Needs
Hindi mawala ang tingin ko sa aking asawa dahil sa narinig. Gusto kong lumapit sa kanya at itanong kaagad kung anong problema. Habang nagdadalawang isip ako sa kung anong susunod na gagawin ay naramdaman ko na ang hawak ni Tatay sa aking balikat.
"Let's take a sit," yaya niya sa akin.
Hindi man ako kaagad nakagalaw ay siya na mismo ang nag-gaya sa akin para maka-upo sa kanyang tabi.
Kahit nanatili ang tingin ko kay Ericka ay nakita ko kung paanong halos gawin niya ang lahat para lang iwasan ang aking tingin. Halos hindi niya ako matingnan sa aking mga mata.
Nagsimula ang meeting nila, kanina pa ako nagkukunwaring nakikinig at interisado pero ang totoo ay wala naman akong maintindihan ni isa doon.
"We should do what exactly is our first plan. We can't risk this election, it's our last straw..." sabi ng isa sa mga nakakantandang San Miguel na hindi ko naman kilala.
"That's too risky Don Elthon," sabi ni Lolo.
Natahimik ang Don Elthon na tinawag niya. Doon ko lang na-realize na hindi ko pa talaga kilala ang buong pamilya ni Ericka, may mga bagay pa talaga sa aming dalawa na hindi malinaw.
"Kung sakaling hindi tayo manalo sa darating na eleksyon ay masisira ang pangalan ng dalawang pamilya dito sa bayan ng Sta. Maria...ayaw naming mangyari 'yon," paliwanag ni Lolo sa kanila.
"Hindi 'yon mangyayari kung masisigurado natin ang panalo," giit pa din ng kabila.
Hindi na nagsalita pa si Lolo tungkol doon. Nagkibit balikat na lamang siya na para bang wala na siyang masasabi pa, kahit anong mangyari ay hindi siya magiging pabor sa gustong mangyari ng kabila.
"Trust me...we got this."
Napangisi na lamang si Lolo at marahang napa-iling.
Sa huli ay nagkaroon din sila ng kasunduan. Mukhang hindi din naman nila tatapusin ang meeting na 'to ng walang nagagawang solusyon para sa kanilang problema. Dapat lang dahil halos araw na lang ang bibilangin bago ang darating na eleksyon.
Mas lalo silang nagkagulo ng ang isa sa kanilang secretary ang lumapit sa kanila para sabihin ang kumakalat na balita.
Ginamit ng kabilang kampo ang nabalitaan nitong hindi pagkakaintindihan ng mga San Miguel at Villaverde. Ipinamalita sa buong bayan ng Sta. Maria kaya naman na-alarma sila na maka-apekto ito sa kanilang plano.
"Let's take a break first," anunsyon ni Tatay dahil sa namumuong tensyon.
Nagkaroon na din kasi ng kanya kanyang mundo ang ilan para tawagan ang kung sino dahil sa balita.
"Neil..." tawag ni Tatay sa akin.
Kanina pa kasi halos hindi na nakadikit ang pwet ko sa upuan dahil ano mang oras ay handa na akong tumayo para lumapit kay Ericka.
Dahil sa pagtawag ni Tatay sa akin ay muling akong napa-upo ng maayos.
"Calm down. You looked so tensed..."
Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi ko alam ang salitang calm down. Kung pwede nga lang na lapitan ko si Ericka at hilahin paalis sa lugar na 'yon ay gagawin ko na.
Matapos kong makinig kay Tatay ay lumipat ang tingin ni Madam Estel sa akin. Napansin kong iyon na ata ang pinakamatagal na tingin niya sa akin. Bago pa kasi ang tagpong iyo ay halos mandiri siya, na para bang ikabubulag niya ang pagtingin sa akin.
BINABASA MO ANG
She's my Uptown Girl (Stand Alone #2)
RomanceAng sabi nila, ang mayaman ay para lang sa mga mayayaman. Bago ka pa ipinanganak dito sa mundo ay nakasulat na ang kapalaran mo. Kung ipinanganak kang mahirap ay mamamatay kang mahirap. Iyan ang mga bagay na hindi ko pinaniniwalaan, hindi din naman...