Chapter 25

8.8K 442 35
                                    

Kusa



Nanatili akong nakatulala sa may lamesa. Rinig na rinig ko ang pagtawa nila, maging ang mga masasakit na salitang ibinabato nila. Hindi naman ako binugbog pero mas grabe pa don ang nararamdaman ng buong pagkatao ko. Mas ayos na nga sana kung sinaktan na lang nila ako sa pisikal. Matapos kasi ang ilang araw o linggo ay mawawala din 'yon.

Pero yung salita, tumatagos 'yon hanggang sa ikaibuturan ko. Hanggang sa papasok na 'yon sa ulo ko, hanggang sa 'yon na lamang ang ma-iisip ko. Kahit anong pilit kong labanan ay hindi malabong mamuhay ako dala-dala ang mga salitang 'yon.

"Bakit ba ang taas mangarap ng mga hampaslupang 'to?" rinig kong sabi pa ng isa sa mga nakatatandang babae. Mukhang isa sa mga tiyahin ni Ericka.

"Akala ata ay nasa pelikula sila," mapanuyang sabi pa ng isa.

"He looks gwapo though. Pero madumi..." nandidiring sabi ng isa sa mga pinsan niya.

Nag-angat ako ng tingin sa pinsan niyang 'yon. Ayoko sanang manlaiit pero hindi naman siya kagandahan.

"Alisin niyo na 'yan sa harapan namin. Nawawalan kami ng gana," sabi ni Madam Estel sa mga guard na lumapit sa kanilang table.

Ubos na ubos ang lakas ko. Ni hindi ko na din maramdaman ang buong katawan ko. Kaya naman nakita ko na lamang ang sarili kong sinasabayan ang lakad ng mga guard na may hawak sa akin palabas ng function room na 'yon.

Hindi ko na ininda pa ang tingin ng ibang mga kumakain sa mamahaling restaurant na 'yon. Para kasi akong may ginawang masama sa paraan ng pagkakahawak ng mga guard sa akin.

"Diyan ka! Wag ka ng babalik dito," asik nila sa akin.

Kung hindi ko lang nadala ng maayos ang sarili ko ay siguradong magkakahalikan kami ng kalsada.

Sobrang bigat sa pakiramdam. Maluwag sa dibdib na makaalis sa lugar na 'yon pero yung bawat lakad na nagawa ko ay ramdam kung gaano kabigat ang loob ko ngayon.

Gusto kong gumanti sa kanila. Para bang mas gusto ko na lang makipagsuntukan sa kanila. Magkapisikalan na lang kami. Dahil alam ko naman sa sarili kong kung sa mga napatunayan lang ang labanan ay walang wala ako sa pamilya nila.

"Saan ka nanggaling? Kanina ka pa namin hinihintay ni Nanay," salubong sa akin ng aking asawa.

Kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha. Kaagad siyang yumakap sa akin at humalik sa aking pisngi. Tipid ako ngumiti, pilit kong itinatago ang sama ng loob na dala dala ko dahil sa nangyari kanina.

Sa sobrang pag-aalala niya ay nakalimutan na niyang may ipinabili sila sa akin ni Nanay.

"Siguradong pagod ka sa trabaho...nagluto kami ni Nanay ng paborito mo," pagbibida niya sa akin.

Tahimik kong pinanood ang mga ginagawa ni Ericka. May kadiliman ang ilaw na gamit namin sa kusina dahil na din siguro sa tagal nito. Pero ang maputi niyang kutis ay nangingibabaw. Para bang palagig may nakatapat na ring light sa kanya sa puti at kinis ng kanyang balat.

Nangingibabaw ang itsura niya sa background, yung maliit at gawa sa kahoy na bahay namin. Kahit sino mapapatanong, bakit pinili niyang tumira dito kesa sa mansyon nilang bahay?

Kahit sino hindi makapaniwala.

"Uy! bakit ka ba tulala? May dumi ba ako sa mukha?" natatawang pagkuha niya sa aking pansin.

Mukhang naramdaman na niya ang kanina ko pang pagtitig sa kanya.

Hinawakan ko pa ang kamay niyang abala sa paglalagay ng pagkain sa aking plato. Sandali siyang napahinto dahil sa aking ginawa. Mukhang kanina pa nagtataka sa aking ikinikilos.

She's my Uptown Girl (Stand Alone #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon