Chapter 6

12.7K 701 160
                                    

Graduation




Sumama ang tingin ko sa kanila. Bakit ganoon ka-big deal sa kanila ang estado ng buhay ng isang tao para lang matanggap nila? Basehan ba talaga para sa mayayaman ang ganoon para piliin kung sino ang dapat na para sa 'yo?

Mas lalo kong napatunayan na ibang iba si Ericka sa pamilya niya. Hindi siya kagaya ng pinsan niyang minata ako noong unang beses na nagkita kami, hindi siya kagaya ng Mommy niya na pinipili ang ita-trato niya ng maayos.

Umiwas na lang ako sa kanila, wala na din akong maramdaman para sa tatay ko kundi galit.

"Tara na," yaya ng mga kasama ko.

Na-ibaba na naming ang lahat ng sako para doon. Walang kahirap-hirap akong sumampa sa likod ng truck. Nilingon ko ang gawi kung nasaan si Tatay, kausap pa din niya yung Isaac at Mommy ni Ericka.

Nakita ko ang pagsulyap niya sa aming gawi, sumama ang tingin ko sa kanya. Hindi ko inalis ang tingin ko hanggang sa mahubad ko ang sapin sa mukha na ipinatong ko. Nang tuluyan niyang masilayan ang mukha ko ay nagtagal ang tingin niya sa akin.

Kumunot sandali ang noo bago nanlaki ang kanyang mata.

Sinubukan niyang lumapit pero dahan dahan ng umandar ang truck pa-alis doon.

"Neil!" Tawag niya pero tinalikuran ko siya.

Nagtaka ang mga ka-trabaho ko sa paghabol nito pero wala naman ni isang nagsabi na pahintuin ang truck. Tama lang 'yon dahil wala namang rason para tumigil kami.

"Kilala mo 'yon?" tanong ng isa sa mga kasama ko.

Marahan akong umiling. "Hindi," madiing sabi ko.

Nagpababa ako sa may kanto malapit sa rice mill factory, nakita ko kasi kanina yung nagtitinda ng bananaque at kamote. Balak kong bilhan si Ericka para naman may dala ako para sa kanya kahit papaano.

Hindi naman pwedeng siya lang palagi ang may pasalubong sa akin. Ako itong nanliligaw sa kanya pero siya itong may ibinibigay sa akin sa tuwing nagkikita kami.

"Oh, anong sa atin, Junie?" tanong ng tindera.

Pinili ko ng maayos yung bananaque na ibibigay ko kay Ericka, syempre dapat yung special.

"Bagong luto po?" tanong ko.

"Aba'y syempre," sagot niya sa akin kaya naman napangisi ako.

"Ito po, yung madaming asukal," sabi ko at tinuro yung bananaque, kumuha na din ako ng kamote que para pareho niyang matikman.

Nilakad ko ang papasok sa kanto papunta sa rice mill factory, tumulo ang pawis sa noo ko dahil sa init, ginamit kong pamunas ang damit na ginawa kong pangtakip sa mukha ko kanina.

Hindi muna ako didiretso sa pantry, magpapalit muna ako ng damit bago ako humarap kay Ericka, nakakahiya naman na humarap ako sa kanya ng ganito, amoy pawis pa.

"Oh, iniwan ka ng truck?" tanong ni Manong guard sa akin.

"Oo, e, nahulog ako doon sa may kanto," sagot ko.

Kaagad niyang tiningnan ang kabuuan ko para tingnan kung may sugat baa ko o pilay.

Natawa na lang ako dahil sa naging reaction niya.

"Ikaw talagang Junie ka!" sita niya sa akin.

Malaki ang ngisi ko habang naglalakad papasok, naka garahe na ang truck na gamit namin kanina. Nagpapahinga na din ang mga kasama ko.

She's my Uptown Girl (Stand Alone #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon