ᜉᜑ̊ᜈ 10
"TIKTILAOOOOOOKKKKKKK!!!!!!!!!!"
Sigaw ng tandang na alaga ni Don Sicario. Mahilig kasi syang mag-alaga ng tandang at ipangsabong. Buti na lang hindi ganito si Papa. Halos ituring na kasi ng ilang mga mananabong ang kanilang manok na bilang sarili nilang anak. Mas matindi pa nga sa isang anak.
Tilaok ang manok ang nakakasawang palaging simula ng isang kwento. Kung hindi tilaok ng manok, alarm o nanay na mahilig mnggising.
"TIKTILAOOOOKKKKKK!!!!!!"
Isa pang tilaok ng mga manok na to, gagawin ko tong tinola! Pakialam ko kung sino ang mga may-ari, nakakabwisit ang mga tilaok nila.
Nandidito ako ngayon sa kusina habang hinahalo ang niluluto kong arrozcaldo o lugaw. Maganda kasing pinaghahandaan ang maysakit ng lugaw bilang pampainit ng tiyan.
Pag may sakit kasi ako, ako na mismo ang nagluluto para sa sarili ko. Hindi ko naman maasahan si Mama pagdating dito. Sinearch ko na nga lang sa internet kung paano magluto nito e.
Pinagtimpla ko naman sina Don Simon at Mateo ng kape. Humingi naman ako ng gatas mula sa alagang baka ni Mang Obet para kay Melvin.
Gwapo naman si Melvin at matangos ang ilong. Manang-mana kay Don Simon. Pinabatang version sya ni Mateo. Sino kayang maswerteng dalaga ang mapapangasawa ni Melvin? Hindi ko pa kasi alam kung anong characteristics nya dahil ngayon ko palang sya nakasama.
Nagpunta ako sa mesa at naabutan kong nagbabasa ng dyaryo si Don Simon. Inabot ko sa kanya ang kapeng ginawa ko at malugod nyang tinanggap. Saktong pagdating ni Melvin ay inabot ko sa kanya ang gatas na ininit ko. Buti naman at nasarapan sya.
Hinanap ng mga mata ko si Mateo. Nasaan kaya sya? Baka lumamig na tong kape na ginawa ko. Malamig pa naman at kita ko pa ang mga hamog na bumabalot sa labas kaya madaling lumamig ang tubig. Naalala ko tuloy nung first time kong naligo dito.
"Pabigay na lang po nito kay Ginoong Mateo kung dumating po sya." pakiusap ko kay Don Simon. Tumango naman sya at nagpunta ako sa niluluto ko. Tinanggal ko sa lutuan ang kaldero na pinaglulutuan ko ng lugaw.
Nahihirapan lang ako sa lutuan dito dahil tatlong batong malaki na nakapatong sa mukhang deck ng kusina na maliit na version ng Stonehenge.
Sa gitna ng tatlong batong yun nilalagay ang uling o kahoy saka papaliyabin at ipapatong sa tatlong bato ang paglulutuan gaya ng kaldero, kaserola at kawali.
Kumuha ako ng lugaw at nilagay sa maliit na mangkok saka pumunta sa kwarto ni Donya Rosario. Naabutan ko syang nakapikit at nakahiga pa rin.
"Tama na!!!!!" bulong nya habang pilit na pinoprotektahan ang sarili. Mukhang binabangongot sya. Dali-dali akong lumapit sa kanya at pilit na ginigising. Baka mamatay sya sa bangungot!
Matapos ang ilang beses na panggigising ay nagising naman sya. Niyakap ko sya para naman kumalma sya sabay dahan-dahang hinawakan ang likod nya.
"Ayos na po, ligtas na po kayo." bulong ko sa kanya. Napakalma ko naman sya kahit papaano.
Pagkatapos ko syang pakalmahin ay sinubuan ko naman sya ng lugaw. Buti na lang at hindi sya mapilit kaya madali ding naubos ang lugaw.
"Ikaw ba nagluto nito, hija?" tanong nya sa akin. Binigyan ko sya ng ngiti bilang sagot.
"Mukhang magiging maswerte sa iyo ang iyong magiging asawa. Kay sarap mong magluto!" puri nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/221989239-288-k793504.jpg)
BINABASA MO ANG
If You're Real Elegiac
Historical FictionRemorse and wakes up on the book she dreamed to be summoned. Date Started: February 1, 2020 Date Published: April 9, 2020 Date Finished: July 31, 2020 Date Completed: August 1, 2020 ©All Rights Reserved 2020 -Pahimakas: If You're Real-