Hindi ko alam na mangyayari ito sa buong buhay ko. Parang kailangan lang nasa real world pa ako tapos ay nangangarap, nakikipagtalo pa kay Med dahil asawa ko si Mateo at nakikipag-agawan. Tapos, nakarating na ako rito. Hinahanapan pa niya ako ng singsing at ngayon, pinagmamasdan ko ang singsing na nasa palasingsingan ko.
Sigurado akong maiinggit sa akin ang kapwa Wattpad reader dahil sila, nakikipag-agawan pa sa mga may partner na bida pero ako, ngayon, ikakasal na.
Tagpuan
Moira Dela Torre
01:07 ━━━━━●━━━━━━━━ 3:46
⇆ㅤㅤ◁ㅤㅤ❚❚ㅤㅤ▷ㅤㅤ↻
Ngayon totoo na, nangyari na. Totoong-totoo na! Hindi ko maipaliwanag ang labis-labis na kasiyahan sa aking puso. Suot ko ang napakagandang asul na wedding gown na Filipiñana ang estilo.
Sakay ng karwahe ay bumaba ako nang gaya sa isang wedding car at nagtungo sa harapan ng pintuan. Natatawa na lamang ako sa sarili ko dahil ngayon ay ikakasal na ako't nanginginig pa ang aking mga kamay hawak ang isang palumpon ng bulaklak na santan.
Naalala ko pa noon, napapanaginipan ko lamang ang mga sandaling ito. Napapasana ol lang ako sa mga wedding na traditional ang style pero heto ako, hindi lang traditional kundi nasa past at nasa loob ako ng kwento.
Napapikit ako, naramdaman ko na lamang na bumukas ang pintuan ng simbahan. Ang mga baging na pinalamutian ng mga nagpuputiang mga sampaguita ay malugod akong sinalubong at naghasik ng halimuyak. Pagmulat ko ng aking mga mata na sinaliwan ng isang matamis na ngiti ay napuno ng mga luhang kanina ay mga butil-butil pa lamang nang makita sina Paz, Juana, Isabel, Aling Clarita, Iza, Cecilia, Dante, Donya Rosario at Donya Rosa, si Don Simon, Don Concepcion, Donya Magdalena, Don Agustin, Donya Dolores, Kuya Pedro, Lolo Baste, Mikoy, at mag-aamang Cortez.
Naimagine ko naman sina Melvin, Nene, Bernardo, Bernaldo, at lalo't higit, si Lucas na nakangiti sa akin. Lahat sila ay tuwang-tuwang makita akong suot ang wedding gown ko at ikakasal na kay Mateo.
Nang ipikit ko't iminulat muli ang aking mga mata ay nakita ko na lamang sina Ginoong Blythe, Joberto, Gobernador Fernandez, Donya Florentina, Bilog, Kuya Kiko, Ate Luisa, Carlo, at iba pang mga kaibigan suot ang kani-kanilang barong tagalog at baro't saya na hinabi ng mga naggagalingang mga mananahi ng mga dating naglilingkod sa mga Perez.
Habang dahan-dahan akong naglalakad sa pasilyo ng simbahan ay binabalot ang paligid ng musika. Binabalot ang buong simbahan ng nakakabighaning tunog ng piyano't biyolin. Hiniling ko na ang gawing awit-pangkasal ay Tagpuan by Moira na siya namang kanilang sinunod. Ang aking mga balahibo'y tumindig dala ng kakaibang pakiramdam.
BINABASA MO ANG
If You're Real Elegiac
Historical FictionRemorse and wakes up on the book she dreamed to be summoned. Date Started: February 1, 2020 Date Published: April 9, 2020 Date Finished: July 31, 2020 Date Completed: August 1, 2020 ©All Rights Reserved 2020 -Pahimakas: If You're Real-