"Heneral Cortez, ang heneral na tubong San Jose. Balita ko, isa siya sa pinakamagagaling na heneral sa buong Pilipinas dahil sa kanyang kakaibang taktika sa pakikipaglaban. Nang dahil doon, nakilala siya bilang Heneral Cortez.”
“ Anak siya ng isa sa pinakamayamang pamilya sa San Jose, ni Don Gracio Cortez. Ang pamilyang nagmamay-ari ng malawak na alagaan ng hayop at isdaan sa Dagat Binitawan.”
“ Balita ko'y sa gulang na tatlo ay marunong na siyang magbasa, magsulat at magaling mag-aritmetika. Hindi lamang iyon, nasaulo niya rin ang Doctrina Christiana at nag-aral ng pagsusundalo sa Europa.”
“Kinilala siya bilang isa sa pinakamagagaling at pinakabatang naging heneral nagmula rito sa Las Islas de Filipinas. Bukod sa guwapo, magandang pumorma at matalino..." paglalarawan ng mga nag-iinuman malapit sa akin.
"Bihasa rin siya sa paghawak ng armas at mukhang nasanay siya nang maigi ni Señor Gracio Cortez. Nang dahil roon ay kinilala siya bilang tirador de primera o Tiradores (magaling bumaril).
"Hayysssss, nasa kanya na ang lahat. Bukod pa roon maraming binibini ang nagkakandarapa sa kanya. Dala lamang iyon ng mamahalin niyang damit na binili pa mula sa Europa at magandang tindig na kinabbaliwan sa ilang kababaihan.”
“ Magaling din siya sa pakikipagtalastasan at may nakakahalinang boses. Bukod pa roon ay mayroon siyang meztisong balat at nakakabaliw na umiigting na panga." kinikilig na paglalarawan ng isang binibini.
"Naku, totoo iyan! Subalit ni isa ay walang siyang natagalan. Nagkaroon siya ng kasintahan sa bayan ng San Lorenzo, San Alfonso, San Diego, San Pascual, San Lazaro, San Francisco at ilan pang bayan sa nakapalibot dito, sa Kamaynilaan at sa ilang panig ng bansa. Maging sa Europa ay mayroon siyang naging kasintahan.”
“Bukod sa pagiging mujeriego (babaero) ay marami rin siyang alam na wika. Marunong siyang magsalita ng Ingles, Aleman, Latin, Tagalog, Mandarin, Pranses at Kastila." ani ng isa pa.
"Hindi kaya sa likod ng pagiging kagalang-galang, matipuno at bruskong katangian ay may tinatago siyang kababalaghan na pilit na ikinukubli sa karamihan?" palaisipang sabi ng isa.
"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ng isang babae.
"Naisip ko lamang na kung hindi siya nagkakaroon ng kasintahan sa edad niya ay hindi kaya siya ay may pusong mamon?" hula ng isa.
Hindi ko na matiis pa ang manatiling tahimik habang nakaupo't nakikinig sa kanilang usapan kung kaya't nagpasya na akong tumayo at balaan sila.
"Mga Ginoo't Binibini...." pagputol ko sa kanilang usapan. "Kung mahal pa ninyo ang inyong buhay ay mararapat na itikom na ninyo ang inyong mga bibig dahil malapit nang dumating ang heneral na inyong pinag-uusapan."
"At sino ka naman?" mataray na tanong sa akin ng isa sa mga binibining kasapi ng pulong.
"Ako?" napairap naman ako sa kawalan at binigyan sila nang nakakapanlisik na tingin sabay ngisi.
Nagkatinginan silang lahat sa akin. Bakas sa kani-kanilang mga mata ang inis sa aking pagsingit sa kanilang kwentuhan. Napakrus na lamang ako ng aking kamay at tumingin sa kanila ng normal.
"Ako lang naman ang personal na criada ng Heneral na pinag-uusapan ninyo." nakangisi kong sabi sa kanila.
Lahat sila'y napaurong nang sabihin ko iyon. Hindi lamang kasi ang heneral ang kanilang kinatatakutan kundi maging ako rin sa kadahilanang...
"I-ikaw ang p-personal na c-criada ng h-heneral?" kinakabahan at nauutal na sabi ng isang lalaki. "Ikaw sinasabi nilang matapang na....."
"Anong nangyayari rito?" hindi na natapos ng lalaki ang sasabihin niya nang magsalita mula sa aking likuran si Heneral Cortez.
Nang makita nila ang heneral ay agad silang nagsitayuan sa kanilang mga kinauupuan at yumuko sa heneral.
Lahat sila'y sabay-sabay na bumati sa heneral at nagsitakbuhan kaagad. Napatingin na lamang ako sa heneral nang dahil doon.
"Ano ang kanilang dahilan bakit sila nagsitakbuhan? Ayaw ba nilang masilayan ang napakaguwapo kong mukha? Hindi ba sila natutuwa na makakita ng perpektong tao?"
Heto na naman tayo. Kabuwisit! Tss.
“Let every laws be implemented and shall be follow so that, we can have a peace nation.”
IKALAWANG KABANATA NG PAHIMAKAS
MALAPIT NA!
BINABASA MO ANG
If You're Real Elegiac
Historical FictionRemorse and wakes up on the book she dreamed to be summoned. Date Started: February 1, 2020 Date Published: April 9, 2020 Date Finished: July 31, 2020 Date Completed: August 1, 2020 ©All Rights Reserved 2020 -Pahimakas: If You're Real-