, date. friendly date" Sagot niya.


"nakita mo ba sa twitter?" tanong niya, umakbay siya sakin habang nakaupo.


"oo, Grabe pa nga yung tingin nyo sa isa't isa eh bagay kayo" sarkito kong sabi habang patuloy lang ang ginagawa ko sa laptop.


"I don't know why or how pero ang ganda mo kahit nagseselos ka, pano mo nagagawa yun?" napatigil ako at napatingin sakanya, nakangisi siya.

para siyang babaero na lumalandi sakin dahil nakatingin siya sakin habang nakaakbay at nakaupo. pogi naman pero naiinis padin ako sa nakita ko.


"Bolera ka, porket may kasalanan ka" umirap ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko.


"totoo ang sinasabi ko miss architect" cole.


bumuntong hininga nalang ako dahil puro lang naman siya ganyan.


"ang almusal ay sigawan ang hapunan natin ay tampuhan, ang miryenda pagdududa" Napatingin ako sakanya nang kumanta siya. nakangisi lang siya habang nakatitig sakin.


binaliwala ko nalang yon at tinuon ang pansin sa laptop.


"pero mahal kita wala nang hahanapin pang iba, handa 'kong magtiis kahit na away away away na to" pagkanta ni cole.

"she's my co-singer love at ikaw lang ang gusto ko, hindi mo kailangan magselos don" sagot niya at hinalikan ako sa pisngi.


"bakit ganon yung tingin mo" Sinamaan ko siya ng tingin


"Love nasaktuhan lang yun syempre pag may kausap ako tinititigan ko talaga sa mata para malaman nila na nakikinig talaga ako" pageexplain niya.

sinara ko ang laptop at binaba sa minitable. sumandal ako sa may kamay niya na nakaakbay sakin at ipinikit ko ang mata ko.


"tired?" tanong niya, lalo siyang lumapit sakin hanggang sa mapahiga ako sa balikat niya, nakatalikod ako habang nakayakap siya sakin.


"yes, can we rest?" sagot ko.



Eternal Strings | MNL48Where stories live. Discover now