Mayo 18, 1896
Kasalukuyan akong patungo sa tahanan nina Binibining Cecilia upang makipag-usap sa kanya tutal kaarawan ko naman ngayon. Nakiusap kasi si Dante na gumawa ng paraan upang magkalapit silang lalo dahil natatakot siya kay Señor Agustin. Sinabayan ko na lamang. Batid ko naman na may surpresa lamang silang ginagawa. Uulitin ko, kaarawan ko ngayon.
Sa gitna ng pagbabiyahe ay nakarinig kami ng kakaibang dagundong mula sa labas ng aming sinasakyan. Tila lumindol. Kapwa namin ng kutsero na hindi alam ang nangyari.
Nang buksan ko ang bintana upang sipatin ay nabaling ang aking atensyon sa isang tao na balak sanang kumuha ng ubas subalit tila nag-aalangan. Inutusan ko si Mang Obet na bagalan ang pagpapatakbo ng karwahe at nahinto kami sa kanyang likuran.
Pagbaba ko ay natulala siya nang makita ako. Tinanong ko siya subalit nauutal-utal pa siya. Bakas ang kaba. Napansin kong ang kagutuman, kaya siguro nais niyang kumuha ng ubas. Niyaya ko siyang sumama sa akin dahil mukhang ilang araw na siyang walang tulog at pahinga.
Buong araw siyang tulog at inasikaso ko muna. Nakaaawa naman. Saglit siyang nagising at kataka-taka ang kanyang sinasabi. Alam niya ang lahat ng tungkol sa akin maging ang aking mga lihim. Binantayan ko muna siya dahil nais kong malaman mula sa kanya kung paano niya nalaman ang mga bagay na iyon.
Nang magising siya ay tila gulat na gulat siya. Hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Sa kanyang reaksyon ay nagiliwan ako sa kanya. Ngayon lamang ako nakakita ng babaeng talo ang lalaki kung kumilos. Kaso, bago ko pa man makuha ang pakay ko sa kanya ay tumakas sya.
Umuwi ako sa bahay. Sumalubong sa akin ang mga dismayadong mga mukha. Nakalimutan ko ang tungkol sa kanilang hinandang piging para sa akin. Ipinaliwanag ko ang nangyari. Nagtaka lang ako dahil wala man lang nakaisip na nasa tahanan ako nila Aling Clarita.
Nagtatampo man si ama ngunit sinabi na lamang niya na ililipat na lamang sa susunod na araw ang selebrasyon ng aking kaarawan. Ang dapat sanang kami-kami lamang ay naimbitahan pa ang ibang mga pamilya. Hindi na naiwasan dahil singbilis ng lintik na kumalat ang balita sa amin.
Nagulat ako nang malaman kong ang babaeng nakita ko pala ang anak ng mga Wilson. Ang akala ko'y hindi sila nagkaanak. Nang imbitahan sila ng aking ama ay naging abala ako sa aking pag-alis dahil kailangan ko nang magbalik sa Cuba bilang isang mediko-militar. Matatagalan pa ang aking pagbabalik kaya siguro ninais din nilang makasama talaga ako sa aking kaarawan.
Sa hindi inaasahang pangyayari ay lumalala sa hindi malamang dahilan ang sakit ng aking Ina. Nang dahil doon ay hindi ako nakabalik sa Cuba. Nagpadala na lamang ako ng sulat. Dahil sa labis na pag-aalala ay halos wala na akong pahinga. Nanaginip ako na ikinasal daw ako kay Binibining Catalina subalit naudlot sa hindi inaasahan.
Laking gulat ko nang malamang nagpakamatay ang aking ina dahil sa labis na kalungkutan. Napakahirap tanggapin dahil napakabuti niya at maging ako ay naguguluhan sa mga nangyayari. Hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon.
Ang kanyang huni ang nagsilbing bendahe sa nagluluksa kong diwa. Interes ang nagtulak sa akin, makilala lamang sya ang kanyang karagatan ng pagkatao. Ang linda (cute) pala nya kapag naiinis. Ang kanyang pagiging pikunin ang nagpapangiti sa akin.
Hindi naman talaga ako matampuhin subalit nang magtampo ako sa kanya ay nasisilayan ko ang kakaiba siyang inis na may halong ngiti. Nang dahil doon, nalaman kong hindi niya pala ako kayang matiis.
Synesthesia
Mayonnaise
01:07 ━━━━━●━━━━━━━━ 3:46
⇆ㅤㅤ◁ㅤㅤ❚❚ㅤㅤ▷ㅤㅤ↻
![](https://img.wattpad.com/cover/221989239-288-k793504.jpg)
BINABASA MO ANG
If You're Real Elegiac
Historical FictionRemorse and wakes up on the book she dreamed to be summoned. Date Started: February 1, 2020 Date Published: April 9, 2020 Date Finished: July 31, 2020 Date Completed: August 1, 2020 ©All Rights Reserved 2020 -Pahimakas: If You're Real-