Chapter 11

9.2K 522 88
                                    

Anak



Sa tinginan pa lang nilang dalawa ay alam ko na kaagad ang sagot. Hindi ako nagpakita ng kahit anong ekspresyon ng mukha ko. Humigpit ang hawak ko sa kumot, halos malukot 'yon dahil sa namumuong galit na nararamdaman ko.

Pilit kong pinigil ang pagluha dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Gusto kong magwala, gusto kong magalit. Gusto kong tumayo ngayon sa hospital bed at sugurin si Isaac at ang grupo niya.

Pero kahit anong pilit kong labanan ang pagluha ay hindi ko magawa. Padabog kong pinahiran ang luhang tumakas sa aking mga mata. Napansin ko ang tingin nina Julio at Eroz sa akin.

Hindi naman kahinaan ang pag-iyak, kahit sa anong kasiraan. May karapatang umiyak ang kahit na sino dahil nasaktan sila, at kung 'yon din ang magiging paraan para gumaan ang pakiramdam nila.

Hindi kailanman naging simbolo ng kahinaan ang pag-iyak.

Ramdam ko ang tingin nina Julio at Boss Eroz sa akin, para bang hinihintay nila na may sabihin ako. Hinihintay nila na may gawin ako.

"Wag kang mag-alala...kami na ang bahala dito," sabi ni Boss Eroz sa akin.

Hindi ako naka-imik. Hanggang sa naging abala ang mga ito sa kanya kanya nilang tinatawagan.

Hindi ko din alam kung anong gusto kong mangyari. Dapat lang na pagbayaran nina Isaac at grupo niya ang ginawa nila sa akin. Pero sa tuwing na-iisip kong siguradong hindi magiging madali ito ay para naman akong pinanghihinaan ng loob. Para bang gusto kong sumuko na lamang...ang pabayaan.

"Hindi pwedeng palampasin 'to," rinig kong madiing sabi ni Boss Eroz kay Julio matapos ibaba ang isang tawag.

Kung hindi basta-basta ang pamilya nina Isaac ay hindi din basta-basta ang mga kaibigan ko. Hindi lang kung sino ang mga ito, parte sila ng mga importante ding tao dito sa aming bayan.

Eroz Axus Herrer at Julio Alexandron Escuel. Pangalan pa lang nilang dalawa ay dapat matakot ka na. Sino ba si Isaac Villaverde laban sa mga kaibigan ko?

Ngunit kahit pa ganoon ang nasa isip ko ay hindi ko pa din ma-iwasang isipin na sino nga lang din ba si Neil Juancho kung hindi ko kaibigan ang mga ito. Kung ako lang mag-isa ay wala din naman akong laban kay Isaac.

"Hayaan na lang..." sabi ko. Sa wakas ay nagkaroon din ako ng lakas ng loob na magsalita.

Nakita ko ang gulat at may kasamang pagkadismaya sa kanilang mga mukha. Alam kong ilalaban nila ito hanggang dulo pero ako mismo ang sumusuko.

"Anong hayaan?" galit na utas ni Boss Eroz. Kahit pa kalmado ay halata sa boses niya ang galit at awtoridad.

Malalaking hakbang ang nagawa niya nang lumapit siya sa paanan ng hospital bed na hinihigaan ko.

'Yon ang unang beses na hindi ko magawang tumingin sa mga mata ni Boss Eroz. Sa tagal naming magkaibigan, sa gaan at palagay ng loob ko sa kanya ay bigla akong nakaramdam ng hiya ng mga oras na 'yon.

"Hahayaan mo? Kung hahayaan mauulit lang 'to, Junie..."

"Maabala pa kayo. Hindi magpapatalo ang mga 'yon," giit ko na mukhang mas lalo niyang ikinainis.

"Sinong nagsabi na abala 'to? At kung hindi sila magpapatalo...pwes, tayo din," giit niya.

Ramdam ko kung gaano ka-desidido si Boss Eroz na ilaban 'to. Tama nga naman siya, kung hahayaan ay pwedeng maulit.

"Tutulungan ka namin dito, Junie..." si Julio.

Hindi pa man ako tuluyang nakakasagot ay napahinto kaming tatlo sa gulat nang humahangos na pumasok si Nanay habang umiiyak.

She's my Uptown Girl (Stand Alone #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon