-
Nagfofocus ako sa pag-gawa ng plates at hinihintay si cole, nauna na sila sheki dahil sinabi kong may pupuntahan kami nung sinasabi nilang senior which is si cole.
I'm thinking about my behavior yesterday, why did i blush? She's just a friend we're great friends hanggang doon lang yon, hindi ko dapat binibigyan ng kahulugan yon, baka may girlfriend or boyfriend siya di ko alam.
Hindi ko na bibigyan ng kahulugan yon, mabait siya at sobrang bait niya, baka mabait lang talaga siya sa lahat.
"Huy" nagulat ako at nabitawan ang lapis dahil biglang may tumusok sa magkabilang tagiliran ko.
Tumingin ako ng masama sakanya at hinampas siya sa braso, tumawa lang siya at tumabi sakin, naamoy ko nanaman yung Vanilla scent niya.
"Lalim ng iniisip mo ah pa dive naman may pating ba diyan?" tumawa siya.
"di mo napansin na kanina pa ako nakatayo sa gilid mo" natatawang sabi ni cole.
"Sobrang irrelevant mo kasi" Umirap ako pero yung labi ko parang natatawa.
"Luh anong connect" cole, okay tama na mas malakas siyang mang gago sakin.
"Basta nag quiz lang kami kanina di ako sure sa mga sagot ko kaya sobrang lalim ng iniisip ko" Pero yung totoo iniisip ko yung mga pinapakita niyang kabaitan sakin.
"Patapos na ba yan?" Tinignan niya yung gawa ko, kada tingin niya sa gawa ko parang amaze na amaze siya, sino ba naman di maa-amaze diba kung saan saan ako gumagawa ng plates.
"Oo, wait lang mamadali?" nilagyan ko na ng name yung plates at nakatingin siya.
"Angas" Nakangiting sabi niya, Panis ka nanaman.
"Panis" i laugh a bit at niroll na yung paper.
"Samahan mo muna ako, ipasa natin ito" nag insist siyang magbuhat ng tote bag ko, Okay kalma kaibigan mo yan wag kang maissue.
Nililibot niya ang tingin sa corridor, first time niya lang ba makapunta dito?. napasa ko na yung plates at ngayon papalabas na kami ng building.
"Jeep ulit tayo?" Alok niya, tumango ako at pasimpleng napangiti.
Itinaas niya ang kamay niya at huminto ang jeep sa harap namin, Pinauna niya akong sumakay at sa may bandang labasan ulit kami pumwesto.
"Sa Up town center po" Sabi niya sa driver at tska naman umandar yung jeep.
Binigay niya ulit yung panyo niya, Nakakailang bigay na siya ng panyo pero tinatanggap ko naman, inamoy ko yung panyo at kaamoy niya ito, ang bango.
Makalipas ang ilang oras pumara na kami, nagbayad na siya at saka kami bumaba, nasa Uptown kami nakapunta na naman ako dito actually dito ako galing nung bumili ako ng mga gamit for projects.
"Tara" Nakangiting sabi niya, Maganda yung ngiti niya bakit ganon.
habang naglalakad kami panay tingin ako sa mga tao, they're looking on us, why? naiilang ako.
"panay tingin nila satin, bakit?" Bulong ko
"Gwapo ko kasi" natatawa sabi niya, kinurot ko siya sa tagiliran at lalo lang siyang natawa.