-
napamulat ako at napaupo ng biglaan, Nilibot ko ang tingin ko at napagtantuan ko na nasa kwarto ako ni cole, Tinignan ko ang buong katawan ko at wala akong nararamdaman na kahit ano, wala ding galos ang katawan ko't buong buo pa.
ano iyon? masamang pangitain?
agad na tumulo ang luha ko at napatayo, agad kong hinanap si cole hanggang sa makalabas na ako ng kwarto, wala si cole.
"cole!"
umiiyak na tawag ko kay cole at panay libot ng tingin. Wala sa banyo at wala sa kusina kahit pa sa sala kaya mas lalo akong umiyak dahil natatakot ako sa panaginip ko.
Hindi ko kinakaya ang mga nangyayari, Paano kung totoo yung panaginip ko? pano kung pagkatotoo?
napaupo nalang ako at lalong umiyak ngunit ng marinig ko ang tunog ng elevator agad akong tumayo at tumakbo, nakita ko si Cole kaya kahit hindi pa siya nakakalingon sakin dahil may inaayos siya sa bulsa niya ay niyakap ko na siya ng mahigpit at lalong binuhos ang pagiyak.
"Love? what happened? are you okay??" Nagaalalang tanong niya at bahagyang binitawan ang dala niya para yakapin ako.
"Love" panay hikbi ako at lalong hinigpitan ang yakap sakanya.
binuhat niya ako at naglakad, hindi ko alam kung saan kami pupunta, naramdaman kong umupo kami at kanina pa niya hinahagod ang likod ko.
"Tell me what happened, love" Malambing na sabi niya habang patuloy ang paghagod sa likod ko.
"I had a nightmare tapos pagkagising ko wala ka pa"
pahikbi hikbi ako at hirap na hirap magsalita dahil ko matigil ang pagiyak ko. Hindi ko kakayanin kung sakanilang mangyari yon.
"tell me what happened inside your dream" cole.
"We got into a car crash but before that you look so mad while driving at sobrang bilis ng pagpapatakbo mo, Hindi mo'ko sinasagot kung bakit, napakatalim ng tingin mo sa daan at nasa gubat tayo" nahihirapan man at pahikbi hikbi pero kinukwento ko yon ng detalyado.
"I'm scared, ayokong mawala ka" muli ko siyang niyakap ng mahigpit.
"hinding hindi ako mawawala sayo love, dito lang ako sa tabi mo" Malambing na sabi niya, pinaharap niya ako sakanya at pinunasan ang luha ko, She kissed my lips at niyakap akong muli.
"Tahan na love" malambing na sabi niya ngunit hindi ako matigil.
"if that happens... sayo parin ako kahit sa susunod na buhay" she kissed my forehead.
"Let's eat, I bought your favorite" ngumiti siya binuhat akong muli, pinaupo siya ako sa sofa at kinuwa yung dala niya na naiwan sa tapat ng elevator.
ngayon ko lang napansin na nakapantulog na pala ako, Siguro pinalitan niya ako kagabi.
pinigilan ko na ang pagiyak at huminga ng malalim, Bumalik siya kasama yung paper bag ng mcdo at tubig.
"here, Inom ka muna" ininom ko yung dala niyang tubig at huminga ng malalim.
Nilabas niya ang large fries at bucket ng chicken, alam niya ngang favorite kong pinapapak yung chicken.
May 2 drinks din siyang nilagay sa mini table na glass at binuksan yung parang lock ng bucket, actually hindi siya bucket dahil bag style siya.
binigyan niya ako ng chicken hindi ko agad kinain yun dahil pahikbi hikbi padin ako.