Pahina V

417 26 2
                                    

ᜉᜑ̊ᜈ 5


IMPOSSIBLE

PAPAANO NANGYARI YUN?

Nagbasa lang ako tapos nandito na ako? Saka ko na pala iisipin yun kapag tapos na ako sa panibago kong problema. Nang makatakas ako sa bahay nila Aling Clarita at Mang Obet, napadpad naman ako sa ubasan. .

Habang ako'y walang tigil sa aking pagtakbo ay nauntog ako sa isang matigas na bagay. Katawan yata to ng isang malaking tao. Lumingon ako at nakumpirma kong malaking mama nga ang nadali ko.

"SINO KA?"

Napatingala na lang ako sa kanya at nakita ko ang isang matangkad na lalaki na maputi. May balbas sya at may malaking katawan. Nakasuot sya ng Americana, kilala ko na kung sino ito.

Ang may-ari ng ubasan, si Mr. Maxjames Edward Wilson, isang Amerikanong nanirahan dito sa Pilipinas dahil naririto ang kanyang asawa at lupain. Marunong syang magsalita ng English, Tagalog at Spanish kung kaya't hinahangaan sya ng mga tagarito.

Bibihira lang kasi ang may alam ng maraming wika at diyalekto kung kaya't pag marunong ka sa maraming wika, kinagigiliwan ka. Sa kasalukuyang panahon at sa tunay na mundo, kapag magaling kang mag-Ingles, matalino ka. Sucks!

"Marahil ay isa kang magnanakaw!" Grabe!

Agad nyang hinawakan nang mahigpit ang aking braso at kinaladkad nya ako. Sobrang lakas nya at di ko magawang makawala sa pagkakahawak nya.

Di lang pala sakit sa paa ang mararanasan ko dito, pati na ang sakit sa kamay at mga braso. Pinipiit kong magpumiglas sa pagkakahawak ng lalaking to.

Akala ko ba mabait to?

••••

Dinala nya ako sa isang bahay na Spanish style. Malaki ito at kasya ang  halos mga labing-walong ka-tao kung gagawin itong paupahan. Hindi mo aakalaing dadalawa lang ang nakatira dito at may iilan lang na mga trabahador. Maganda ito subalit mapapansin mo ang kalungkutang bumabalot dito.

"Bitawan nyo po ako!" sigaw ko habang nagpupumiglas sa pagkakahawak nya.

"Isa kang magnanakaw! Dapat kang parusahan!"sigaw nya din sakin.

" ANO BA!!!!" sigaw ko. Hindi ako nagpatalo sa kanya. Pinilit kong makawala sa pagkakahawak nya. Nagpalitan lamang kami ng sigaw habang paulit-ulit at pilit kong tinatanggal ang kamay  nya. Balak nya yata akong dalhin sa isang puno para itali.

Pwes, hindi ako papayag!

"Mahal?" isang mayuming tinig mula sa isang babaeng nasa bintana na sa ami'y nakasilip. Napatingin naman si Mr. Edward sa bintana kung saan naroroon ang babae.

"Manatili ka lamang diyan sa loob, Mahal." utos ni Mr. Edward.

"Anong ginagawa mo kay Vionne?" tanong ng babae.

Teka,

Vionne?

Siguro sya si Mrs. Maria Rosa Wilson, ang asawa ni Mr. Edward Wilson. Naalala ko, sinabi lang sa kwento na matapos ang isang taon ng kanilang kasal ay biniyayaan sila ng isang anak na babae.

Si Vionne na isang masakitin ang dalaga kung kaya't pumanaw ito noong sya ay eighteen years old. Two years na ang nakakalipas subalit di parin yata makamove on si Mrs. Wilson kung kaya't nagbago sya at nabaliw.

Dahil ayaw mapahiya ni Mr. Edward ng kanyang maybahay, itinago nya ito sa loob ng bahay at hindi hinayaang makalabas. Kaedad ko lang sya kaya siguro tinawag nya akong Vionne.

If You're Real ElegiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon