Chapter 15

8.2K 413 19
                                    

Gulo



Nakita ko ang panic sa mukha ni Ericka. Pero kahit pa ganoon ay hindi pa din naman siya umalis sa pagkaka-kandong sa akin. Imbes tuloy na kabahan ako ay hindi ko din ma-iwasang mapangiti.

Sandali siyang kumalma nang hawakan ko ang kanyang bewang gamit ang aking magkabilang kamay. Kung kanina ay palinga-linga siya at halos hindi malaman kung anong gagawin ay ngayon, ibinigay niya sa akin ang kanyang buong atensyon.

"Kalma...mas lalo nilang malalaman na nandito tayo sa loob kung malikot ka," marahang suway ko sa kanya.

Sandali pa siyang tumitig sa akin, bago siya napabuntong hininga at ngumuso.

"Kinabahan lang..." sambit niya.

Tipid ko siyang nginitian, hinila ko siya palapit sa akin para maabot ko ang kanyang noo at halikan siya dito.

Nagawa pa namin ang mga ganoong klaseng eksena kahit pa nagpatuloy ang pagkatok nina Madam Estel at Isaac sa labas.

"Papanindigan ko naman tayo kung sakaling mahuli," paninigurado ko sa kanya.

Sandali siyang umayos ng pagkakaharap sa akin. Halos pagdikitin niya na ang noo namin.

"Mahuli na?" nakangising tanong pa niya sa akin.

Iminwestra ko ang posisyon naming dalawa.

"Nakaganito."

Naglaro ang mga ngiti sa kanyang labi, mukha lang talagang inosente ang babaeng 'to pero mukhang mas malikot pa ang isip kesa sa akin.

"Na nakakandong?" tanong pa niya sa akin.

Marahan akong tumango, halos iyakap ni Ericka ang magkabilang braso niya sa leeg ko. Mas lalo kong na-aamoy ang pabango niya, o kung pabango nga ba talaga 'yon. Normal na ata sa kanya ang amoy na 'to, may ligo man o wala.

Ako kasi, kung hindi maliligo ay mag-aamoy dinosaur.

"Baka mapatay ako ng Mommy mo pagnakita tayo," sabi ko pa sa kanya.

Halos mawala ang ngiti sa kanyang labi, napalitan 'yon ng maliit na pag-nguso.

"Hindi ko naman hahayaan na mangyari 'yon," paninigurado niya sa akin.

Humigpit ang yakap ko sa kanyang bewang. Naging dahilan 'yon para mas lalo siyang mapalapit sa akin, halos mahiya ang hangin na pumagitna sa amin.

"Alam ko naman 'yon, na mahal na mahal mo ako," sabi ko pa.

Nakita ko kung paano pumula ang magkabilang pisngi niya dahil sa sinabi ko.

Hanggang sa natawa na lamang kaming pareho dahil hindi namin namalayan na wala na ang Mommy at si Isaac sa labas ng sasakyan.

Imbes na magmadaling umalis ay muli siyang humilig sa akin para humalik sa aking labi. Hindi ko nanaman napigilan ang sarili ko, imbes kasi na ako ang mag-control ay si Ericka ang nagco-control sa akin.

"Na-miss kita..." sabi niya sa gitna ng mga halik niya sa akin.

Halos mawala ako sa wisyo nang maramdaman ko ang mabagal at madiin na paggalaw niya sa akin itaas na para bang may ginagawa kaming kung ano.

Dahil sa ginagawang 'yon ni Ericka ay may nabubuhay siya sa akin. Imbes na magreklamo ay halos isubsob ko na lamang ang mukha ko sa itaas ng kanyang dibdib, kung hindi naman ay sa gilid ng kanyang leeg.

Iba talaga ang amoy niya, alam mong hindi lang dahil sa pabango, hanggang sa kanyang balat ay nanunuot 'yon.

"Ugh..." mahinang daing ko.

She's my Uptown Girl (Stand Alone #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon