-
Nasa Condo ako at kakauwi lang galing school, I'm waiting for cole's reply kamusta kaya yung audition niya? sana makapasok siya, deserve niya naman kasi magaling siya kumanta and her fighting spirit is strong. Makakapasok yon.
Kumuwa muna ako ng damit sa kwarto at naligo, nanlalagkit kasi ako. Pagkatapos ko maligo kumuwa ako ng materials para makapagstart ulit ng new plate, kakapasa ko lang meron nanaman ulit ang sakit sa ulo.
sa kalagitnaan ng pagddrawing ko biglang nagvibrate yung phone ko kaya agad kong binitawan ang ruler at kinuwa yung phone.
it was cole!
Cole: Di ako nakapasok but ililibre padin kita.
she didn't? ain't no way? Sobrang galing niya kumata! her voice was a masterpiece.
Yzabel: Where are you?? I'll pick you up, Ako manlilibre this time.
Cole: You sure?
Yzabel: yesss, where are you?
Cole: Sa ayala mall padin nagaabang ng jeep.
Yzabel: Okay, Wait for me!
Agad akong nagbihis at hindi ko na muna niligpit ang mga materials ko dahil nagmamadali ako, Kinuwa ko yung car key ko at lumabas na ng condo, Okay kumalma ka yzabel.
pagkababa ko agad akong sumakay ng car at nagdrive. Maka lipas ang ilang minuto nakita ko na siya sa may sakayan, Nagmadali talaga ako para di siya mainit. Huminto ako sa harap niya at napatingin naman siya, ngumiti ako at sinabing sumakay na siya. Mukhang di siya okay so i will do my thing.
"Hi" nakangiti kong bati, She look cute with that hoodie, She's wearing khaki pants and white hoodie, White rubber shoes.
"Hello" She don't look happy and i know why.
"Let's buy Food" pinaadar ko na yung car, I'm trying to brighten up her mood by telling jokes na sobrang corny, tumatawa lang siya ng konti.
Naubusan na ako ng jokes kaya napatingin nalang siya sa bintana nang manahimik ako, I don't how to Comfort someone kaya naisip kong paraan is food nalang.
napansin kong nakatulog na siya, siguro pagod siya, Dumiretso ako sa drive thru ng mcdo and i order 2 large fries 2 burgers and 2 mcfloat, hindi ko alam ang gusto niya eh.
didiretso ko Siya sa condo ko tapos itatanan ko, charot icocomfort ko lang naman. Nang makarating kami sa parking lot, tinapik ko ang pisngi niya kaya nagising siya, Soft ng mukha sana all.
"we're here" nakangiti kong sabi, nagtataka siguro siya kung nasan kami.
"saan?" Tanong niya, di nalang ako sumagot at natawa nalang.
pinababa ko siya at humawak sa braso niya inalalayan siya papasok ng elevator, Ang bango niya talaga bakit ganon.
"pupunta tayo sa condo ko" sinagot ko na ang tanong niya mamaya mapagkamalan pa niya akong kidnapper eh hindi po itatanan po kita, charot.
nang makarating na kami sa floor dumiretso kami sa unit ko, Nilibot niya ang tingin niya buti nalang hindi makalat yung sala, pinaupo ko siya sa sofa bago ligpitin yung mga kalat ko sa mini table, Nilapag ko doon yung pagkain namin at nagpaalam na magpapalit lang. Binigay ko yung remote so she can watch movies.