Ang Pahinang ito ay naglalaman ng magkahalong totoong nangyayari at kathang isip na mga elemento upang magsilbing temang pangpagsasalaysay.
________________________________________
Agosto 1896
MaynilaPadre Mariano Gil's POV:
Ako si Padre Mariano Gil, ang kura paroko ng bayan ng Tondo sa Maynila. Ako ay patungo ngayon sa gobernador-militar upang magbigay suhestiyon tungkol sa aking mga nalalaman. Hindi ko gusto ang ugali ng gobernador. Masyado siyang mayabang! Hindi siya marunong makinig sa akin!
Buenas Dias, Padre! bungad na bati sa akin ni Heneral Echaluce, ang gobernador-militar ng Maynila. Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?
Narinig mo na ba ang mga bali-balitang may paghihimagsik na binubuo ang mga Indio, siguro naman hindi ka naman tanga. sagot ko.
Padre, iyon ay haka-haka lamang. Nasa maayos na ang buong Kamaynilaan. Tutal, napatapon na si Rizal sa malayo kung kaya't huwag ka nang mangamba pa. tugon naman niya na akin namang ikinainis.
MAY ALAM AKO TUNGKOL SA LIHIM NA PAG-AAKLAS NG MGA INDIO! sigaw ko sa kanya.
Kung may alam pala kayo, nasaan ang inyong patunay? mapanghamon niyang tanong sa akin. Saglit akong napatigil.
W-wala pa. Wala pa. tugon ko.
Wala pa, kung gayon ay magbalik na lamang kayo sa inyong parokya at kayo'y maghanda sa inyong misa. Wala akong oras na makipagbiruan dahil ako'y abala sa aking mga ginagawa. mapang-insulto niyang sabi sa akin kasabay ng pagtawa ng ilang nasa loob ng kanyang silid.
Humanda kayo sa akin kapag may nalaman ako tungkol sa lihim ng mga Indio. Ako ay isang pari na tagapagpadala ng mensahe ng Dios! Dapat kayong maniwala sa aking mga sinasabi dahil kanya kayong paparusahan sa inyong katangahan! pagbabanta ko sa kanila. Isa akong kura, imbis na ako'y kanilang igalang ay ipinahiya pa nila ako.
Dahil sa inis ay agad akong lumabas sa silid na iyon subalit hinarangan ako ng mga salita ni Heneral Echaluce.
Uutusan ko na lamang ang aking mga tauhan na mag-ingat na lamang nang manatili ang katahimikan at kapayapaan sa buong Kamaynilaan at maging sa buong bansa. pagkasabi niyang iyon ay agad ko nang nilisan ang silid.
Humanda sila sa pagpapahiya sa akin!
Third Person's POV:
Limbagan ng Diario de Manila
May dalawang trabahador ng limbagan ang nag-uusap habang kapwa nagpapahinga. Sila'y kakagaling lamang sa pagtatrabaho. Ito ay sina Apolonio dela Cruz at Teodoro Patiño na kapwa kasapi ng Katipunan.
Apolonio, natanggap mo na ba ang iyong sahod? tanong ni Teodoro.
Oo, kaibigan. Natutuwa ako dahil malaki ang sinahod ko ngayon. Hindi katulad noong nakaraan. sagot ni Apolonio.
Ano? Bakit sa akin ay ganoon pa rin? Bakit mas mataas ang iyong nasahod? Ano bang ginawa mo? nagtatakang tanong ni Teodoro.
Hindi ko sasabihin. nakangising sagot ni Apolonio na siya namang ikinainis ni Teodoro. Agad niyang sinuntok ito sa mukha na siyang ikinatumba ng kanyang kaibigan.
HINDI MAAARI ITO! PARE-PAREHO LAMANG TAYONG NAGTATRABAHO SA LIMBAGANG ITO AT PAREHO RIN TAYO NG GINAGAWA SUBALIT BAKIT SA IYO AY MAS NAKAKAHIGIT SA AKIN? gigil na sabi ni Teodoro habang tumayo naman si Apolonio mula sa pagkakatumba sabay punas ng dugo mula natamong suntok.
KASALANAN MO RIN NAMAN! NASAAN ANG MGA NAWAWALANG GAMIT DITO SA LIMBAGAN? sabi ni Apolonio subalit hindi na siya pinakinggan ng kaibigan bagkus ay padabog itong lumabas ng gusali.
![](https://img.wattpad.com/cover/221989239-288-k793504.jpg)
BINABASA MO ANG
If You're Real Elegiac
Ficción históricaRemorse and wakes up on the book she dreamed to be summoned. Date Started: February 1, 2020 Date Published: April 9, 2020 Date Finished: July 31, 2020 Date Completed: August 1, 2020 ©All Rights Reserved 2020 -Pahimakas: If You're Real-