"Ang bulag ay siyang nakakakita, ang bingi ang siyang nakakarinig, ang manhid ang siyang nakakaramdam at ang nagsisinungaling ang siyang nagpapatotoo. "
__________________________________
Hindi ko talaga ine-expect na darating sila ngayong araw. Pagbaba nina Don Edward at Donya Rosa ay agad akong niyakap ni Donya Rosa. Napayakap na rin ako. Namiss ko rin naman sila.
"Do you miss me?" tanong niya sa akin sabay himas sa aking buhok. Napatango na lang ako nang dahil doon.
"Napaaga po yata kayo." sabay ngiting pilit. "Hindi kami maaaring mawala sa unang fiesta na kasama ka namin." sagot ni Donya Rosa habang pumapasok kami sa loob at nakakapit siya sa aking braso.
Sinabi niya sa akin ang kanilang paglalakbay at may kasama silang tagagawa ng wine. Sa susunod daw na buwan ay magpapatayo na raw sila ng pagawaan ng grape wine. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Mateo na posibleng hiranging Vino Capital de los Filipinas ang San Jose kapag naitayo na ang aming pagawaan.
Nautusan ako ni Donya Rosa na magtungo sa Hacienda Villanueva para ibigay ang pasalubong nila. Sa aking paglalakad ay nakarating ako sa mapunong bahagi ng hacienda nila Cecilia. Naliligaw yata ako huhu..
Nakarinig ako ng dalawang tao na nag-uusap. Boses ng isang babae at lalaki pero parang pamilyar. Nagtago ako at nakita ko si Cecilia na may kausap. Hindi ko makita ang lalaki dahil nakaharang ang isang halaman sa kausap niyang lalaki.
"Huwag mo kong iwan. Mahal na mahal kita." pagmamakaawa ni Cecilia. Umiiyak siya at napaluhod sa lupa. "Ako na lang ang mahalin mo."
Pinatayo siya ng lalaki at niyakap. Natahimik na lang ako dahil kilala ko na kung sino ang kausap niya.
Ano bang nangyayari sayo self? Bakit parang affected ka? Simula pa noong una, alam mo nang hindi ko pwedeng mahalin ang isang fictional character. Imposible yun.
Umiba ako ng daan at nakita ko na rin sa wakas ang daan patungo sa tahanan ng mga Villanueva. Pinapasok nila ako sa loob nang makarating ako. Tuwang-tuwa sila nang malamang dumating na ang mga Wilson.
Pag-uwi ko ay dumating si Mateo kasama si Paz. Hindi ko pinansin si Mateo dahil masama ang loob ko dahil sa nangyari kanina.
"Buenas Dias, Binibini Ganda!" bati sa akin ni Paz at agad ko naman siyang kinarga at hinalikan sa pisngi. Napakacute talaga niya.
"Tila hindi maganda ang iyong gising." sabi sa akin ni Mateo pero hindi ko pa rin siya pinansin. Niyaya ko siyang pumasok sa loob at sumunod naman si Mateo.
"Binibini, nais namin kayong makasama ni Kuya Mateo na maglakad-lakad sa Hacienda Villazamora." sabi sa akin Paz. Pumayag naman ako at ipinagpaalam naman ako ni Mateo kina Don Edward at Donya Rosa at pumayag naman sila.
Narating namin ang hacienda Teodoro at nakita ko si Nene na may kasamang ibang babae na tila mga kaibigan niya. Binati nila kami nang kami'y kanilang nakasalubong at sinuklian din namin sila ng pagbati.
Pinakilala sila sa akin ni Nene. Ang babaeng medyo maharot ay si Esmeralda habang ang mayumi naman ay si Esperanza. Patungo daw sila sa Hacienda Monteveros upang bisitahin ang kani-kanilang nobyo. Hindi naman nila sinabing nobyo pero alam ko namang iyon ang kanilang ipinunta.
Nagtungo na kami sa Hacienda Villazamora na puno ng taniman ng tubo. Nakilala ko si Stella at nagpaalam si Mateo na ilibot kami sa kanilang hacienda. Pumayag naman ito.
Tinungo namin ang tubuhang bahagi ng hacienda at narating namin ang isang bahagi na may manikaryang paikot. Naabutan namin ang dalawang lalaki na abala sa pagpapaikot sa kalabaw.
BINABASA MO ANG
If You're Real Elegiac
Ficción históricaRemorse and wakes up on the book she dreamed to be summoned. Date Started: February 1, 2020 Date Published: April 9, 2020 Date Finished: July 31, 2020 Date Completed: August 1, 2020 ©All Rights Reserved 2020 -Pahimakas: If You're Real-