Magbubukang liwayway pa lamang nang kami'y magising. Pinagtimplahan ko sila ng kape, ang kapeng sikat sa Batangas, ano pa ba kundi ang kapeng barako. Nagluto rin ako ng sabaw na mabisang pampatanggal ng hangover.
Napansin kong sila'y inaantok pa't mukang may tama pa kaya inalaalayan ko si Lucas na maupo sa upuan habang nakayanan namang umupo ni Don Felix. Natatawa pa si Don Felix nang ilagay ko sa kanyang harapan ang tinimpla kong kape. Napatingin siya sa akin at maging kay Lucas bago tuluyang ininumang timpla kong kape.
"Matagal-tagal na rin magmula nang pagtimplahan ako ng isang binibini. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa aking ang pait ng kahapon." Maluha-luhang sabi ni Don Felix pagkatapos niyang inuin ang aking kape.
Balak ko pa sanang magtanong subalit tumingin sa akin si Lucas at nagtanong.
"Maganda ba ang iyong gising?" nakangiti niyang tanong sa akin. napatitig lamang ako sa kanyang ngiti na tila nagbigay pa lalo ng ganda ng aking umaga.
"Syempre naman, ginoo." Aking tugon.
"Mabuti naman kung gayon. Pagkatapos nating kumain ay magtutungo tayo sa kanluran upang puntahan ang lawa. Doon tayo'y mangingisda at maliligo." Napatango naman ako at sabay naming hinigop ang aming kape.
—•••—
Pagkatapos naming kumain ay naligo ako kaagad pero hindi ko na tinagalan lalo pa't maliligo naman mamaya. Naghanda na rin ako ng aking susuutin at sobrang damit. Nang matapos ako ay naabutan kong bihis na sina Don Felix at si Lucas.
Kapwa sila nakasuot ng kamesa at gora (sumbrero). Sakay ng karwahe ay tinungo namin ang ibabang bahagi ng Baryo Villa Kiran o ang Ambulong [ngunit sa kasalukuyan, ito ay baranggay ng Wawa na ngayon]. Nadaanan namin ang mapunong lupain ng iba't-ibang baryo. Nadaanan din namin ang bahay nila Apolinario Mabini sa Talaga.
Itinuro iyon sa akin ni Lucas at kanyang ipinagtaka kung paano ko nakilala ang pamilyang Mabini gayong ako'y kararating pa lamang sa bayang ito at wala siyang nababanggit na may Mabini-ng tagaroon. Nagpalusot na lamang ako na hula ko lang.
Alas-nuwebe kami nakarating sa tabing-lawa ng Taal. Nanuluyan kami sa isa sa mga kubong nakatayo malapit sa lawa. Doon ko nakilala ang pamilya Batumbakal. Ang pamilya nila ay naglilingkod sa hacienda Famodulan ngunit napapaisip lamang ako dahil napakalayo ng kanilang tahanan sa Haciendang nasa kabilang baryo pa.
Agad akong sinama ni Lucas sa lawa at kapwa kami sumakay ng bangka. Nagpalinga-linga lamang sa buong paligid at hindi ko mapigilang hindi mamangha sa aking natatanaw.
Namangha ako sa ganda ng lawa at tanaw na tanaw ko ang Tagaytay. Malinaw ang tubig at may isda pa kaming nakikitang lumalangoy.
"Mukhang napakasaya mo ngayon." Nakangiting sabi sa akin ni Lucas.
Ako lama'y napatakip ng aking pamipe at napaiwas ng tingin. Hindi ko kasi mapigilang hindi kiligin sa aking nakikita. Bakat na bakat ang kanyang makisig na pangangatawan sa kanyang suot.
"Huwag mong itago ang iyong napakayuming mukha sa mapapangasawa mo." Hindi ko na naman mapigilang hindi mapatili nang palihim.
"Huwag mo na lamang isipin ang pagdadrama kanina ng aking tiyo. Hanggang ngayon kasi ay nangungulila pa siya sa kanyang dating kasintahan." Sabi niya.
Napaisip naman ako kung sino kaya ang nagsayang ng gracia. Napakaguwapo naman ni Don Felix, mayaman tsaka mabait ngunit nagawa pa ring sayangin. Napapaisip tuloy ako habang inaalala ang mga sandaling sinasabi ni Don Felix ang tungkol sa kape.
"Mas pinili kasi noon ng aking tiyo na magparaya para sa kanyang minamahal. Pinili ng kanyang dating nobya ang isang normal na lalaki at maging masaya sa piling nito." Pagtutuloy ni Lucas.
![](https://img.wattpad.com/cover/221989239-288-k793504.jpg)
BINABASA MO ANG
If You're Real Elegiac
Fiction HistoriqueRemorse and wakes up on the book she dreamed to be summoned. Date Started: February 1, 2020 Date Published: April 9, 2020 Date Finished: July 31, 2020 Date Completed: August 1, 2020 ©All Rights Reserved 2020 -Pahimakas: If You're Real-