Chapter 2

12.1K 669 451
                                    

Kiss





Tinanaw ko ang paglayo ng sasakyan ni Ericka San Miguel. Nang masigurado kong milya-milya na ang layo naming dalawa ay tsaka lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makahinga ng maayos.

Marahan kong pinahiran ang butil ng pawis na namuo sa aking noo dahil sa kanyang presencya. Napa-iling na lang ako. Muntik na akong maging bato doon. Napapagpag na lang ako sa aking magkabilang kamay dahil sa dumi, wala namang kaso sa akin 'yon. Ang mahalaga ay natulungan ko siya.

"Bakit bigla kang umalis?" tanong ni Sanie sa akin pagkapasok ko ng campus.

Mula sa aking mukha ay bumaba ang tingin niya sa nadumihan kong kamay. Hindi na ako nakasagot pa nang makita ko kung paano niya inilabas ang panyo sa kanyang bulsa. Kinuha niya ang kamay ko bago niya marahang pinunasan ang dumi doon.

"Naku...hindi na kailangan," nahihiyang sabi ko sa kanya.

Ngiti lang ang isinagot niya sa akin. Napahawak na lang ako sa aking batok dahil sa hiya, masyado namang sweet itong si Sanie.

Pasok si Sanie sa mga tipo kong babae. Yung simple lang, walang arte sa katawan, masipag din at mulat sa realidad ng buhay. Maganda si Sanie, bulag ang hindi makakakita no'n.

Pwede ko siyang ligawan, naisip ko na din naman na mag-nobya na, pero masyado pa akong focus para sa amin ni Nanay. Halos sapat lang ang kinikita ko para sa aming dalawa, ayoko naman na sa oras na mag-nobya ako ay maging siya ma-apketuhan sa estado ng buhay na meron ako.

"Darating dito ang pamangkin ko...magbabakasyon," sabi sa amin ni Mang Darren habang nasa kalagitnaan kami ng trabaho sa may rice mill factory.

"Yun po bang anak ng kapatid niyong babae? Yung mayaman?" tanong ng mga katrabaho naming.

Ngumiti si Mang Darren at tumango. Hindi ko na lang pinansin...mayaman? Baka pumunta lang 'yon dito at mag-asta na parang boss namin. Oo, Boss na din naming siya dahil pamangkin siya ng may-ari ng rice mill, pero masyado talaga akong na-trauma sa mga mayayaman...halos lahat kasi sila ay matapobre, mababa ang tingin sa mga hindi nila ka-uri.

Nag-umpisa ang lahat ng 'to dahil sa pamilya ni Tatay. Mapapatawad ko na iniwan niya ako, pero hinding hindi ko mapapatawad na iniwan niya si Nanay, pinagsalitaan ng hindi maganda ng kanyang pamilya.

Abala ako sa pagbubuhat ng sako ng tawagin ako ni Mang Darren. Ang nakasabit kong putting bimpo sa balikat ay kaagad kong ginamit para punasan ang pawisan kong mukha.

"Ka-edaran mo lang si Eroz. Ayos lang ba sa 'yo na ikaw ang mag-tour sa kanya dito sa rice mill?" tanong nito sa akin.

Wala akong nagawa kundi ang tumango at pumayag sa gusto niyang mangyari. Sino ba naman ako para tanggihan ang ini-uutos ng boss ko sa akin.

Ngumiti si Mang Darren at hinawakan ako sa balikat.

"Wag kang mag-alala, mabait na bata 'yong si Eroz," sabi niya sa akin.

Alam din ni Mang Darren ang pagiging allergic ko sa mayayaman. Halos buong Sta. Maria kasi ata ang may alam sa nangyari sa pamilya namin.

Matapos ang trabaho ko sa factory sa araw na 'yon ay umuwi na din ako para naman tumulong kay Nanay. Maaga pa naman kaya na-isip ko na lakarin na lang pauwi, saying kasi ang pamasahe.

Habang naglalakad ay napatingala ako sa malaking mansion ng mga Escuel. Lumaki akong kinakatakutan ang bahay na 'yon dahil na din sa nangyari sa pamilya na nakatira doon. Tumagal ang tingin ko sa may garahe ng makita ko ang anak ng dating may-ari.

Si Julio Escuel.

Wala itong suot na pang-itaas na damit habang may-inaayos sa kanyang sasakyan. Bihira ko lang din siyang makita dito sa Sta. Maria, sa Manila kasi ito nag-aral ng kolehiyo.

She's my Uptown Girl (Stand Alone #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon