Pahina VIII

398 23 16
                                    

If You're Real by Mr. Ios

ᜉᜑ̊ᜈ 8

_______________________________

Habang nag iisip ako ang mga tanong sa aking isipan ay ang di inaasahang pagdating ni Ginoong Mateo na labis kong ikinagulat.

Hindi ko man lang napansin na lumapit pala sya sa akin dahil may pinoproblema ako. Saka ko na lamang napagtanto at napansin nang magsalita sya.

"Tila malalim ang iyong iniisip, Binibining Catalina."

Bigla naman akong nataranta at agad kong tinago ang sulat na ibinigay ni Mr Ios. Nilagay ko agad yun sa aking likod at nginitian si Ginoong Mateo na ngayo'y nasa side ko na.

"Ipinaparating buong pamilyang Monteveros ang paumahin sa inasta ng aking Tiyo Sicario. Patawad kong nasira na nya ang iyong pagtingin sa aming pamilya. Ganoon lamang sya subalit nais ko lamang hingiin ang iyong pag-unawa."

Ambait naman nya, siya pa ang humihingi ng sorry para sa kanyang tiyo.


"Ano ka ba, ayos lang yun. Sorry din este patawad kung ako'y nakabitaw ng hindi magagandang salita at umasta ako ng hindi maganda."


"Patawad nga pala kung napagkamalan pa kitang magnanakaw noong kumukuha ka ng ubas sa inyong ubasan. " pagsosorry pa nya. Pinaalala na naman nya hayy.

"Pwede bang kalimutan na natin yun, Mateo este Ginoong Mateo?"


Napatingin na lamang ako sa pamilyang Wilson at Villanueva. Kasalukuyang kinakausap ni Mr. Blythe kasama sina Mr and Mrs Wilson ang pamilya Villanueva.

Napakasaya ng dalawang pamilya at kitang kita mo talaga na close na close sila. Hindi ko alam kung kailan at paano naging close ang mga Wilson at Villanueva gayong magkaaway naman ang dalawang pamilyang 'to sa kwento.

Hindi rin naman sakin binanggit ng mga Wilson ang tungkol dito. Bakit parang andaming nagbago? Hindi ko na tuloy alam kung paano ko gagawan ng paraan ang bawat hakbang na gagawin ko at kung kailan at paano ako makakabalik.


••••


Gumising ako nang maaga at nandito ako sa kusina. Naggigisa ako ngayon ng sibuyas at bawang para sa lulutuin kong sangag. Ewan ko pero pakiramdam ko, maganda ang araw ko ngayon. Sabi nga ng isang quote,


"Always start your day with a smile."

Good mood ako at sana walang sumira ng araw ko. Natutulog pa sila Mr and Mrs Wilson puyat pa siguro. Nagpatulong naman akong magpatimpla ng kape kina Manang Clarita at Lolita.

Hindi kasi ako sanay sa purong kape na tanim daw ng mga Villanueva. Kinailangan ko pa tuloy dikdikin yun gamit ang mortar and pestle. Pero ang tawag nila dun dito, mortero (mortar) at majadero  (Pistel)  na sa tagalog naman ay lusong at halo.

Nagluto naman ako kanina ng adobo para sa ulam namin. Favorite ko kasi ang adobo kaya ipaghahanda ko sila. Nang maluto na ang sinasangag ko, nagpatulong naman ako sa kanila na maghanda ng mga plato at kubyertos (cutlery).

Saktong paggising nila ay bumungad sa kanila ang nakahanda nang pagkain habang ako naman ay nakaupo na at naghihintay na sa kanila. Nagpunta muna sila sa lababo at nagmumog sabay upo sa kani-kanilang upuan.


If You're Real ElegiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon