Mundo
"Ligawan mo na kasi," bungad ni Boss Eroz sa akin habang halos malunod ako sa iniisip ko habang nagpapahinga.
Kakatapos lang naming magkarga ng mga sako ng bigas na ide-deliver. Inisang tungga ko ang hawak kong isang basong tubig. Ramdam ko pa din ang hingal dahil sa pagbubuhat, ang tshirt kong nakasabit sa aking balikat ay kaagad kong kinuha para punasan ang pawis sa noo ko.
Marahas akong umiling.
"Hindi na," sabi ko.
Ngumisi si Boss Eroz. Tumabi siya sa pagkaka-upo sa akin para ayusin ang pagkakabuhol ng sintas ng suot na lumang Dr. Martens boots. Kayang kaya niyang bumili ng ilang ganon pero hindi daw niya basta basta pinapalitan ang mga gamit niya hanggang sa hindi sirang sira.
Kuripot. Kaya bagay kaming magkakaibigan, maging si Julio ay ganoon din. Mga mayayamang kuripot. Kuripot lang ako pero hindi ako mayaman.
"Ano bang kinakatakot mo?" tanong niya sa akin.
Nagkibit balikat ako. Hindi ko din alam, basta gusto ko si Ericka pero ayos lang din na hindi siya mapunta sa akin.
"Dahil mayaman siya...ano naman? Hindi naman yung estado ng buhay niya ang mamahalin mo. Sabi mo nga, inamin niya sayong gusto ka niya...ibig sabihin, hindi tumitingin si Ericka sa estado ng buhay mo," pangaral niya sa akin.
"Sa umpisa lang 'yon. Sanay 'yon sa yaman, pag nagtagal...iiwan niya din ako kung sakaling maging kami nga," pagdadahilan ko pa.
Unti-unting bumabalik ang pait sa Sistema ko nang maramdaman ko ang pamilyar na pakiramdaman.
"Hindi naman si Ericka ang tatay mo, Junie," sabi pa ni Boss Eroz sa akin.
Tama siya, natumbok niya kung anong iniisip ko.
Baka kagaya lang din siya ni Tatay, sa umpisa niya lang tinanggap ang hirap ng buhay, nang hindi na niya kinaya ay iniwan niya kami ni Nanay para bumalik sa pamilya niya, kung saan maginhawa ang buhay niya, nakukuha niya ang lahat ng gusto niya, walang paghihirap.
"Ah basta. Oo, gusto ko siya...pero hindi naman kailangan na maging kami. Plano ko na ding tumandang binate..." sabi ko pa.
Natawa si Boss Eroz at pabiro akong binatukan.
"Hindi ako naniniwala..." sabi niya sa akin kaya naman napakamot na lang ako sa aking batok.
Matapos ang pahinga ay umalis na din kami para i-deliver ang mga bigas. Tahimik akong naka-upo sa may passenger seat habang nakatanaw sa labas. Halos ma-iwan ang tingin ko ng makita namin ang malawak at malaking hacienda ng mga San Miguel. Matapos ang hacienda nila ay nadaan naman naming ang malaking factory ng pagawaan nila ng alak.
Halos humalo sa hangin ang amot ng yeast, para bang kahit nakapikit ka ay alam mo kaagad pag nandoon na kayo sa parteng 'yon.
Sa isang headquarters ng mga kandidato ang punta namin. Ang mga order nilang bigas ay para sa relief goods na ipapamigay nila. Malaki din ang discount na ibinigay nina Boss Eroz nang malaman na para doon ang mga sako ng bigas.
Isa-isa naming ibinaba ang mga sako ng bigas, ilan sa mga volunteer ay nandoon na para ayusin ang mga ipamimigay nila. Lumabas ang kumakandidato sa lugar na 'yon, kaagad akong napatingin sa kasama niya, nakilala ko kaagad siya. Paano hindi, e, kamukhang kamukha niya si Ericka. Kahit sa edad nito ay maganda pa din, halatang mayaman, sopistikada.
Si Madam Estel San Miguel.
"Boyfriend ng pamangkin kong si Audrey ang pamangkin ni Mayor," pagbibida pa nito sa kausap.
BINABASA MO ANG
She's my Uptown Girl (Stand Alone #2)
RomanceAng sabi nila, ang mayaman ay para lang sa mga mayayaman. Bago ka pa ipinanganak dito sa mundo ay nakasulat na ang kapalaran mo. Kung ipinanganak kang mahirap ay mamamatay kang mahirap. Iyan ang mga bagay na hindi ko pinaniniwalaan, hindi din naman...