If You're Real
Kinabukasan ay muli na namang bumalot sa buong San Jose ang takot at pangamba. Sa hindi malamang dahilan, tumunog na naman ang kampana. Dinala kami ng aming pagtatanong sa simbahan.
Hindi ko mapigilang mapahawak sa aking bibig nang makita ko ang isang babaeng nakabitin sa mismong krus ng simbahan. Nakabigti sya doon at wala nang buhay habang tumutulo ang kanyang dugo sa lupa.
Nakasuot sya ng itim at may suot na krus sa dibdib. Doon ko napag-alamang isa pala syang madre. Naalala ko na, siya yung madreng bumangga sa akin noong nakaraang linggo.
Siya yung nagmamadaling umalis at parang hinahabol ng kung sino man noong bagong palang ako dito.
Kasabay nang pag-iyak ng ilang madre at pagdarasal ng ilang kasama namin ang di inaasahang pagdating ni Mang Obet na bigla akong kinabahan sa kanyang pagdating.
Nakita ko siyang may tumutulong luha sa kanyang mga pisngi at tila nagluluksa. Agad ko syang nilapitan para tanungin.
"A-ano pong nangyari?"
"S-si...s-si.... Maria po kasi, B-binibini..." pautal-utal nyang sagot sa akin at hingal na hingal.
"Ano pong meron kay Maria? Sino pong Maria?" nag aalala kong tanong.
"Nakita pong wala nang buhay si Maria Juana..." nanginginig na balita sa akin ni Mang Obet habang hindi mapigilang umiyak.
Namilog ang aking mga mata at tila binuhusan ako nang malamig na tubig nang marinig ko ang balitang iyon. Jusko!
Ang pinakamasayahin at ang pinakapaborito ni Mateo na anak nila Mang Obet at Aling Clarita.
Agad kaming tumakbo papunta sa lugar nang pinangyarihan. Dinala ako sa isang pamilyar na lugar. Ang lugar kung saan kami hinulog ng kalabaw-ang maliit na pond.
Nakita ko ang kalunos lunos na sinapit ng munting bata. Napaluhod na lang ako sa lupa sa nangyari sa kanya. Duguan sya at puno ng pasa ang buong katawan.
Kitang kita ang mga pambubugbog na ginawa sa kanya. Nakataas din ang kanyang palda at nakumpirma kong ginahasa muna siya bago pinatay.
Lumapit ako sa katawan ng bata at hindi ko napigilang mapaluha sa kanyang sinapit. Jusko! Sinong demonyo ang gagawa nito sa isang bata? Napakabait pa naman nya.
Hinawi ko ang kanyang buhok at nakita kong may bahid ng tali sa kanyang leeg. Tila sinakal. Pinagmasdan ko ang mga mata nya na noo'y nakapikit at napansin ko ang natuyong luha sa kanyang mga mata. Tila hindi nya nakayanan ang tindi ng hirap na kanyang sinapit.
"Kahapon.....pa po....siya ng umaga... nawawala." paputol putol na sabi sa akin ni Aling Clarita na noo'y nakayakap sa bangkay ng anak.
"S-sinong may gawa nito?" nanggigigil kong tanong.
" Hindi po namin alam." at bigla syang napahiyaw sa labis na pagdurusa.
"Natagpuan na lang po namin siya kanina dito. Tila kahapon pa siya tinapon dito." sabi ng isang magsasaka.
Imposible yun dahil wala namang bangkay kahapon nung nahulog kami. Kaya siguro biglang nataranta ang kalabaw kahapon at tumakbo kaagad ay dahil nakita nya ang bangkay. Pero imposible naman yun dahil dapat naamoy namin yun, umaalingasaw ang amoy ng isang bangkay.
••••
"Noong nakaraang linggo si Donya Rosario, ngayon naman dalawang bangkay ang natagpuan." sabi ng isang chismosa. Matiyaga ko lang silang pinakikinggan habang nasa malapit lang ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/221989239-288-k793504.jpg)
BINABASA MO ANG
If You're Real Elegiac
Ficción históricaRemorse and wakes up on the book she dreamed to be summoned. Date Started: February 1, 2020 Date Published: April 9, 2020 Date Finished: July 31, 2020 Date Completed: August 1, 2020 ©All Rights Reserved 2020 -Pahimakas: If You're Real-