Pahina XXVI

126 8 1
                                    


ᜉᜑ̊ᜈ ᜇᜎᜏᜋ᜔ᜉ̥'ᜆ᜔ ᜀᜈ̊ᜋ᜔

"Nais sana naming iurong ang kasal"

Nakakainis naman!

May problema na naman!

Nagtaka si Don Simon, nagulat naman si Melvin at napatingin sa akin habang nananahimik lamang si Mateo at patuloy pa rin sa pagkain.

"Maari ko bang malaman ang dahilan?" tanong ni Don Simon.

"Nalaman namin kagabi na nais ng aming anak na magpakamadre kung kaya't ang tanging hangad lamang namin ay ang kanyang kagustuhan." sagot naman ni Don Edward.

HUWAT???

AKO MAGMAMADRE?

"Subalit papaano na ang ating usapan? Kami na ang bahala sa gastusin. Hindi kayo maaaring umatras. Sinusunod lamang natin ang kaugalian." tila nagmamatigas na sabi ni Don Simon.

"Amigo, ang tanging hangad lamang namin ay ang kagustuhan ng aming anak." palusot ni Don Edward.

Saglit na binalot ng nakakabinging katahimikan ang buong hapag hanggang sa basagin ito nang muling magsalita si Don Simon.

"Todo Bien! (Okay fine) Kung ano ang inyong desisyon, igagalang ko." walang magawang sabi ni Don Simon.

"Gracias, amigo! (Thank You, my friend)" tila nasisiyahang uwak na pagpapasalamat ni Don Edward.

-•••-


Kinabukasan ay maagang umalis ang mag-asawang Wilson habang si Ginoong Blythe naman ay naabutan kong nakikipaglaro sa alaga niyang pusa na si Zoody.

Napagpasyahan kong ipagpatuloy na lamang ang paghahanap kay Paz sa pag-asang makikita at mahahanap naming muli ang bata.

Saktong aalis pa lamang ako ay dumating ang isang karwahe at tumigil ito sa aking harapan. Agad na nagbukas ang pinto nito at tumambad sa akin ang isang ginoong nakaitim na damit. Nakahawi ang buhok at agad na bumungad ang isang napakatamis na ngiti—si Mateo.

"Saan tayo patungo?" tanong ko sa kanya.

"Sa kabilang bayan. May nakapagsabi raw na may nakakita raw sa kanya na pagala-gala."

Nang marinig ko iyon sa kanya ay agad na akong sumakay ng karwahe na may pag-alalay ni Mateo. Hindi ko mapigilan ang aking pagngiti nang malamang buhay siya.

Hindi mawala sa aking mga labi ang pagngiti na tila ba nakatatu na ito sa akin. Akala ko talaga may pagsisihan na naman ako. Nagbigay kami ng pabuya na sponsored ni Ginoong Blythe. Mayaman naman siya e.


—•••—


Habang nasa biyahe,

"Tila hindi manakaw ang mga ngiting nakapinta sa iyong mga labi. Nagagalak akong nakikita kang nakangiting muli." sabi niya sa akin. Nginitian ko naman siya bilang sukli.

"Akala ko kasi mawawalan na naman ako ng nakababatang kapatid." sabi ko sa kanya.

"May nakababata kang kapatid?" nagtataka niyang tanong na agad kong ikinalaki ng aking mata.

"Ang nais kong iparating ay nakababatang kapatid ni Ginoong Blythe. 'Yong aking pinsan. May nakababata kasi siyang kapatid na napakamalapit sa akin." palusot ko kasabay ng mapaklang ngiti. Buti na lang ay nakumbinsi ko naman siya.

If You're Real ElegiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon