Chapter 1

16.2K 679 391
                                    

Delikado








Lumabas kaagad ako sa may back kitchen nila pagkatapos kong marinig ang mga salitang 'yon mula sa may mga ari ng bahay.

"Magkakaroon din ako ng ganitong klaseng bahay, ganito kalaki, ganito kaganda," sabi ng isa sa mga kasama naming habang naghihintay kami sa may labas para sa bayad.

Tamad akong sumandal sa truck habang nakikinig sa kanila at tinanaw din ang ganda at laki ng mansion ng mga San Miguel. Madali lang para sa kanila ang magkaroon ng ganito kalaking bahay dahil mayaman sila dahil sa laki ng kanilang Negosyo.

"Pahintay na lang muna si Madam para sa bahay," magalang na sab isa amin ng isa sa mga kasambahay.

Lumabas siya na may dalang mga baso at pitchel na may lamang malamig na tubig.

Pinagkaguluhan kagaad ng mga kasama ko ang dala niyang inumin. Na-uuhaw din naman ako pero hinayaan ko muna sila na mauna bago ako kumuha ng para sa akin.

"May pa-beer kaya?" tanong ng mga 'to kaya naman ang driver naming ay kaagad silang sinuway.

"Depende, wala pa kasi ata si Sir," nakangiting sagot sa amin ng kasambahay.

Matapos niyang sagutin ang tanong ng mga kasama ko ay ako naman ang nilingon niya.

"Ikaw, tubig?" alok niya sa akin.

Gamit ang manggas ng aking suot na tshirt ay nagpahid muna ako ng pawis bago ako tumango ay lumapit sa kanya.

Habang nagsasalin siya ng tubig para sa akin ay may isa nanamang kasambahay ang lumabas, ngayon hindi lang basta tubig ang dala niya, may hawak siyang tray na may lamang mukhang pagkain.

"Whoa, may pa-mirienda?" tanong ng mga kasama ko.

"Mirienda daw muna kayo, pinapabigay ni Senyorita Ericka," sabi nito sa amin bago niya inilapag ang tray sa likod ng truck.

Kumunot bahagya ang noo ko ng marinig ko ang pamilyar na pangalan.

"Mabait talaga 'yang si Senyorita. Sa lahat ng batang San Miguel ay 'yan ang pinaka gusto naming ang ugali..." pag-uumpisa ng kasambahay na unang lumabas kanina.

Tumingin siya sandali sa palagid para siguraduhin na walang makakarinig.

"Hindi matapobre, mabait, magaling makibagay," dugtong pa niya sa amin.

Parang hindi naman 'yon pinansin ng mga kasama ko dahil abala silang lahat sa pagkuha ng tinapay.

"Si Senyorita din ang may gawa ng tinapay, mahilig 'yong magluto..."

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya ng kaagad na din akong nakipag-agawan ng tinapay sa kanila. Hindi pwedeng hindi ako makatikim ng tinapay na gawa niya.

Halos itapon ko ang katawan ko sa kumpulan nila para lang maabot ang pinaka-aasam na tinapay.

"Parang gago naman ni Junie, sakit nan ga ng katawan naming, e," reklamo nila.

Tinawanan ko na lang sila pero kaagad akong dumukot ng tinapay para makatikim din.

"Pwedeng mag-uwi?" tanong ng mga kasama ko dahil masyadong madami 'yon.

"Oo sige, sige..." sabi ng mga kasambahay sa amin kaya naman kanya kanya kaming kuha para may ma-ibalot.

Muli kong tinanaw ang bahay, wala man lang akong makita na bakas niya. Sigurado kasing hindi 'yon lalabas dito para lang makipaghalubilo sa mga kagaya namin.

Napa-ayos kami ng tayo nang lumabas si Donya Estel San Miguel. Nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa amin. Halos itago tuloy naming ang mga hawak naming binalot na tinapay.

She's my Uptown Girl (Stand Alone #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon