Assurance
Nakipagsukatan siya ng tingin sa akin. Hindi ako umurong, nilabanan ko siya hangga't sa abot ng aking makakaya. Kahit ang totoo ay pwede na akong ma-iyak ano mang oras dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko.
Sobrang bigat sa dibdib. Kung dati ay may kaunti pang tuwa akon nararamdaman pag nakikita siya ay wala na 'yon ngayon. Hindi ko na makita, maging ang kaunting pakiramdam ng saya dala ng kanyang presencya ay mukhang iniwan na din ang buong sistema ko.
Tunay ngang kahit gaano mo kamahal ang isang tao, darating din talaga sa punto na mapapagod ka na. Hindi mo na lang namalayang pagod ka na. Ayoko na.
"Gusto kong tulungan ka, kayo..." marahang sabi niya.
Mas lalo siyang madaming sinasabi, mas lalo lang ding bumibigat ang dibdib ko. Mas gusto ko na lang na manahimik siya dahil wala na din namang timbang ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.
"Kayo? Sinong kayo?" mapanghamong tanong ko sa kanya.
Mula sa pagkakatitig niya sa akin ay nakita ko kung paano lumikot ang itim ng mata niya. Na para bang nataranta siya sa hindi ko malamang dahilan.
Ganoon ba ang epekto sa kanya ni Nanay? Masama ba 'yon o mabuti?
Mula sa akin ay dahan dahang bumagsak ang tingin niya sa lupa.
"Para sa inyo ng Nanay mo. Gusto ko kayong tulungan," paglilinaw niya.
Wala akong na-isagot sa kanya kundi isang mapanuyang pag-ngisi. Halos ma-ikuyom ko din ang kamao ko dahil sa nararamdamang inis.
"Tumahimik ka," madiing suway ko.
Mas lalong kumukulo ang dugo ko pag naririnig kong binabanggit niya si Nanay. Hindi ko din ma-intindihan ang sarili ko. May parteng gusto kong banggitin niya, pero pag binanggit naman ay nai-inis ako.
Naaalala pa pala niya ang babaeng mahal kuno niya, pero iniwan niya. Hindi ko alam kung saan natuto ng pagmamahal ang Tatay kong 'to.
Gulat man ang puminta sa kanyang mukha ay pinili na lamang niyang manahimik.
"Ang kailangan ko ngayon ay hustisya. Handa ka ba na isuko ang pamangkin mong 'yon para pag bayaran ang ginawa niyang kasalanan sa akin?" diretsahang tanong ko sa kanya.
Kahit sa paraan ng aking pagsasalita ay wala na talagang paggalang. Hindi ko man ginusto na dumating sa ganitong punto ay wala na akong magagawa. Nasaid na ang natitira kong pasencya para sa kanya, para sa kanilang mayayamang matapobre na kinakaya-kaya ang lahat ng kung sinong sa tingin nila ay mas mababa sa kanila.
Hindi siya naka-imik. Ang hindi ko ma-ipaliwanag na ekspresyong puminta sa mukha niya ay nagdulot ng sakit para sa akin. Alam na kaagad na hindi siya pabor sa gusto kong mangyari.
"Tingnan mo...hindi mo kayang ibigay sa amin ang mga kailangan namin," mapanuyang sabi ko sa kanya.
Mula sa pagiging balisa ay nataranta naman siya ngayon.
"Magkano ang nagastos niyo sa hospital fee? Ano pa ang mga kailangan niyo?" sunod sunod na tanong niya na para bang 'yon ang solusyon.
Ang makapal na kumpol ng perang inaabot niya sa akin ay walang pagdadalawang isip kong kinuha mula sa kanyang kamay. Sandali siyang nagulat, buong akala siguro ay nabayaran na niya ako ng pera.
Hanggang sa hinagis ko 'yon sa ere dahilan para umulan ng pera sa paligid namin.
"Pera ang solusyon mo para sa lahat ng bagay? Pera ba ang sa tingin mong nagpapa-ikot sa mundo?" tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
She's my Uptown Girl (Stand Alone #2)
RomanceAng sabi nila, ang mayaman ay para lang sa mga mayayaman. Bago ka pa ipinanganak dito sa mundo ay nakasulat na ang kapalaran mo. Kung ipinanganak kang mahirap ay mamamatay kang mahirap. Iyan ang mga bagay na hindi ko pinaniniwalaan, hindi din naman...