Pahina XXXV

148 8 6
                                    

Dedicated to: RebeccaNoblezala 

Kitang kita ko sa mata ni Lucas ang matinding nararamdamang lamig buhat nang lusungin niya ang malakas na ulan. Agad naman siyang binigyan ng tuwalya at inuming mainit ng mga katulong.

Agad akong nagtungo sa silid ni Ginoong Blythe upang pahiramin siya ng damit. Nabasa kasi lahat ng dinala niya. Naawa naman kasi ako sa tao. May pinagsamahan naman kami.

Habang nakaupo kami sa sala, nasa kanya-kanyang silid na sina Ginoong Blythe, Nene at mga katulong ay akin munang kinausap si Lucas. Si Mateo naman ay nasa upuan at doon nakahiga. Hindi ko alam kung tulog na ba siya o baka gising pa. Nagpapainit ngayon si Lucas nang maisip ko siyang tanungin.

"Anong naisip mo't ika'y lumusong kahit na malakas ang ulan sa labas? Hindi mo man lang hinintay na tumila ang ulan."

"Galit ka ba? Salamat sa pag-aalala mo, Mahal. Ngunit bago ko sana sagutin ang iyong katanungan ay maari mo ba akong ipagtimpla ng kape?" nang sabihin niya iyon ay narinig ko na lamang na umubo yung isa. Agad naman akong tumayo at nagtungo sa kusina upang ipagtimpla siya ng kape.

"Alas-onse na rin kasi nang makadaong ang sinasakyan naming barko patungo rito at wala akong mahanap na bahay-panuluyan (hotel) kung kaya't kahit malakas ang ulan ang agad akong nagtungo rito." sagot niya at hindi ko akalaing sumunod pala siya sa akin.

"P-papa'no mo nga pala nalamang naririto ako?" aking tanong sa kanya. "Nagpadala ako ng liham kay Ginoong Blythe at sinabi niyang huwag kong sasabihin sa iba na ako'y patutungo rito."

"Pa'no nga pala ang trabaho mo? Hindi ka ba mapapagalitan ni Don Agustin?" muli kong tanong sa kanya. "Naroon naman si Koronel at ako na lamang bahala kay Don Agustin basta't ang mahalaga'y maibalik na kita sa inyong tahanan. Labis na ang pag-aalala ng iyong mga magulang lalo na ni Donya Rosa. Maging ang ina ni Binibining Nene ay ganoon din ang nadarama."

"May balita na ba sa pagkamatay ni Paz? Ni Maria Juana? O kahit ang mga magulang man lang nila Mateo?" bulong kong tanong sa kanya. "Bakit ka naman bumubulong?" tanong naman niya. Agad naman akong napalapit sa kanya nang kaunti at napansin kong biglang nag-iba ng pwesto si Mateo. May baliw na namang pumaparaan-paraan.

"Nakikiusap ako sa iyo na huwag na huwag sasabihin kay Mateo ni kay Melvin ng tungkol sa nangyari sa kanilang ama. Ako na lamang ang bahalang magsabi noon sa kanya." bulong kong sagot.

"Masusunod. Ang sagot sa iyong katanungan ay may mga nakausap na kaming saksi at sa ating pagbabalik ay posibleng malaman na natin ang mga may sala."

"Sige, maraming salamat sa iyong pagpapaalam." sabay tayo ko ngunit pinigilan niya ako nang hawakan niya ang aking kamay. Bigla namang nag-iba nang pwesto si Mateo. "May sakit ka ba ngayon?"

"Wag mo na lamang pansinin, Ginoo. Malalim na ang gabi, matulog na tayo." sabay alis ng kanyang kamay sa akin ring kamay. Nang madaanan ko ang kinahihigaan ni Mateo ay agad ko siyang pinatid at bigla naman siyang napabangon. "Bakit mo ako pinatid?"

"Patawad, nangyari na e." sabi ko. Natawa naman ako dahil nagawa ko rito ang nabasa kong kwento sa Wattpad.

Habang paakyat ako ng hagdan ay nagbalik lamang ang sakit. Ang drama ko, jusko! Bakit ba kasi siya nagpakita pa? Bakit ba siya bumalik pa? Kung kailan masaya na ako, sisirain na naman niya.

-•••-

Ginising kami ng ingay ng banda na naglilibot sa buong bayan. Oo nga pala, ngayon nga pala ang araw ng Pista sa bayang ito. Agad kaming nag-ayos ng sarili upang magsimba. Umuwi na kaagad si Mateo at hindi man lamang nakapagpaalam.

If You're Real ElegiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon