Pahina II

883 31 13
                                    

ᜉᜑ̊ᜈ 2

Di pa rin maalis sa isipan ko yung biglang paglitaw ng sulat sa papel ko kagabi. 

Hayyyssst... Baka pagod lang talaga ako. 

Puyat lang yata. Ikaw ba namang matulog ng alas-3 at magising ng maaga, aba! Don't touch me, I'm immortal. 

Nagising na lang ako sa katotohanan na nakasakay nga pala kami ngayon ng tren. Kasama ko si Med para lang pumunta sa mall. Bibili daw sya ng libro, sana ol!

Buti na lamang ay napakaunti ng tao dito. Maluwang at sarap na sarap ako sa pag-upo dito sa upuan na balot ng plastik. Halos wala pa nga yata kami sa sampu dito.

Sa paglilibot-libot ng mga mata ko, di ko maiwasang magtaka at maawa. Nakakaawa ang kalagayan ng tren na to. Sa tingin ko, kailangan nang ipagawa ang tren na to. Nangangalawang na yung hawakan, putol-putol na yung sabitan ng kamay kapag nakatayo ka at yung foam ng upuan, sira na din. Sino ba kasing isip-aso na kakagatin tong foam ng upuan. Hindi naman to mukhang diaper.

Nabaling ang atensyon ko kay Med na nasa tabihan ko lang. Medyo umiwas ako ng tingin nang mapansin kong palinga-linga sya at nagcross pa sya ng paa habang nagbabasa na naman sa wattpad. Napapansin ko na parang ayaw ipakita sa iba ang binabasa nya. Ano na naman kayang kagagahan ang sumanib dito at ganito to?

Nagpalinga-linga na naman sya. Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan. Di nya yata pansin na katabi nya ko. Hello, di ako multo. Pagkatapos ng paglinga-linga ay pinagpatuloy ang pagbabasa. Ano ba kasing binabasa ng bruhang to? Sa inis ko...

"Cathy!!!!" sigaw nya habang inaagaw sakin ang cellphone nya. Ako naman, tudo layo sa kanya ng cellphone, nariyan ang pag angat ko papalayo sa kanya. Pagtago sa likod ko. Paglalagay ko sa pwetan ko.

"Ano ba tong binabasa mo?" naiiritang kong tanong at binigyan ko sya ng humanda-ka-sakin-pag-kahayupan-to-look. Napatigil lang sya at pinaglaruan ang mga daliri nya. Tss, bata.

"Ehh... Wag mo nang basahin."

Eh? Makulit ako e kaya sinimulan kong basahin.

"Ohh... Sir... F*** me! Harder please! *Moan* Ughhhh...."

Nanlaki ang mata ko nang mabasa ko yun. Agad namang tinakpan ni Med ang bibig ko. Napansin kong saan nakatingin ang lahat ng sakay ng tren.

OH NOOOOOOOOO!!!!!!!!!!

Nalaksan ko ang pagbabasa. Baliw talaga tong si Med. Sa kainosentehang taglay, may tinataging libog! Pinindot ko ang exit at nakita ko na punong-puno ang library nya ng Possessive Series ni CeceLIB. Binilang ko, kumpleto amp***!

"Inosente ako ha, wala akong alam dyan" sabay tingin sa kawalan na parang walang alam. Tss...

" Inosente? Pero puno ng PS sa library, sino ka? Ako?" Hawot lang, di ako nagbabasa nyan. Baka ikaw reader, wala akong alam dyan.

"Hehehehe..."

Napatingin na lang ako bigla nang marinig kong kinikikig 'tong si kuya sa gilid ko. Nagbabasa din. Habang yung iba, naglalaro ng Mobile Legends, nanonood sa YouTube, at naglalaro ng kung ano-ano pa, tong magkabilaan pala, nagbabasa. Pag-untugin ko kaya mga ulo ng dalwang to. Kaso, di ko pala kilala tong lalaking nasa kaliwa ko. Tama kaliwa nga, hayyyssst... 19 years na akong nabubuhay sa mundong ibabaw pero di ko parin malaman kung nasaan ang kaliwa at nasaan ang kanan.

If You're Real ElegiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon