Neil Juancho Villaverde
Nawala ang ngiti sa labi ko nang mula sa malayo ay narinig ko ang iyak ni Nanay.
"Parang-awa mo na, wag mo kaming iwanan!" umiiyak na paki-usap niya kay Tatay.
"Junie, nag-aaway nanaman ata ang mga magulang mo," sab isa akin ng isa sa mga kaibigan.
Hindi ko na 'iyon, pinansin at kaagad na tumakbo pa-uwi sa aming bahay.
"Tay, saan po kayo pupunta?" nagtatakang tanong ko sa kanya nang makita ko ang hawak niyang mga gamit.
Malungkot siyang tumingin sa akin, hindi nagtagal 'yon na para bang hindi niya ako kayang tingnan.
"Kailangan ko nang umalis," seryosong sabi niya kay Nanay at marahang tinaggal ang pagkakakapit ni Nanay sa kanyang kamay.
"Neil, ikaw na ang bahala sa Nanay mo," sabi niya sa akin na may kasama pang pag-gulo sa aking buhok.
"B-bakit po, Tay? Saan po ba kayo pupunta?" tanong ko sa kanya.
Kahit may nararamdamang takot sa mga ideyang pumapasok sa isip ko ay ipinagsawalang bahala ko 'yon.
"Babalik na ang Tatay mo sa pamilya niya. Iiwan na niya tayo," sagot ni Nanay sa aking tanong.
Naramdaman ko ang pag-init ng gilid ng aking mga mata habang nakatingin kay Tatay. Sobrang laki ng respeto ko sa kanya. Palagi ko pa namang sinasabi na paglaki ko ay magiging katulad niya ako.
Marami akong gustong itanong kay Tatay. Marami akong gustong sabihin pero masyado na akong nanghihina kaya naman walang ibang lumabas sa mga bibig ko kundi ang mga salitang...
"Tay, bakit po?"
Halos mag-iisang taon na din simula nang iniwan kami ni Tatay. Galing sa isang may kayang pamilya si Tatay. Tutol sa kanila ang pamilya nito dahil galing sa mahirap na pamilya si Nanay. Ang tawag pa nga nila ay Pobre. Maraming masasakit na salita at pamamahiya na ang nakuha namin mula sa kanila, lalong lalo na si Nanay.
"Edi hindi kayo mahala ng tatay mo. Kung mahal kayo...isasama kayo," sabi ng isa sa mga kalaro ko.
"Eh ano naman ngayon? Hindi ko din naman siya mahal," mayabang na sagot ko sa kanya.
Ipinakita ko sa kanya na wala akong pakialam. Kahit lumalangoy pa si Tatay sap era ay wala akong pakialam.
Iyon ang akala ng lahat. Ang totoo ay nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil yung lalaking tinitingala ko at pinapangarap kong maging katulad ko din pagnagkataon ay pinagtaksilan ako...kaming dalawa ni Nanay.
Nagpatuloy ang pang-aasar nila sa akin kaya naman inasar ko sila pabalik.
"Manahimik ka nan ga. Talo ka lang e. Taya ko itong lahat," sabi ko sa kanila at kaagad na itinaya ang hawak kong pogs.
"Sigurado ka?" nakangising tanong sa akin ng aking mga kaibigan.
"Oo sabi, daming satsat," na-iiritang sagot ko sa kanila.
Tinira niya ang aming mga pamato, nagtagal pa 'yon dahil ang daming seremonyas, may nalalaman pang posing at pagpitik-pitik daw.
Tabla ang unang bato kaya naman marahas akong napakamot sa aking batok. Habang naghihintay sa sunod ay napalingon ako nang makita ko ang paglapit ni Alice sa aming gawi. Naka-uniporme pa ito kahit kanina pa tapos ang klase. May hawak nanaman siyang mga basahan, mukhang naglako nanaman.
Tumingin siya sa akin at sinimangutan pa ako, dahil sa ginawa niya ay pinanlakihan ko siya ng mata at inirapan din. Inalis ko ang atensyon ko sa kanya nang ibinato na ulit ang mga pamato namin.
BINABASA MO ANG
She's my Uptown Girl (Stand Alone #2)
RomanceAng sabi nila, ang mayaman ay para lang sa mga mayayaman. Bago ka pa ipinanganak dito sa mundo ay nakasulat na ang kapalaran mo. Kung ipinanganak kang mahirap ay mamamatay kang mahirap. Iyan ang mga bagay na hindi ko pinaniniwalaan, hindi din naman...