Chapter 19

9.1K 479 56
                                    

Utos



Hindi din naman nagtagal ang mga San Miguel doon. Para bang sapat na sa kanila na bigyan ako ng banta dahil sa pagkawala ni Ericka. Alam ko naman sa sarili kong kahit anong tanggi ang gawin ko sa kanila ay hindi sila maniniwala. Kahit naman kasi sinong tanungin mo ay iyon ang iisipin. Alam ko kung nasaan ang nobya ko.

Dahil kung tunay ngang hindi ko alam, hindi naman ako magpapakampante dito. Baka nga mas nauna pa akong maghanap kesa sa kanila. Hindi ako titigil hangga't hindi ko ito nahahanap.

"Sigurado ka bang hindi mo talaga alam?" tanong ni Boss Eroz sa akin.

Tahimik na bumalik ang operasyon sa buong factory. Halos lahat ng nandoon ay nagulat dahil sa nangyari. Nakaramdam ako ng kaunting hiya dahil sa nangyaring eskandalo. Aminado naman akong may kasalan kaya naman wala akong ibang dapat gawin kundi ang tanggapin ang lahat ng sinabi ni Madam Estel San Miguel.

Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong ni Boss Eroz, buo ang desisyon ko na hindi ako aamin tungkol sa pananatili ni Ericka sa amin, pero ang hirap din pala talagang magsinungaling lalo na kay Boss Eroz na matalik kong kaibigan.

Diretso ang tingin niya sa aking mga mata. Para bang alam niyang mas mahihirapan akong magsinungaling kung ganoon ang tingin niya.

Mariin na lamang akong napapikit at bayolenteng napalunok. Bahal na.

"Hindi ko talaga alam," pagsisinungaling ko.

Hindi ko din alam kung hanggang kailan ko 'to mapaninindigan. Bahala na talaga hangga't kaya.

Sandali pang nagtagal ang tingin ni Boss Eroz sa akin. Alam ko namang alam niyang nagsisinungaling ako. Pero sa huli ay tumango na lamang siya at sumuko. Hindi na nagpumilit pa at nirespeto ang isinagot ko.

Hindi na muling binanggit pa ni Boss Eroz ang tungkol doon. Nakapag-focus kaming lahat sa trabaho buong araw dahil wala ni isang sumubok na buksan pa ang tungkol sa nangyari kanina.

Natapos ang lahat ng trabaho namin sa tamang oras, pero pansin ko ang panunuod sa akin ng mga kasama nang makita nila kung paano halos maging si flash ako sa pagkilos maka-uwi lang kaagad.

"Oh, nagmamadali ka ata ngayon, Junie? Bawal ba malate sa bahay niyo?" natatawang tanong ng isa sa mga katrabaho.

Ngumisi na lamang ako at bahagyang binagalan ang galaw.

"Oo, papaluin ni Nanay," sagot ko sa kanya na ikinatawa niya din.

Hindi na din ako nagpaalam pa kay Boss Eroz, abala din ito sa mga virtual meeting niya kasama ang mga pinsan niyang nasa Manila.

Ilang beses ko ng nakita ang mga pinsan niya. Masasabi kong talaga namang nasa dugo na nila ang magagandang lalaki, para bang may sariling hulmahan ang pamilya nila. Walang hindi gwapo at maganda.

Diretso ang lakad ko pauwi sa aming bahay. Hindi ko lang din ma-iwasan na tumingin sa paligid, maya't maya din akong lumilingon. Pakiramdam ko ay may sumusunod sa akin, hindi ko na alam.

Saradong sarado ang buong bahay namin, maging ang mga bintana ay naka-baba. Mula sa labas ay aakalain mong walang tao sa loob.

Ilang katok ang ginawa ko na may kasamang pagtawag kay Nanay. 'Yon kasi ang napag-usapan namin. Wag bubuksan kung hindi ako. Wala naman kasi kaming inaasahang bisita.

"Junie, anak..." tawag niya sa akin. Ramdam ko ang kaluwagan sa dibdib niya nang makita niya ako.

"Kamusta po kayo dito?" tanong ko kaagad.

She's my Uptown Girl (Stand Alone #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon